Chapter 39

22 3 0
                                        

Iminulat ko ang mga mata ko nang may narinig akong nag-uusap malapit sa akin. Ang unang nakita ko ay ang maputing kisame at ang mga monitor na nakapalibot sa akin. Napatingin ako sa kamay ko at kitang kita ko ang mga nakakaturok na karayom sa mga kamay ko

Nanghihina ang katawan ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at ulo ko. Parang binugbog ako nang ilang mga maskuladong lalaki dahil sa kahinaan ko.

"C-Celine?!"

Napatingin ako sa mga taong nasa harap ko. Magsasalita sana ako ngunit pati lalamunan ko nahihirapan akong magsalita. Lumapit si Natasha sa akin at may kagustuhang yumakap sa akin pero alam niyang delikado galawin ang mga nakakabit sa akin

" Yawa akala ko mawawalan ako nang kaibigan" rinig ko ang pagbasag nang kaniyang boses.

"Celine what were you thinking, mabuti at nagtawag kaagad si Lolo backup. Kahit si lolo nakailang ulit sa pagsabi nang patawad dahil matagal siya nakahanap nang tulong" Saad ni Ein

"Lolo said you told him not to tell someone. Hindi niya alam ano gagawin niya Celine, hanggang ngayon nakailang punta na siya dito sa hospital" napatingin si Natasha kay Ein

"Kakalabas lang din niya kaya nakakasiguradong babalik din 'yun" dagdag pa ni Ein

Ramdam ko ang pag ka antok ko kaya napatingin ako sa kisame. "Celine" hindi ako lumingon kay Natasha. Kahit gustong gusto ko ay hindi ko kaya, hindi kaya nang katawan ko ang gusto kong mangyari.

" Celine it's been months since nagpakamatay k-ka"

Months? na comatose ako? Tangina malapit ko na sana kamtan ang kamatayan pero hindi talaga ako pinagpala

" Celine what were you thinking, kung may problema ka ba't hindi ka nagshare sa amin? Kaibigan mo naman kami"

Kaibigan. Masyadong nabulag ako sa problema para maisip na may kaibigan pa pala ako.

" Alam mo ba Nung naka comatose ka pa, ang raming pumunta dito para makita ka" naiiyak na sabi ni Natasha. " Ang lahat nang nasa ssg member noon nung highschool, naalala mo pa ba sila? Pumunta sila dito nang malaman nila ano nangyari sa'yo. Ein and my parents also came here to look on you habang wala kami. Do you know Vlad and his friends? Alam mo ba hindi na sila kagaya noon, may pamilya na ito at ang dalawang kaibigan niya ang nagtatayong tito sa mga anak niya. Lahat nang kadugo mo Celine pumunta dito. Hindi nila alam ano ang nangyari sa'yo, tangina Celine ba't itinago mo ang problema mo sa akin?"

Sa pagkakataon na ito, hindi ko alam ano ang mararamdaman ko pero alam ko na kanina pa tumutulo ang mga luha ko. Dahil sa pagiging emosyonal ko hindi ko na naisip may mga tao pala ang nag-aalala sa kalagayan ko. Masyado akong nabulag sa problema at nakalimutan sila. Gusto ko magpatawad sa kanila pero hindi ko na kasi kaya.

Pagod na pagod na din akong lumaban

"C-Celine lumaban ka, marami kami nagmamahal sa'yo. Wala lang ba ako sa'yo? Best friend mo ako, namatayan na ako nang kapatid ko Celine wag naman pati ikaw mawala sa akin" napatingin ako kay Natasha kahit hinang Hina na ang katawan ko. Nakayakap na si Ein sa kaniya habang nakatitig ang babae sa akin

"Magsalita ka naman Celine!"

"Babe, mahihirapan siyang magsalita."

"Tangina wala akong kwentang kaibigan!" sigaw niya dahilan sa pag pasok nang ilang mga nurse sa silid. Lumapit sila kay Natasha at pinaupo ito para kumalma

"Ein hindi ko kaya, kailangan ko si Celine!"

Pati si Ein tumingin sa akin, naghahanap nang tulong ko para kumalma si Natasha. Tama siya, hindi ako makapagsalita. Pero kung pilitin ko wala naman mangyari di ba?

" Ano dahilan ba't ka nagkaganiyan Celine!? Is it because of Aaron?" Biglang pumintig ang puso ko nang marinig ko ang pangalan nang lalaking pinakamhal ko. Siguro masaya na siya sa langit, he deserves it.

" Tangina hindi ko siya mapapatawad saginawa niya sa'yo!" Galit na Sabi ni Natasha

"Nurse pakilabas muna ang fiance ko" tumango ang dalawang nurse kay Ein at hinila si Natasha palabas nang kwarto. Nang marinig ko ang pagsara nang pinto ay dun pa lumapit si Ein sa akin.

"Celine, you can't leave us"

Umiwas ako nang tingin sa kaniya


"He needs you Celine"

He? Sino? Kung hindi yan si Aaron, wala akong pake alam

"Nakailang balik siya dito para makita ka. He is blaming himself for not saving you. For stoping you what you are tempting. Celine gabi gabi siya umiiyak habang nakaupo dito sa tabi mo nagdadasal para gumising ka na"

" Tangina pati ako naiiyak"

Gusto ko matawa pero hindi ko din kaya

"Lumaban ka Celine, nagsisi na siya sa ginawa niya. Hindi niya kaya mawala ka sa kaniya. Celine kailangan ka ni Aaron. Lumaban siya para sa'yo" napatigil ako nang marinig ko ang sinabi ni Ein. Napatingin ako sa kaniya

"A-Aaron" ramdam ko ang pagsakit nang aking lalamunan nang magsalita ako

"O-Oo buhay siya Celine. Pagkatapos niyang ma opera dito sa pilipinas nagpatuloy ang medication niya sa Canada. Pagbalik niya dito hinahanap ka niya, halos magwala siya nang malaman niyang comatose ka nang anim na buwan.",

Anim na buwan

Anim na buwan niya akong hinintay

" Sabi nang mga kapatid niya, hindi na siya kumakain nang maayos. Nagkukulong sa kwarto at umiiyak, sinisisi ag sarili kung hindi dahil sa kaniya edi sana hindi ito mangyari sa'yo"

Patuloy sng pagluha nang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ein. "A-Aaron. . " Napatango si Ein sa akin nang paulit ulit

" Kakalabas lang din ni Aaron, babalik yun. Do you want me to call him?" Pilit ako ngumiti sa kaniya at umiling.

"T-Tell A-Aaron I love him"

Umiling si Ein at lumabas para humingi nang tulong. Mapait akong ngumiti at napapikit. Kahit gustong gusto ko lumaban, hindi pa din kaya nang katawan ko para maibalik ang dating lakas ko. Sa huling pagluha ko ay ang pag kawalan nang huling hininga ko

@zishaax_

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon