Chapter 19
"Anong ibig mong sabihin doon?" tanong ko.
"Si Chef mailap 'yan sa mga babae kaya nang makita kong lumalapit siya sa 'yo, alam kong may something. Tapos lagi ko siyang nakikitang nakatingin sa 'yo na para bang ikaw ang treasure na matagal niya nang hinahanp. Basta ang tingin sa 'yo ni Chef, may spark," pagkwento niya.
"Nahalata mo ba na ako iyong girlfriend niya?"
Ngumiti siya. "Oo naman. Kung paano ka niya ayain kumain araw-araw, alagaan ka, alam kong ikaw iyon. Pero dahil nga private ay hindi ko sinabi sa iba."
"Chef, chef! May naghahanap po kay Chef Khione," ani ng isang waiter kaya napatingin ako roon. Humahangos siyang lumapit sa amin.
Napatingin silang lahat sa akin. Si Zeus ba ang nagpapahanap sa akin? Ano naman kayang kailangam niya?
"Si Zeus ba?" tanong ni Reynald.
"Opo, Chef," sagot ng waiter.
Tumingin sa akin si Reynald. "Kausapin mo na, Khione. Baka may kailangan. Kapag kailangan mo ng tulong, balik ka lang dito sa loob."
Kahit nag-aalangan pa ako ay naghugas na rin ako ng kamay ko bago ako lumabas sa kitchen at pumasok sa dining area.
Nakatingin na sa akin si Zeus habang naglalakad ako papalapit sa kaniya. I saw the smirk on his face while leaning on his chair. Nang makalapit ako sa kaniya nang tuluyan ay ngumiti siya lalo.
"How may I help you, sir?" kalmado kong tanong.
"Did you receive the flowers? Nagustuhan mo ba?" tanong niya kaagad. "Anyway, have a seat."
Umiling ako. "Marami pa po akong gagawin sa kusina. Kung wala naman po kayong ibang kailangan maliban sa pagkain, babalik na po ako."
He chuckled. "That's a bit harsh. I just want to have a time with you."
"That won't happen, sir. I have a boyfriend."
He did a down smile. "You can't fool me. Sabi ng ilan dito ay wala ka namang boyfriend. Still pretending that you were in a relationship with Chef Vermont?"
Napaawang ang labi ko dahil sa kaniyang sinabi. Akala niya pala nagbibiro lang ang boyfriend ko nang sabihin niya na kami? He think that it was a joke? I feel insulted! Bakit niya naman iisipin 'yon na gano'n? Dahil ba pangit ako? Dahil ba marami akong pimple marks?
"We're not pretending, sir. We just want our relationship private."
"I don't believe y—"
"Zeus!" si Majesty iyon na kakapasok lang ng restaurant. Mabilis siyang lumapit sa amin. Tumayo si Zeus at nakipagbeso kay Majesty. Parehas silang nakangiti. "What are you doing here?"
![](https://img.wattpad.com/cover/362219064-288-k520072.jpg)
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Chew on Something | ✓
Любовные романыCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...