Chapter 22
After I graduated college, I went back at the Reyesano. Pero hindi na as intern, as employee. Kasalukuyan na akong nagtatrabaho sa isang restaurant malapit sa tinutuluyan kong apartment. Hindi nga lang ito katulad ng sa VM'S restaurant. Mas kakaunti ang benefits dito.
Gusto ko rin mag-try sa ibang environment. Baka kasi kapag mapunta ako sa isang sitwasyon ay hindi ko kayanin dahil nasanay lang ako sa comfort zone ko.
"Are you sure na okay ang workplace mo, baby?" tanong sa akin ni Vermont na nagmamaneho.
We're going to somewhere. Ito na kasi ang date namin ulit after no'ng graduation pero next month ang magiging first travel namin kaya medyo excited din ako.
Marahan naman akong tumango. "Oo. I promised po," pagsisinungaling ko.
Kahit na ang totoo ay medyo toxic ang environment. Kapag baguhan ka ay sisigawan ka nila at palaging uutusan. Halos wala ring break dahil ang ten mins. na break time ay halos kukunin pa sa 'yo. Isang linggo pa lang ako roon pero pakiramdam ko ay isang taon na akong nagtatrabaho.
Tumunog ang cellphone ni Vermont na kaagad niyang sinagot. [Vermont] umiiyak na bungad ni Majesty sa kabilang linya.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Vermont, halatang nag-aalala at itinabi ang kotse. "Anong nangyari, Majesty?"
Rinig na rinig ang paghikbi ni Majesty sa kabilang linya. [Si Verdell naaksidente, Vermont. Malala ang lagay n–niya. Pumunta ka na rito. Nangh–hina si mommy. Si d–daddy papunta pa l–lang.]
"Saang Hospital kayo?"
[S–sa Reyes Hospital.]
"Papunta na ako."
Pinatay na ni Majesty ang tawag at mabilis na nagmaneho ng kotse si Vermont papunta sa hospital. Napakagat labi ako dahil alam kong malapit sa isa't isa sina Vermont at Verdell. Ang dalawa niyang kapatid ay close sa kaniya kaya alam kong nasasaktan siya ngayon dahil sa nangyayari.
Mabilis kaming bumaba nang makarating kami sa parking lot at sinundan ko lang siya sa loob. Nagtanong siya kaagad sa may information desk. Sumakay kami ng elevator at pagbukas no'n ay para akong nanghina dahil rinig na rinig ko ang pag-iyak ni Chef Madi.
"Verdell, a–anak..." Napaupo siya sa sahig habang nakatingin sa nakasaradong operating room.
Tumakbo si Vermont papunta sa kaniyang ina at kaagad na inaalo ito. Ako naman ay nanghihinang tumingin sa kanila. Nasasaktan din ako para sa kanila. Naging parte na ako ng pamilya nila. Marahan akong humakbang papunta kay Majesty na nakaupo sa may bakal na upuan.
"What happened, Majesty?" nanghihina kong tanong.
Tumingin siya sa akin at niyakap ako. "Hindi ko pa alam p—pero maraming tinamo na sugat si Verdell. Kasama na roon ang tama ng baril na malapit sa tiyan niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/362219064-288-k520072.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
Chew on Something | ✓
RomansaCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...