Chapter 25

21K 383 29
                                    

—Chapter 25—

Today is VM’s triplets day. Isa na ito sa pinakamalaking event sa Villavicencio family dahil tatlo nga naman ang magce-celebrate ng birthday sa isang araw. Mula umaga hanggang gabi ay naging abala ang lahat.

Maliban sa may birthday, hindi ba. Ako kasi kasama ni Vermont buong araw sa kwarto niya. Nag-usap lang naman kami ng mga bagay-bagay na dapat pinagpaplanuhan para sa future namin.

Pero ice-celebrate talaga ang birthday nila sa isang private mansion dahil engrande ang inihanda ng kanilang mga magulang.

Lahat kami ay nag-aabang dito sa baba habang hinihintay na bumaba silang tatlo sa may grand stairs sa may gitna. Ang hawakan no’n ay punong-puno ng dekorasyon. Engrande pero hindi masakit sa mata.

“And now, let’s welcome our birthday celebrants! The VM’s triplets! Let’s greet them a Happy Birthday,” masiglang sabi ng host.

Marahan kong itinaas ang aking kamay habang pumapalakpak para kumanta. Nakita ko silang pababa ng grand stairs. Nasa unahan si Vermont, he’s wearing dark blue tuxedo. Maayos din ang buhok niya ngayon at mas lalong umangat ang kaniyang kagwapuhan.

Nakatingin siya sa akin habang pababa siya. I smiled at him and he smiled back. Nang makarating siya sa baba ay pumwesto siya sa gilid ng hagdanan.

Ang sumunod naman ay si Verdell, he’s also wearing dark blue suit. Hindi talaga makakaila na magkmukhang-magkamukha sila ni Vermont. Ang kaibahan lang talaga ay may salamin si Verdell at iba rin ang ayos ng kaniyang buhok ngayon. Sa kabilang pwesto naman siya.

Ang ikahuli ay si Majesty. She’s wearing dark blue off shoulder. Angat na angat ang ganiya niya ngayong gabi dahil na rin sa ayos niya. Nang makababa siya ay kaagad siyang inalalayan ng kaniyang mga kambal papunta sa gitna ng platform.

“We have messages from our birthday celebrants. Who’s first?” Nagtaas naman kaagad ng kamay si Majesty.

Kinuha niya ang mic mula sa host. “Thank you po sa lahat ng mga pumunta ngayong araw. This is one of the most awaited moments of our life...” Tumingin siya sa kanilang mga magulang. “Thank you, mom and dad for always giving us a memorable birthday event and also for making us! Grandma told us that you made us when she had her birthday.”

Nagtawanan kaming lahat na nakikinig. Tawang-tawa naman ang mag-asawa at pabirong sinasaway si Majesty. “And also, thank you to my boyfriend, Andrew for being with me for 4 years! I love you.”

Bahagya akong napanganga dahil ang tagal na nila ng boyfriend niya! Akala ko ay si Vermont ang unang nagka-jowa sa kanila, si Majesty pala.

Inabot ni Majesty ang mic kay Verdell. “Thank you, everyone for coming. Just enjoy the party,” aniya at inabot kaagad kay Vermont ang mic.

Alam kong hindi siya sobrang saya ngayon dahil wala ang kaniyang minamahal. Pero gano’n naman talaga siguro, ‘no? Hindi natin masasabi kung sino ang para sa atin.

Tumingin si Vermont sa mga kapatid at ngumiti. “Happy birthday to us, Verdell and Majesty. Just stay calm so I won’t get stressed. Both of you deserve happiness, so I’m wishing you all the best. To our parents, thank you for giving us life in this lifetime. I love you both.” Tumingin siya sa audience. “To those people who came here, thank you for coming. To my Iaeious, Dos, and Zariza, Villavicencio, and San Jose families: thank you for being my support system”
 
Ngiting-ngiti siya. “I have an announcement... I know most of you want to meet my girlfriend. And today, I want to tell everyone about her.”

Naramdaman ko naman kaagad ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Siya ang may birthday pero parang siya ang may pa-surprise sa akin!

“My girlfriend was my childhood crush, my first love, my greatest love, and my everything. I got to know her deeply when she had her internship in our restaurant. She’s beautiful, smart, and kind. Of course, I love her so much.” Tumingin siyang muli sa akin. “Come here, baby. I want to tell the world about you.”

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon