Chapter 31

19.4K 408 64
                                    

—Chapter 31—

Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang puting kisame. Ilang beses akong kumurap pero wala akong maramdaman na kahit na ano.

“You’re awake...” Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ng kama. “Meria, remember me?”

Nakatitig lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ano ang sasabihin ko. Hindi ako makapagsalita, walang pumoproseso sa utak ko na kahit ano.

“I’m your husband— Tyler,” pakilala niya bago ngumiti.

Kumurap ako. Wala akong maramdaman. Parang may kulang sa ‘kin, parang may kulang sa pagkatao ko. Pakiramdam ko ay hindi ako buo.

Sa mga sumunod na buwan ay marami akong nalaman. Dinala niya ako sa Australia, may amnesia ako at kasal kaming dalawa pero wala kaming anak. Ang hindi ko lang malaman ay kung paano ako napunta rito.

“You had your accident when you were going from the hospital,” kalmado niyang sabi.

“Saan ‘yon? Here? Or in the Philippines?”

Ilang buwan na simula nang nakalabas ako sa hospital. I’m still recovering pero wala pa ring alaala ang bumabalik sa akin.

“In the Philippines. I brought you here for the fast recovery. You’re in coma for a year. Nag-aagaw buhay ka na no’ng makalipas ang isang taon but after few months, you’re still giving us a sign that you’re alive.”

“T–thank you for not giving up on me.”

“You’re welcome, wife.”

Hindi ako nakakalabas ng bahay maliban na lang kung may check-up ako sa hospital. Ang sabi ng doctor palagi sa akin ay hindi ko raw agad-agad maibabalik ang aking alaala kung wala raw taong totoong magpapaalala sa akin ng mga bagay. Pero sabi niya ay ‘wag ko rin masiyadong bibiglain ang aking sarili.

I feel bored in our house, manood, matulog, magpinta, makinig ng mga kanta, at maglinis lang ang madalas kong gawin. Halos pinagawan na rin ako ng art room para roon tumambay. Kahit papaano ay medyo kumakalma ako.

I stared at my canvas. I painted a guy pero nasisiguro kong hindi iyon si Tyler. May mga nunal kasi sa kaniyang mukha, si Tyler ay wala. I have no reference for this art. Hindi ko alam pero parang nakatatak na siya sa utak ko na hindi ko p’wedeng makalimutan.

It’s also weird dahil madalas ko rin siyang mapanaginipan kahit na blurred ang mukha niya sa aking panaginip ay nasisiguro kong iisa sila.

Nang may kumatok sa pintuan ay dali-dali kong tinago ang ang canvas na iyon dahil ayokong malaman ni Tyler na may mukha akong ipinipinta.

“Come in!” sigaw ko.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Iris, ang kasambahay namin. “You’re here! I’ve been looking for you for a while.”

“Yeah, I was just painting some flowers,” I said, showing her my painting.

“Wow, what kind of flowers are those? Are they daisies?”

I nodded. “Yes, yellow daisies. They represent happiness and sunshine.” I paused for a moment. “Have you been working here for a long time?”

She shook her head. “No, just for about a year. Since you arrived.”

“Oh, I thought you’d been here for much longer.”

Gusto kong itanong sa kaniya ang tungkol sa buhay ko before ang aksidente. Kaya lang ay bago lang din siya kaya panigurado ay wala rin siyang alam.

She smiled at me. “Ma’am, if you’re in doubt, God will find a way for you to find the right way.”

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon