Chapter 2

24.7K 537 106
                                    

Chapter 2.

Tour guide

“Naku, pasensya ka na, ah. Wala kasing pasok ang apo ko kaya hinahayaan ko na lang matulog nang mahaba.”

Habang papunta ako sa may terrace ay naririnig ko na ang boses ni lola. Mukhang may kausap siya.

“Kung gusto mo, sina Chi at Akira na lang ang uutusan ko,” dagdag nito.

Kumukusot pa ako sa mga mata ko habang nakasilip sa pintuan. Napahikab ako bigla nang matamaan ng araw ang mga mata ko.

Natigilan ako sa aking ginagawa nang makita kung sino ang kausap ni lola. Nakatingin siya sa akin habang nakaupo sa may rattan na upuan. Nasa hita niya ang alaga naming pusa. Hinihimas niya ang buhok nito habang ang aking pusa ay napapapikit pa.

“It’s fine po, lola,” sagot niya ngunit nakatingin pa rin sa akin.

Ang hilig niya akong tingnan! Dapat na ba akong mag-assume?!

Napahawak ako sa ilong ko nang may makapa na naman akong pimples doon. Lintek naman, oh! Pawala na nga sila, eh.

Tumingin sa akin si lola at napangiti. “Mukhang may nagugustuhan ka, apo. Ang laki niyan, ah.”

Napanguso ako. “Totoo ba ‘yon, lola?”

“Aba, kung alam mo naman sa sarili mo na meron. Edi, maniwala ka. Mayroon ba?”

Nahihiya akong tumawa at nag-unat. “Wala po, lola. Aral muna, oh! Dalawang sem na lang po. Pagkatapos no’n, p’wede na po.”

Ngumiti si lola sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa aming bisita. “Kaya mo ba siyang hintayin, Vermont?”

Napatingin si Vermont kay lola at mukhang nagulat pa. Nang makabawi ay ngumiti siya. “Oo naman po.”

“Huh?” taka kong tanong.

Tumingin sa akin si lola. “Kailangan niya raw ng tour guide ngayong araw. Sa akin lumapit. Kaya apo sige na at kumain ka na. Hihintayin ka ni Vermont.”

Hindi ako makapaniwalang itinuro ang aking sarili. “Ako? Magiging tour guide niya?”

“Bakit naman hindi? Nakasama mo naman siya kahapon kahit saglit. Kaya alam kong medyo komportable na siya sa ‘yo. Sige na.”

Pinapasok na ako ni lola at wala na akong nagawa kundi ang dumiretso sa kusina at kumain. Pagkatapos no’n ay nagmadali lang akong naligo. Nagsuot lang ako ng t-shirt at ng pants. Simple lang dahil mainit din. Nagdala na lang din ako ng small bag para sa lagayan lang ng phone at wallet ko.

Nang lumabas ako ay naabutan ko si Vermont sa may bakuran namin at natutulog sa may duyan. Lumapit ako patungo sa kaniya. Naka-cross pa ang kaniyang mga braso habang tulog. Kunot na kunot ang kaniyang noo na akala mo’y may kaaway sa panaginip.

Kapag tulog lalong gumagwapo. Grabe naman talagang mukha ‘yan! Pinagpala ba naman sa lahat.

Kapansin-pansin lalo ang kaniyang mga nunal dahil nakadagdag ito sa kaniyang itsura. Mayroon siya malapit sa may kilay, sa tip ng kaniyang ilong at sa may bandang ibaba ng kaniyang labi, sa may gilid.

Nang magmulat siya ay nagtagpo ang tingin naming dalawa. Napakurap ako dahil sa gulat. Nang makabawi ay ngumiti lang ako ng simple bago umiwas ng tingin.

“Ready na ako.”

Hindi ko na nakita ang kaniyang ginawa dahil tumalikod na ako mula sa kaniya. Maya-maya lang ay naramdaman ko na kaagad ang presensya niya sa may gilid ko.

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon