EPILOGUE

31.3K 655 203
                                    

—Epilogue—

“Mommy!” Naitulak ko nang bahagya si Vermont nang marinig ang sigaw ni Kyra. Parehas kaming napalabas ng kwarto at pumunta roon sa kabila.

“Why, baby? Anong nangyari?” natataranta kong tanong.

Binuksan agad ni Vermont ang ilaw. Si Vk naman ay nakatingin kay Kyra, tulala at mukhang nabigla sa pagkagising. Kinarga siya ni Vermont.

Kinarga ko naman si Kyra. “Why?”

“I thought po umalis kayo. Dito po kayo sleep, mommy,” nakanguso niyang sabi sa ‘kin.

Napatingala naman ako kay Vermont. Umiwas siya ng tingin mula sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Kyra at kinarga siya. “Sa kwarto na kayo matulog,” sabi ko.

Bago ko malagpasan si Vermont nang makatayo ako ay nakita ko pa ang pagbusangot niya dahil nakanguso pero naramdaman ko rin ang pagsunod niya. Mabuti na lang at malawak ang higaan ni Vermont kaya kakasya kaming apat dito.

Inilapag ko na si Kyra at nagtinalon pa sa kama. Samantalang si Vk ay nang mailapag ay kaagad na humiga at pumikit na kaagad.

“Kyra, anak please behave. Your twin’s sleeping,” kalmadong sabi ni Vermont.

“Sorry, daddy,” sagot ng bata sa kaniya at naupo sa kama.

Lumapit sa akin si Vermont. “Baby, patulugin mo na siya. Iaakyat ko na lang ang pagkain natin,” aniya.

“Okay.”

Ngumiti siya sa akin at humalik sa noo ko. Humalik naman siya sa tuktok ng ulo ni Kyra at Vk. “Sleepwell, babies.”

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ang mukha ko. Hindi nga ako nagkamali dahil ang kambal ay pinagpipisil ang pisngi ko.

“Mommy, gising na po. Kain na tayo. Gutom na ako,” sambit agad ni Kyra.

“Mommy, daddy prepared yummy foods. Let’s eat! Let’s eat!” masiglang sabi naman ni Vk.

“Good morning, babies,” nakangiti kong bati.

Sabay silang humalik sa magkabilaang pisngi ko. “Good morning, mommy!” masigla nilang bati.

Ang saya-saya ng puso ko dahil nakikita ko silang masigla at nandito sa tabi ko. Hindi ko inaasahan na magiging mas masaya pa pala ako simula nang magising ako mula sa pagka-coma.

Namg makabangon ako ay isa-isa ko na rin silang ibinaba. Nagbihis lang ako saglit sa banyo bago sabay-sabay kaming bumaba.

Sa hagdanan pa lang ay naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa dining area. Mukhang kumpleto nga ang buong pamilya ngayon.

“Hello, people!” bati kaagad ni Vk patakbo sa dining area na sinundan ni Kyra.

Mas lalong umingay ang dining area at napuno ng tawanan. Nang makarating ako roon ay nandito nga ang lahat at nagce-celebrate dahil para na rin sa nalalapit na kasal ni Verdell.

Ngayon ko lang nakita ang babae o baka kasama rin siya sa memorya ko na hindi pa rin bumabalik. Naramdaman ko kaagad ang akbay ni Vermont sa akin. Nagulat na lang ako dahil parang sumulpot na lang siya kung saan.

“Are you happy?” tanong niya habang nakatingin sa akin.

“Oo naman. Sobra pa.”

“Teka lang. Na-late ba kami?” tanong ng isang babae kaya napalingon ako sa labas ng dining area.

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon