warning: disturbing content
Chapter 33
TYLER POV
"Naknampucha. Ang pogi," I said happily.
As I glanced down the hallway, I spotted a man strolling along. His tousled hair added a rugged charm to his appearance, and his complexion seemed to effortlessly complement his aura. He had an air of sternness about him, adding an intriguing edge to his demeanor.
"May crush na ako sa BSHM," pagkwento ko kina Iaeious at Dos. They're my blockmates, the only ones who know my secrets, including my bisexuality.
"Who?" Dos asked.
"Vermont. Do you know him?"
"Naknampucha. Ka-banda namin 'yon, eh. Pogi talaga 'yon," sabi niya at natatawa nang bahagya. "Yiee, bagay kayo."
Gumawa ako ng paraan para mapalapit sa kaniya pero laging unsuccessful. Doon ko rin nalaman na siya si Verry dahil madalas akong makinig ng gig nila. Lagi ko ring tinatanong ang mga kaibigan ko tungkol sa mga kantang ginagawa nila.
Tungkol daw iyon sa babaeng gusto ni Vermont.
Natakot ako... Baka tuluyan na akong mawalan ng pag-asa sa kaniya. Sa dami nang naghahabol sa kaniya ay posible na hindi niya ako mapansin. I admired him from afar hanggang sa hindi ko na maiwasang hindi siya sundan kahit saan siya magpunta.
Matanaw ko lang siya sa malayo ay okay na sa akin.
Hanggang sa parehas kaming maka-graduate sa college, siya pa rin ang gusto ko. Hindi nagbago.
"Mag-move on ka na," sabi ni Iaeious.
"Ayoko nga."
Iyon ang nangyari. Hangga't wala siyang girlfriend ay hindi ako titigil. Hanggang sa nalaman kong nakakasama na niya ang babaeng nagustuhan niya. I got jealous easily. Sino ba siya para sumira sa relasyon naming dalawa ni Vermont?
Kinumpirma ko kung sino iyon. Madalas silang sumabay pumasok sa trabaho, akala ko no'ng una ay wala lang iyon pero nang may maganap na gig sa club ay napansin ko kaagad na nanonood din ang babae sa audience.
And I succeed, nalaman ko na siya nga 'yon. On how Vermont protect her from me. I even looked at them the entire time. Hinalikan ni Vermont ang babae sa pisngi.
My fist clenched, I'm jealous na hindi naman dapat. Alam kong wala akong pag-asa sa kanilang dalawa. Mas lalo lang akong nalungkot at nilalamon ng galit ko nang mag-post na si Vermont tungkol sa girlfriend niya. I was mad!
I want to ruin their relationship!
Sabi ko sa sarili ko ay may mali na sa ginagawa ko. I decided to distract myself pero hindi iyon nagwagi. Nagkaroon din ako ng girlfriend, isang ob-gyn. Alam niya ang past ko pero hindi ang pagka-obsessed ko kay Vermont.
YOU ARE READING
Chew on Something | ✓
רומנטיקהCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...
