Chapter 23
"I'll clean the mess," sabi ng boyfriend ni Majesty.
Hindi ko na maintindihan ang kaniyang sinabi dahil umiiyak ngayon si Vermont sa harapan ko. Pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko. I hugged him and he hugged me back. Umiyak siya sa mga balikat ko.
"I'm here... I'm here always," bulong ko.
"Please, don't get tired of me," nahihirapan niyang saad sa akin.
Marahan akong tumango. "Yes, yes. I won't leave you."
Matapos ang ilang minuto ay dinala ko na rin siya sa kwarto niya. Nakalakad pa naman siya kahit papaano at dumiretso ng higa sa kaniyang kama. Dumiretso agad ako sa kaniyang banyo at kumuha ng towel para malinisan siya at makapagpalit siya ng kaniyang damit.
Hindi naman ako nahirapan dahil kaagad siyang sumusunod sa akin. Nang matapos ko siyang asikasuhin ay naupo ako saglit sa gilid ng kama. Napabuntong-hininga ako bago pinunasan ang mga luha ko.
Kaya mo 'yan, Khione!
Nang nakumutan ko na siya ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko ang mga ininuman ni Vermont pero wala na roon ang mga basag na bote.
"Khione, alis na kami. Hinahanap ako ni mommy. Sasabihin ko na lang na nakainom si Vermont," aniya.
Tumango ako kay Majesty. "Sige. Ingat kayo."
Nang makaalis sila ay siya namang panimula kong paglilinis ng mga kalat. Medyo umabot sa kusina ang kalat kaya kahit pagod ako galing sa trabaho ay naglinis pa rin ako.
Napahawak ako sa counter nang maramdaman ko ang hilo ko. Hindi pa pala ako kumakain simula tanghalian! Nagtungo ako sa ref ni Vermont at napahinga ako nang maluwag nang may makita akong ulam doon at iinitin ko na lang. Hindi pa naman panis.
Dali-dali akong kumain nang mainit ko iyon at halos nanginginig na akong sumusubo pero balewala dahil sa sobrang gutom. Matapos kong kumain ay bumalik na ako sa paglilinis. Natapos yata ako ng 9PM.
Hindi ko alam kung paano na ako mag-aasikaso nito para bukas. May trabaho ako pero hindi ko naman p'wedeng iwan si Vermont dito na mag-isa.
Pumunta ako sa kabilang kwarto para kuhain iyong small foam. Bumalik ako sa kwarto ni Vermont at inilatag iyon sa baba. Dito na lang ako matutulog para maramdaman ko kung gagalaw siya o hindi. Maaga na lang din ako gigising. May mga naiwan pa naman akong damit dito. Didiretso na ako sa trabaho.
Nang magising ako ay mahimbing pa rin na natutulog si Vermont. Bumangon na ako at nagligpit pra makapag-asikaso. Nagluto ako ng almusal niyang lugaw para mamaya ay may makain siya paggising niya.
Pagpasok ko pa lang sa restaurant ay sermon na kaagad ang inabot ko dahil na-late ako! Medyo malayo kasi ang condo ni Vermont mula sa restaurant at traffic pa.
YOU ARE READING
Chew on Something | ✓
RomanceCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...
