SPECIAL CHAPTER

14.3K 372 38
                                    

SPECIAL CHAPTER

Napansin ko si Kyra na nakaupo sa sahig habang pinagmamasdan ang kaniyang ama na nasa carpet. Nakasuot siya ng pink t-shirt na may disenyo ng kaniyang paboritong palabas at saka ng maong shorts, white shoes. Mayroon rin siyang bowler hat at naka-pig tail ang kaniyang buhok paibaba.

Kagagaling ko lang sa banyo dahil naligo ako. Aalis kami ngayon at ipapasyal ang mga bata. 6 years old na sila ngayon at talaga namang makukulit na sila.

“Kyra, anak...” Tumingin siya sa akin bago tumayo. Tumakbo siya papunta sa akin. “Bakit mo tinititigan ang daddy mo?”

Nataranta ako nang makita kong iiyak na siya. Pinantayan ko ang kaniyang tingin at hinaplos ang kaniyang buhok.

“Mommy, hindi po gumagalaw si daddy,” panimula niyang saad.

“What happened?” nag-aalala kang tanong.

“He didn’t move,” aniya.

Kaagad kong hinawakan ang kamay niya saka ako tumayo. Nagtungo kami sa kaniyang ama na nakadapa pa rin sa carpet at tago ang kaniyang mukha.

“Vermont,” tawag ko.

“Mommy, sabi ko lang naman po, ‘I love you, daddy. You’re the best.’ Tapos po bigla na lang po siya gumaniyan,” pagsusumbong pa ni Kyra sa akin.

Marahan naman akong natawa. Simpleng bagay kasi ay parang bumibigay ang katawan ni Vermont. Tawang-tawa ako kapag kinikilig siya sa sinasabi ng kaniyang mga anak sa kaniya. Para bang palagi siyang nanghihina.

“What’s his reaction, baby?” tanong ko.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at saka pilit na sinisilip ang mukha ng kaniyang ama. Natawa na ako nang makita na nakangiti si Vermont sa kaniyang anak at saka tumawa nang marahan.

Tumihaya siya saka kinarga si Kyra. Kaagad na tumili ang bata at tumawa pagkatapos. Nagharutan na sila sa carpet.

Naramdaman ko naman ang maliit na kamay na humawak sa akin. Napatingin ako roon at nakita ko naman si Vk na nakanguso at iiyak din. Nakasuot siya ng grey na t-shirt at maong pants at saka small bag.

Lumuhod ako nang bahagya sa kaniyang harapan. “Bakit, baby?”

Itinuro niya si Vermont na nakatingin na rin sa amin. Hinarap ko ulit si Vk at maya-maya pa ay umiyak na siya nang malakas.

“Daddy ate my gummy worms, mommy!” humihikbi niyang saad.

Nilingon ko si Vermont at saka sinamaan siya ng tingin. “Bakit inagawan mo naman ang bata?” tanong ko.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at saka inayos nang pagkakarga si Kyra sa kaniyang hita. “Hindi ko naman inubos.”

“Kahit na. Grapes ba iyong kinain mo?” Tumango siya kaya napasapo ako sa aking noo. “Favorite niya ‘yon, Vermont.”

Ngumuso si Vermont at saka tumingin kay Vk. “Come here, baby,” aya niya sa anak.

Tumingin sa kaniya si Vk at marahang lumapit sa kaniya. Niyakap kaagad ni Vermont ang bata at saka nagsalita sa mababang boses, “Sorry na, baby. I’ll buy you new ones, okay? Stop crying.”

“We will buy more, Vk!” masiglang saad ni Kyra sa kaniyang kambal.

Napangiti ako habang pinagmamasdan silang tatlo. Simula nang makaalala na ako ay lumalalalim ang pagmamahal ko sa kanilang tatlo lalo na kay Vermont. Hindi ko inakala na mula noon hanggang ngayon ay kami pa rin talaga ang priority niya. Hindi ko nga alam kung paano niya kinaya ang mga panahon na wala ako sa tabi niya noon.

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon