warning: physical abuse and guns
—Chapter 32—
“Kailangan ko munang bumalik sa kwarto. Hahanapin niya ako. Galit siya.”
Hinawakan niya ako sa braso ko. “No. Hindi ka na babalik do’n. You’re in danger,” nag-aalala niyang sabi.
Umiling ako. “Kailan muna nating planuhin kung paano mo ako makukuha sa kaniya. We can’t do anything without a concrete plan. May mga tauhan si Tyler sa loob ng cruise ship. Parehas tayong mapapahamak,” paliwanag ko.
Bumuntong-hininga siya bago marahang bitawan ang braso ko. “Just don’t let him touch and hurt you, hmm? Kapag ginawa niya ‘yon, hindi ako magdadalawang isip na pwersahin kang kunin sa kaniya.”
Marahan akong tumango. “Thank you, Vermont.”
Niyakap niya ako at ramdam ko ang haplos niya sa aking buhok. “No. Thank you for being alive.”
“Ikaw naman talaga ang asawa ko, hindi ba?” paninigurado ko pa lalo.
“If you’re in doubt, roam your eyes.”
Nang ilibot ko ang aking tingin ay nakita kong kay small frame roon sa may gilid ng kama niya. Picture naming dalawa iyon, sa kasal.
Habang may nakasabit naman na picture sa dingding sa paanan ng kaniyang kama. Picture namin iyon ulit pero hindi ko alam kung ano ang okasyon. He’s wearing a blue tuxedo, while I’m wearing a blue halter dress.
Hinatid niya ako hanggang lobby hanggang sa makarating ako sa kwarto namin. Sakto lang ang dating ko dahil wala pa si Tyler. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam pero ramdam ko ang kaba ko ngayon.
Bumukas ang pintuan at bumungad si Tyler sa akin. Mukhang mainit ang ulo niya ngayon kaya nanatili akong tahimik sa gilid ng kama. Naramdaman kong umupo siya sa may likuran ko at niyakap ako mula roon.
“Make your husband happy,” bulong niya.
I never heard this phrase from him. Never na may nangyari sa amin dahil ayoko. Tuwing lalapit kasi siya sa akin ay kakaiba ang nararamdaman ko. I feel uncomfortable. Sinasabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko o kaya pagod ako sa araw.
Naramdaman ko ang haplos niya sa may braso ko pababa sa aking kamay. Naestatwa ako mula sa aking kinauupuan.
“‘Wag na ‘wag mo akong gagalawin, Tyler.”
Bahagya siyang natigilan. “What did you say?! You’re my f*cking wife and I deserve a service from my wife. Why can’t we do that? Are you seeing that man?”
Pagak akong natawa. “Why? Kilala niya ba ako? Are you afraid that he might come and get me?”
Mabilis niya akong iniharap sa kaniya, naging sanhi ng sakit ng katawan ko. Pwersa niya akong inihiga sa kama at sinampal ako.
“Don't test my patience, Meria. I shouldn't have brought you here if you're just going to be a burden. You can't even fulfill your duties as my wife!”
“Wala akong pakialam! Ilang beses kitang tinanong kung asawa kita, and you kept saying yes but I don’t feel anything. Nagsisinungaling ka ba sa akin?” matapang kong sagot sa kaniya.
Tumayo siya at hinila ako. Napatili ako nang pwersahan niya akong itayo at ibagsak sa sahig. Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.
“After I help you recover, this is how you repay me?! Four years is not enough to forget him, Meria?! Four years is not enough?! I'm the one here for you, but you still find a way to be with him!”
BINABASA MO ANG
Chew on Something | ✓
RomansaCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...