Chapter 16

18K 391 57
                                    

—Chapter 16—

Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa higaan dahil sa nangyayari. Kami na ni Vermont! Boyfriend ko na siya. First boyfriend.

Napanguso ako dahil hindi ko alam kung paano na ako magre-react sa harapan niya. P’wede na ba akong mag-inarte? Magpalambing? Magpa-baby?

Hindi ko mapigilang ngumiti lalo na nang makita ang story niya sa IG.

@verzaricio • 3hr

my girlfriend 💗

Picture iyon ng kamay naming dalawa na magkahawak. Nando’n din ang bouquet. Maging ang babang part ng painting niya para sa akin.

May post din siya sa kaniyang ig. Puro iyon pictures sa museum pero ang nasa pinakaunahan ay ang nakatalikod na ako habang hawak ang bouquet at nakatingin lamang sa malaking painting.

Hindi rin ako makikilala sa painting dahil sa babang parte lang ang inabot. Nakita ko naman kaagad ang mga comments na nando’n.

@verzaricio • 3hr
my beautiful boss madam💓

@madivillavicencio
finally! congratsssss, mabmab ko❤️

@delttizaricio
yun oh pakain na, 'ya

@majestyzaricio
yeyy! ang ganda talaga niya huhu
~ replied
@lilychiz
Sino po ang girlfriend?
~ replied
secret po

Napangiti ako dahil supportive ang pamilya niya. Pinaalam ko na rin kay mama at tatawag na lang daw siya bukas para makausap si Vermont. Kailangan ko ring ibalita ‘to kina lola kaya uuwi kami sa sabado ng hapon para pagkalinggo ay babalik na rin.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil masaya ang araw ko. Hindi na ako maawat kakangiti dahil finally may boyfriend na ako at si Vermont iyon.

Pagkalabas ko ay naabutan ko siya sa kusina na nagluluto. Marahan akong naglakad papunta sa kaniyang likuran at niyakap siya.

“Good morning,” bati ko at isinandal ang ulo ko sa kaniyang likuran.

“Good morning, boss madam. How’s your sleep?” malambing niyang tanong habang nagluluto pa rin at nakayakap ako sa kaniya.

“Maganda ang tulog ko...” Tumabi ako sa kaniya. “Himala at hindi ka maagang pumasok ngayon?” tanong ko.

“I cooked for my girlfriend...” He gave me a softkiss. “I love you.”

Napangiti naman ako lalo. “Ang aga, ha...” Napatingin ako sa kaniyang niluluto. Egg sandwich iyon na may bacon. Napatingin ako sa tabing kawali. May fried rice pa roon at saka longganisa. “Ang dami mo namang niluto.”

“You didn’t eat much at work, so you should eat more breakfast and dinner. Have a seat, and let’s eat.”

Tinulungan ko na lang din siyang ilapag ang mga kakainin namin sa lamesa. Nakapagtimpla na rin pala siya ng chocolate milk drink para sa aming dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay nag-asikaso na rin kami para sa pagpasok sa trabaho. Inaayos ko ngayon ang suot niyang chef’s attire. Dito na talaga siya nagbibihis sa condo. Ako kasi ay doon na sa restaurant dahil alam kong madudumihan ang aking damit.

He gave me a kiss on my cheeks. “Bakit na naman may kiss?”

Ngumisi siya sa akin. “Expect that everyday. I love to kiss you.”

Pabiro kong tinulak ang mukha niya palayo sa akin. “Ang harot mo na, ha,” pang-aasar ko sa kaniya na tinawanan niya lang din.

Sabay na rin kaming pumasok sa trabaho pero pagkarating sa restaurant ay ako ang naunang bumaba dahil baka pag-chismisan kami.

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon