Chapter 1.
Visitor
“Our next music is from Verry. Let’s hear his music entitled, first dance.”
Kaagad kong sinalpak ang earphone sa aking tainga nang marinig na kanta na ni Verry ang ipapatugtog. He’s an anonymous singer but a famous one. We didn’t see his face pero maganda ang kaniyang boses at para akong hinehele.
Tuwing pinakikinggan ko ang kaniyang boses ay siya namang pagbibigay sa akin ng comfort.
“When you hold my hand, electricity flows inside my body
Our eyes met and I could see my eyes twinkling while looking at you
When the music starts, our bodies starts to sway like I was in the clouds
It was a beautiful moment with you, my girl
How could I forget that night?
Our first dance made me crazy.”Unti-unti akong napangiti dahil naalala ko ang araw kung kailan isinayaw ako ng anak ni sir Vladi. Until now hindi ko pa rin mahanap ang kaniyang account.
I think he’s a private person...
“Anong oras ka na naman natulog, Khione? Nakita na naman kita kaninang umaga na nakasalpak pa ang earphone mo sa iyong tainga,” bungad kaagad ni lola habang naghahain ng almusal.
Ngumisi ako sa bago siya yakapin sa kaniyang bewang. Humalik ako sa kaniyang pisngi.
“Good morning, lola. Nakatulog po ako sa kanta ni Verry, ‘la. Nakalimutan ko na po tanggalin.”
Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kaniya at naupo na rin sa silya. Ibinaba niya ang pinggan ng kamote.
Tumingin siyang muli sa akin. “‘Wag mo na uulitin iyon at baka mabingi ka.”
“Opo.”
Nakita ko naman si lolo na kakapasok lang ng bahay habang hawak pa ang kaniyang salakot. Tumayo ako at nagmano sa kaniya.
“Aga niyong umuwi, lolo, ah,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa ‘kin bago guluhin ang buhok ko.
“Aba, eh nami-miss ko na kaagad ang lola mo, eh.”
Napatawa naman ako nang malakas. “Grabe naman, ‘lo. Sa harapan ko talaga, ha?”
Humakbang siya papalapit kay lola at niyakap ito. I love what I’m seeing right now. They really love each other. Sila na ang nag-alaga sa ‘kin simula noong bata pa ako. Si mama kasi ay kinailangang mangibang bansa para mabuhay kami. Samantalang ang tatay ko ay tinakbuhan na ang kaniyang responsibilidad.
“Kain na tayo at marami pa tayong gagawin sa bukid.”
Bakasyon na nga at 4th year na ako sa pasukan. Pero kinakailangan kong pumunta sa siyudad para doon mag-OJT. Napag-usapan na iyon last sem dahil kakaunti lang ang mga restaurants dito sa aming probinsya na tumatanggap ng mga katulad naming cookery students.
“Huy, mga bakla! May dayo!” salubong kaagad sa ni Chi sa amin ni Akira habang nasa bukid kami.
Humahangos siyang umupo sa tapat namin. Nasa ilalim kami ng puno ngayon dahil nagpapahinga. Nag-aani kasi kami ng tanim naming kamote kaya nandito kami.
Pagmamay-ari ito nina lola kaya malaya kaming nakakapunta rito.
“Sino? Sino raw?” tanong naman kaagad ni Akira.
Dumampot si Chi ng kamote mula sa plato bago isubo iyon. Nang maubos iyon ay tumingin siya sa amin at ngumiti.
“Naalala n’yo ba ‘yong anak ni sir Vladi? Bumalik siya!” Nag-angat siya lalo ng kilay sa akin. “Khione, alam kong crush mo pa rin ‘yon! OMG! Rooting for your successful lovelife this time!”
BINABASA MO ANG
Chew on Something | ✓
RomanceCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...