Chapter 21
Sa mga sumunod na buwan ay naging maayos ang experience ko sa VM's sa restaurant. I learned a lot about cooking, love, and life. Lastly, I love how they connected to each other. Finally, tapos na ang OJT.
Si Zeus ay hindi na nagpakita, nabalitaan na lang namin kay Majesty na dahil tapos na raw ang vacation nito ay bumalik na sa Europe para magtrabaho.
Nasa La Union na rin ako at 2 months na lang din ay ga-graduate na ako. Our relationship went smooth, nito lang mga nakaraang buwan, hindi kami nagkikita dahil busy siya sa pag-aasikaso ng mga business nila sa ibang lugar. Samantalang ako ay busy sa pag-aaral. Pero magkausap naman kami tuwing gabi.
"Khione, may nagkaka-crush sa 'yo sa journalism," pagkwento ng isa kong ka-member para sa term paper, si Jazy.
"Naku, may boyfriend na 'yan si Khione," panggagatong naman ni Chi. "Pogi, matangkad, mabango, at saka mayaman!"
Nag-angat ako ng tingin sa kanila dahil tutok ako sa laptop. "Saka mahal na mahal ako," dagdag ko, nang-aasar.
Kinantyawan naman nila ako at puro sana all naman ang naririnig ko. Ang iba pa nga ay tambulin na ang lamesang semento kaya natawa na lang din ako.
Nagulat ako nang may naglapag ng plastic sa gilid ng laptop, puro pagkain iyon. "May nagpapa-abot galing sa nursing," sabi ni Akira. "Taray, simula no'ng 2nd semester, dami nang nakapila."
"Gaga. Ibalik mo na 'yan," sabi ko.
"Anong ibalik? Eh, tumakbo pagkabigay sa akin."
Nginisian ko siya. "Oh, edi kainin n'yo na. Busog pa ako, eh," pagsisinungaling ko.
Pero hindi na talaga ako kumakain ng luto ng ibang tao. Madalas ay ako na ang nagluluto ng mga pagkain. Ang tanging kakainin ko lang ay ang luto ko, luto ni Vermont, at ang luto nina lolo at lola. Way ko na rin 'yon para makatipid ako dahil nag-iipon ako para sa travel namin ni Vermont after graduation.
"Anong busog? Kaninang 10 AM pa huli mong kain," aniya.
"I'm good," sabi ko.
"So, sino nga ang boyfriend ni Khione? Bakit parang ang low-key," sabi ni Vienna.
Ngumiti ako sa kaniya. "Secret. Bawal pa sabihin."
Gusto ko kasing mas makita nila ito sa personal kaysa sa mga ganiyang account-account na 'yan. Mahirap na at baka maagaw pa ng iba. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, sadyang takot lang ako na may dumikit-dikit sa boyfriend ko. Iba na kasi sa panahon ngayon.
"Kaya pala blooming no'ng bumalik ka. Nagka-boyfriend na," sabi naman ni Pao. "Pero grabe rin ang mga naghahabol sa 'yo ngayon."
"Hayaan mo sila. Sapat na sa akin ang boyfriend ko."
YOU ARE READING
Chew on Something | ✓
RomanceCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...
