Chapter 28

31.7K 408 95
                                    

—Chapter 28—

Habang kumakain kami ay gano’n na lang ang gulat ko nang sinisigaw ni Vermont ang pangalan ko. Napatayo kami bigla at nagpunta sa hagdanan.

Nang makita niya ako ay kaagad siyang humakbang papunta sa akin at mahigpit akong niyakap. “I thought you left.”

Nasobrahan na naman siya sa pagiging OA niya.

“Kumakain lang ako,” sabi ko. “Ayaw mo kasing bumangon, eh.”

“Sorry. I feel sleepy earlier,” aniya.

“Kung makasigaw naman akala mo nawawalan,” masungit na sabi ni Majesty at bumalik na sa dining area.

Kaming dalawa na lang kasi ang kumakain. Samantalang sina mita at tito ay umalis na para magtrabaho.

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa may dining area. Maraming pagkain ang nakahain doon at alam ko namang hindi siya mapili sa pagkain.

Kaagad siyang yumakap mula sa aking likuran habang nag-aayos ng kaniyang plato. “Ang bango mo, baby,” malambing niyang sabi.

Napatingin naman ako kay Majesty na parang diring-diri sa nakikita habang ngumunguya kaya bahagya akong natatawa.

“I want a milk,” bulong niya.

Napasapo ako sa noo ko dahil alam ko na ‘yang milk na ‘yan. Hindi talaga ‘yan milk. Pinagloloko lang ako niyan.

“Vermont, get your own milk. Para kang bata,” sabi ni Majesty at tinapos na ang pagkain.

Hindi siya pinansin ng kapatid hanggang sa makaalis na ito. “Kumain ka muna. No milk kapag hindi ka kumain,” sabi ko.

Hinalikan niya ang pisngi ko bago siya naupo sa upuan. Parang hindi naman niya gusto ang mga pagkain dahil sa kaniyang nakikita.

“Baby, I want the sinigang with suka,” aniya.

“Ano?”

“Sinigang na may suka. Put some vinegar in my sinigang.”

Bahagya akong napanganga dahil sa kaniyang sinabi. Sinigang na may suka? Bigla kong naalala ang sinabi ni mita kanina. Maaaring si Vermont ang naglilihi sa aming dalawa.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng suka para ilagay sa sinigang. Nang malagyan ko iyon ay kaagad siyang kumain at napatitig na lang ako dahil sarap na sarap siya sa kaniyang hinihigop na sabaw. Partida, maraming suka ang nilagay niya!

“Ano pa gusto mo?” tanong ko.

“Do we have mango? ‘Yong hilaw pa pero gusto ko matamis.”

“Huh?” naiiyak kong tanong.

Hindi ko na alam paano hahanap ng mangga na hilaw pero matamis! Ang alam ko lang kasi sobrang asim ng mga mangga kapag hilaw pa talaga.

Pinatawag ko si manang at nag-utos sa kanila na bumili dahil kapag hindi panigurado akong magwawala ang isang ‘to.

Pagkatapos kumain ay umakyat na rin kami sa itaas dahil parehas kaming may trabaho pa sa restaurant. Nang makapasok ako sa banyo ay siya namang pagsunod niya.

“I want a milk,” he sensually whispered.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga kamay niyang umangat sa aking dibdib. Hinarap niya ako sa kaniya at inangat ang aking damit.

He licked my nipple and squeeze the other one. Napalunok ako nang bahagya dahil parang mas nasasarapan ako sa kaniyang ginagawa. Hindi kami makakapasok sa ginagawa niya!

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon