Chapter 27
"Huh?" takang tanong ni Majesty. "Lagot."
Ilang beses akong napakurap bago tumingin kay Vermont. He was also shocked nang marinig ang tanong ng kaniyang ama. Hindi rin ako makasagot dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila dahil mamaya pa naman namin sasabihin na ikinasal na kaming dalawa.
Hindi ko alam! Palagi ko kasing hindi pinpansin ang mga senyales na nararamdaman ko.
Pero pakiramdam ko ay totoo dahil hindi naman ginagamit ng protection si Vermont kapag may nangyayari sa aming dalawa.
Napatayo na si tito Vladi at lumapit sa amin. Kaagad niyang hinampas sa braso ang kaniyang anak. "Sabi ko sa 'yo, pakasalan mo muna!" sigaw niya.
"We're married," sagot agad ni Vermont.
Kumunot naman ang noo ni tito. "What are you talking about? Marriage that we didn't know?"
"Yes. I married her in front of Judge Elhema."
Napakamot ng ulo si tito. "What? Bakit n'yo naman tinago? Sa tingin mo naman pipigilan ka namin?"
Napapikit ako dahil hindi dapat nasa amin ang spotlight! Dapat na kay Verdell dahil siya ang may announcement ngayong araw!
"Paninindigan mo na ba 'yan?" seryosong tanong ni tito Vladi at nakahanda ang kamay, halatang gusto ng tuktukan ang anak.
"Yes, daddy. Of course. I married her and I love her so much," sagot ni Vermont.
Napamulsa si tito Vladi. "Ayus-ayusin mo lang. Sinasabi ko sa 'yo! Papalayasin kita rito kapag hindi ka nagtino," he hissed.
"Hayaan mo na. Nandiyan na, eh. Saka mana talaga sa 'yo 'yan si Vermont. Sa akin nga tinago mo na kasal na tayo," biglang singit ni mita.
"That's a different case—"
"Shush! Halika, Khione. Maupo ka na at kumain..." Tumingin siya kay Majesty. "Ilayo mo ang adobo dahil sensitive ang ilong ni Khione."
Marahan akong bumalik sa kinauupuan ko. Inalalayan naman ako kaagad ni Vermont at umupo rin sa may tabi ko. "Hindi pa naman po sigurado na buntis ako," sabi ko sa kanila.
"I'm sure, baby. From morning to night, we made l—"
Nakita kong hinampas na naman si tito Vladi sa braso si Vermont. "Kung anu-anong sinasabi mo."
"Dad, I'm old enough! Besides, I'm already 25."
"Pero nasa harapan ka ng pagkain," pakikipagtalo pa ni tito Vladi. "Paano ang mga magulang niyan? Alam ba nila?"
"They knew. Sa inyo ko lang hindi sinabi," sabi ni Vermont na nagpagulat din sa akin. Hindi ko alam na may alam sina mama!
YOU ARE READING
Chew on Something | ✓
RomanceCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...
