Chapter 34

24K 401 98
                                    

Chapter 34

Ang lahat ng involve sa kaso ay pinababa ng ship at lahat ay ibinalik sa Pilipinas. Si Tyler ay kaagad na pinadala sa correctional facility. Sobrang daming nangyari at hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang mga iyon. 


Nasa bahay na kami nina Vermont. Ang pamilya ni Vermont ay nandito. Maging ang ina kong hindi ko maalala ay nandito. She's looking at me. Nahiya ako bigla dahil hindi ko naman alam kung paano ko sila kakausapin.


"Wala na sina lolo at lola mo, 'nak. Inatake sa puso si mama samantalang si papa naman ay hindi kinaya ang pagkawala ninyong dalawa ni mama," pagkwento niya sa akin.


Lungkot agad ang bumalot sa akin. Pakiramdam ko ay may malaking parte sa puso ko ang dalawang iyon. Panigurado at masasaktan ako nang husto kapag maalala iyon.


"Pasensya na po at wala akong maalala pero nakakalungkot ang nangyari," pag-amin ko.


She smiled at me sadly. "Ayos lang, anak. Ang mahalaga ay nakabalik ka. Kinwento na sa amin ni Vermont ang nangyari."


"Khione..." Napalingon ako kay Vermont. Tumingin siya sa aking ina. "Mama, ihahatid ko muna siya sa kwarto. Kailangan niya na pong magpahinga."


"Sige, anak. Iakyat mo na siya."


Ngumiti lamang ako sa kaniya at niyakap siya. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko pero kalaunan at naramdaman ko ang paghagod niya sa likuran ko.


Bago pa man kami makaakyat ni Vermont sa hagdanan ay may sumigaw na bata, "Dada!"


Lumingon si Vermont at ngumiti sa bata. Kinarga niya ito nang makatakbo papunta sa kaniya. Hinalikan niya ang pisngi nito. Tinitigan ko ang bata. Bahagyang napaawang ang mga labi ko. Kamukhang-kamukha niya 'yong bata na nasa panaginip ko no'ng nakaraan. Parte rin kaya siya ng nakaraan ko?


Tumingin sa akin ang bata. Ngumiti siya sa akin at kumaway. "Mama," sambit niya.


Napatingin ako kay Vermont. "Ahh, inampon siya nina mommy. They found him outside. He's a week old that time, I think. But I'm taking care of him when he's a year old."


Napakurap ako. "Vermont, may chance ba na siya iyong nawawala nating anak?"


Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Tumingin siya sa bata. "He's somehow looks like you most of the time."


"Si mommy po ikaw?" tanong ng bata.


Naramdaman ko kaagad ang pamumuo ng mga luha ko. "Oo naman. You can call me mommy or mama."


"Yey! May mommy na ako!" tuwang-tuwa niyang sabi.


Inalalayan pa rin ako ni Vermont hanggang sa makapasok kami sa may kwarto. Inilapag niya muna ang bata sa may carpet kung nasaan ang mga laruan niya.


Chew on Something | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora