Chapter 35
"Zeus," pagtawag ni Vermont sa isang lalaki na nasa garden.
Lumingon si Zeus at mukhang nagulat sa presensya namin. "Oh, napadalaw kayo?" tanong nito.
"I have questions," seryosong sabi ni Vermont.
"Kinabahan naman ako bigla. What is it? Pakibilisan lang nang kaunti, iyong asawa ko kasi naghahanap ng bulaklak," aniya.
"Bakit sabi wala ka raw asawa?"
Tumawa naman si Zeus. "Gag* meron naman na. Grabe kayo sa 'kin. We're newly married, magkakaanak na rin kami. Bakit pala kayo napadalaw rito?"
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Vermont dahil pakiramdam ko ay walang bata rito sa bahay nina Zeus. Kinakabahan ako dahil baka pinaampon niya pa ulit sa ibang tao.
"By any chance, four years ago may napunta bang batang babae rito or iniwan sa labas?" tanong ni Vermont.
Kumunot saglit ang noo ni Zeus bago muling tumingin sa amin. "Ahh, si Kyra. Wala siya sa akin. Binigay ko siya kay ate Chim. I'm busy on my work that time and I don't any companion here kaya walang mag-aalaga sa kaniya. Kay ate ko siya binigay."
"Malapit lang ba sila dito? Nasa mabuti ba siyang lagay?" sunod-sunod kong tanong.
"Hm... Nasa kabilang street lang sila nakatira. Bakit n'yo hinahanap si Kyra? Inilapit din namin siya sa pulis noon pero walang umaksyon, eh."
"She's our child," sagot ni Vermont.
Bahagyang umawang ang labi ni Zeus. "Halah. Gano'n ba? Teka, tatawagan ko si ate sasabihin ko pupunta kayo sa bahay niya."
Kinabukasan na kami pumunta dahil baka hindi siya sumama sa amin. Ang kwento sa akin ni Majesty ay dinadala niya raw si Vk kina ate Chim dahil magkaedad sila at halos magkamukha. Medyo kumalma ako dahil alam kong magkakasundo silang dalawa. Mabait naman daw na bata si Kyra at playful.
"Kinakabahan ako," sabi ko.
Hinawakan ni Vermont ang kamay ko habang bitbit si V.K. sa kabilang braso niya.
"She will come with us, okay?" pagpapakalma niya sa akin.
Nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa amin ang batang nasa edad sampu. "Pasok po kayo. Tawagin ko lang po si mama," malumanay niyang sabi.
Nang makapasok kami ay nakahinga ako nang maluwag dahil maayos ang bahay kung saan tumira si Kyra. Kahit papaano ay naginhawaan ako dahil sa mayamang pamilya pa rin siya napadpad.
"Vk!" sigaw ng isang batang babae sabay takbo papunta kay Vk na nasa paanan namin ni Vermont.
ESTÁS LEYENDO
Chew on Something | ✓
RomanceCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...
