Chapter 11

20.8K 540 184
                                    

Chapter 11

Ang ilang araw na pag-s-stay ko sa condo niya ay umabot na ng isang linggo. Punuan ang mga murang dorm at hindi ko naman afford sa mga mamahalin. Sabi ko nga sa kaniya ay magbabayad ako sa katapusan, pero ang sabi niya ay 'wag na. But I insisted, nakakahiya naman dahil nakikigamit ako ng kwarto.


Sa pagkain ay siya ang madalas manlibre. Kaya patago kong ipinapasok ang mga groceries na binili ko para may ambag ako rito sa condo niya.


Ayaw niyang naglalabas ako ng pera para condo niya. Mababayaran naman daw lahat 'yon sa susunod. Sabi ko nga, magbayad na ako kasi baka tumambak. Sabi niya hindi naman daw.


Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang may kumatok doon. Nang buksan ko ay bumungad sa akin ang maamong mukha ni Vermont.


"Are you sleepy?" he asked softly.


"Hindi pa naman. Bakit? May gusto ka bang kainin? Lutuan kita?" Napatingin ako sa orasan na nasa tapat ng pintuan.


Alas-siete pa lang ng gabi.


"Do you want to come? Sa Pearl Club. I have a performance."


"Kakanta ka?" excited kong tanong at hindi maiwasang hindi mapangiti.


Gusto ko siyang marinig na kumanta. Sabi nga ni Reynald ay maganda ang boses niya. Sa dami nga ng taong marunong kumanta ay si Verry pa lang ang nagustuhan ko. Ewan ko ba, ang comforting kasi ng boses niya.


"Yes. Do you want to come?" he asked hopefully.


Mabilis akong tumango at ngumiti sa kaniya. "Oo naman. Teka, magbibihis lang ako. Saglit lang promise," sabi ko.


"Sure. I'll wait."


Sinara niya ang pintuan at dumiretso naman ako sa cabinet para kumuha na ng susuotin ko. Kinuha ko lang ang black wrap top at high waist jeans. Pinaresan ko lang iyon ng flat shoes.


Itinali ko na lang ang buhok ko, high ponytail. Nag-iwan lang ako ng kaunting strand sa unahan. Ang make-up ko naman ay hindi rin gaanong makapal dahil baka ma-irrtate ang mukha ko. Nagdala lang din ako ng small bag kung saan kakasya ang phone at wallet ko.


Nang lumabas ako ng kwarto ay naabutan ko naman si Vermont sa may veranda na may kausap sa cellphone.


Naupo na lang din muna ako sa couch habang hinihintay siyang matapos. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na siya. Napatingin siya sa akin at napaawang ang labi ko nang makita ang kaniyang reaksyon.


Na-concious tuloy ako bigla. Natigilan kasi siya. Pangit ba?


Napatayo ako. "Pangit ba suot ko?" tanong ko sa kaniya.


"No. You're pretty, Khione."

Chew on Something | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora