Chapter 20

26K 467 27
                                        

Chapter 20

Humakbang papalapit si Vermont kay Zeus. Hinawakan ko ang kaniyang braso dahil baka mamaya ay suntukin niya ang lalaki.


"You're a successful man, Zeus but why can't you understand that she has a boyfriend, and that's me," sabi ni Vermont.


Mahinang humalakhak si Zeus. "Majesty was right. You got mad easily. Just chill..." Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay. "Hindi pa naman kayo kasal, 'di ba?"


Susugurin na talaga ni Vermont si Zeus nang yakapin ko siya sa kaniyang bewang. "Let's go, Vermont. Hayaan na natin siya."


Tumingin sa akin si Vermont. His eyes soften. "No, baby. Hindi ka niya p'wedeng agawin sa 'kin."


"Hindi niya ako maaagaw. I'm yours, right?" bulong ko.


Tumingin siya kay Zeus. "Stop bothering my girlfriend or else, I will ban you in the restaurant."


Hinawakan ni Vermont ang kamay ko at pinasakay sa kotse na nasa likuran lang namin banda. Ibinaba ko naman ang mga pinamili ko sa likuran. Isang bag lang naman na maliit.


Nakapatong ang kaniyang siko sa may bintana habang tiim bagang siyang nagmamaneho habang pinaglalaruan ang kaniyang ibabang labi gamit ang kaniyang daliri.


"Calm down."


"I just can't, boss madam. He got into my nerves."


Nang makarating kami sa condo niya ay kaagad siyang naupo sa may sofa at napatakip sa kaniyang mukha. Pilit niyang pinapakalma ang kaniyang sarili dahil sa galit na nararamdaman niya.


Hinayaan ko na lang muna siya at pumunta sa may kusina para kumuha ng tubig. Nagsalin lang ako sa baso bago dinala sa kaniya. Inilapag ko iyon sa small table at iniwan siyang muli.


Binuksan ko naman ang ref niya at naghanap ng p'wedeng makain. Kumuha ako ng dalawang itlog, ham, at ng sliced bread. Nagluto na rin ako ng instant fried noodles.


Inilagay ko na iyon sa tray at inilapag sa may small table. Nakita ko naman si Vermont na nakasandal na ang kaniyang ulo sa may sandalan ng upuan at nakapikit. Mukhang nakatulog na siya.


Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Napangiti ako dahil hindi talaga maitatanggi na ang pogi niya. I tilted my head to see his moles. Kitang-kita ang nasa ibaba ng kilay niya maging ang sa tip ng kaniyang ilong.


Inayos ko ang pagkakaupo ko nang gumalaw siya at marahang nagmulat. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Inangat niya ang kaniyang ulo para salubungin ang tingin ko.


"May niluto ako," sabi ko. "Kain na tayo?"


"Thank you, baby," malambing niyang saad.


Napangiti ako bago maramdaman ang kakaibang kiliti sa aking tiyan. "Hmm? Tinatawag mo na akong baby," sabi ko.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now