You can listen to "Crashing" by Kyle Juliano while reading this chapter. :>
Enjoy reading!
Chapter 13
Trapped
Hindi nga ako magaling kumanta tapos papakantahin niya ako? Pangit ang boses ko! Kaya nga hindi ako kumakanta kahit pilitin pa ako ng mga pinsan ko o kaibigan, ayoko talaga kasi pangit nga!
Baka hindi kami makauwi kasi umulan dahil sa boses ko.
Nakamot ko ang likod ng aking tainga habang tinitingnan si Sergo na nasa harapan ko, patiently waiting. Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi ako nag sasalita. Maya-maya'y humagalpak siya ng tawa.
I gritted my teeth. Hindi ako natutuwa, ah? Wala pa nga, pinag tatawanan niya na agad ako!
I sighed and finally lay down on the grass under the tree. It was getting darker, but the whole ranch was still well-lit, so I could still see Sergo.
"Tsk. Hindi ako magaling kumanta." suplado kong sabi, ayaw siyang tiningnan.
Humalakhak siya. "Sino pala vocalist n'yo?"
"Hindi ako. Si Austin. 'Yon ang magaling kumanta, hindi ako."
I side-eyed him. The smirk on his lips didn't disappear habang ako ay naiinis na. Ano? Kakanta pa ba ako o hindi? Huwag na lang? Pinag tatawanan na nga ako wala pa, eh.
"Binababa mo masyado ang sarili mo. I don't like it. Be confident. I know you can do it. Come on, sing for me. I'll listen," pinikit niya pa ang isa niyang mata habang nakangisi.
Umangat ang gilid ng aking labi at pinanliitan siya ng mata.
"Kapag pinag tawanan mo ako..." banta ko.
Humagalpak siya ng tawa, umiiling.
"Nope. I won't do that. Just sing for me, please? I need it right now," halos magkaawa na siya.
I smirked. Sige na nga... mukhang siya na ang iiyak, eh.
Huminga ako nang malalim at tumikhim. I looked at Sergo, who was staring at me intently, as if I was the only thing he could see, even though there were many other things around.
I bit my lower lip, feeling the hairs on the back of my neck stand. Tanginang 'yan nahihiya ako! Hindi ako kumakanta kahit mag isa lang ako kasi pangit ang boses ko. I hate my voice.
Nasuklay ko ang aking buhok paatras. Nag katinginan kami ni Sergo, and his gaze dropped to my lips, pumikit siya nang mariin at nang mag mulat, namumungay na ang mata niya.
"Please? I know you have a beautiful voice. Huwag kang mahiya. Ako lang naman 'to." natawa siya.
Mahina ko siyang sinipa at galit na tumingin. Tinikom niya ang kanyang bibig but his eyes still showed his amusement.
"Warning bawal mainlove," yabang ko kahit nahihiya na talaga ako.
"That's hard." he smirked at me.
Right. Wala pa nga akong ginagawa, mukhang inlove na siya, eh?
Bumuntong hininga ulit ako at nag iwas ng tingin. Sana matapos na ang araw na 'to at magising ako kasi panaginip lang. Pero imposible. Kasi kung panaginip lang 'to, nangyayari pa rin! Nakakahiya pa rin!
Napalunok ako at isang pikit pa ng mata at kumanta na ako.
Baka naman nag glow up na ang boses ko? Malay ko bang gumanda na pala ngayon?
"It's 2 A.M. but I'm still here, awake..." halos pag tayuan ako ng balahibo nang marinig ang sarili kong boses.
Sinulyapan ko si Sergo, umangat ang kilay niya nang marinig ang boses ko.
YOU ARE READING
Tune of Rapture (Echoes #2)
RomanceThe once joyful tune of their love now feels like a haunting melody, rising with the hope of reconciliation only to fall back into despair and betrayal. In a tight-knit band that has become a second family to him, Yazid Leroy Egamino is the heart an...