Chapter 3
Know
I've been spending my time looking into what needs to be added to the ranch. Mang Artim was telling me what I should do or buy. Hindi ako umaalis ng rancho nang walang kasama. Even though I want to be the one to buy what's needed, I can't leave.
"Baka maligaw ka. Binilin sa akin ni Fredrin na huwag kang ipaluwas sa bayan dahil baka hindi ka na makabalik." umiling si Mang Artim sa akin.
Ngumuso ako at tumingala dahil sa labis na init. I carried a bucket with the cattle feed. I approached one of the cows and fed her. The sun was scorching, and it was only my second day here, but my skin already felt burnt.
"Malayo po ba?" tanong ko habang abala sa pag papakain.
Mang Artim was cutting long grass, while the other workers were constructing the horse stables. They weren't making much noise since Manuel wasn't here. He couldn't come because he had school.
Luminga-linga ako, tanaw ko ang trabahante na gumagawa at nag hahakot ng kahoy, wala roon si Sergo.
Nag iwas ako ng tingin at bahagyang kumunot ang noo.
Mabuti at wala siya. Mainit na nga ang panahon, dadagdag pa siya.
"Malayo-layo rin. Hindi mo gaano alam ang daan dito. Kung hindi ka pa nga sunduin noong pinsan ni Sergo ay hindi ka makakarating." humalakhak siya.
I smirked. If they only knew the struggles I went through just to get here. I was under the scorching heat, waiting for an hour, but no one came to pick me up!
Ayokong magalit kasi alam kong marami silang ginagawa, pero kung si Sergo lang din naman pala ang susundo sa akin, pa VIP nga! Nilibang ko pa ang sarili ko na huwag galitan ang trabahante kasi marami silang ginagawa kaya natagalan.
Kabayo ba naman ang dinala. Kung makita niya ako roon na nag hihintay, sa kabayo niya ako papasakayin?
I can't even imagine myself riding a horse, with him!
"Sa lola po ako ni Sergo nag tanong. Doon sa tindahan, malapit sa kalsada." ani ko.
Tumango siya. "Ako ang nag sabi kay Fredrin na sunduin ka ng isa sa mga trabahante. Si Sergo ang sinabihan ko na sunduin ka pero hindi naman pala inayos."
"I waited for an hour for nothing," sumbong ko at halos isungalngal ang damo sa baka sa sobrang inis.
Hindi ko alam. Noong isang araw pa naman nangyari iyon pero inis pa rin ako. If I was the one to be picked up, it should have been only me! Hindi 'yung saan-saan pumupunta tapos sasabihin niya na huwag sasama sa iba. Paano kung nainip?
"Galing pa yata 'yung school kaya nalate." ani Mang Artim.
Napatingin ako sa kanya, kunot ang noo.
"Nag aaral siya?" pang tanga kong tanong.
Tumingin sa akin si Mang Artim. "Oo naman. Collage na iyon. Nag tratrabaho 'yon dito para makapag aral. Tungkol din sa lupa ang kinuhang course."
Yes, I know. Nakita ko roon sa papel niya. I thought he stopped studying because he started working. A person can't progress without education, right? It's good that he realized that work alone won't elevate their lives.
How old is he now? Twenty-three? May balak ba siyang umalis ng Laguna at lumipat sa Manila?
"Napakasipag niyan ni Sergo. Siya lang kasi ang inaasahan ng lola niya." si Mang Artim.
"Nasabi nga po ng lola niya sa akin. Wala na bang magulang 'yon?" tanong ko.
"Namatay ang magulang ni Sergo noong fourteen years old pa lang siya. Nalunod sa lakas ng alon sa dagat. Bata pa siya kaya hindi niya naligtas. Mabuti at nariyan ang lola niya para mag palaki sa kanya."
YOU ARE READING
Tune of Rapture (Echoes #2)
RomansaThe once joyful tune of their love now feels like a haunting melody, rising with the hope of reconciliation only to fall back into despair and betrayal. In a tight-knit band that has become a second family to him, Yazid Leroy Egamino is the heart an...