Chapter 8

5.6K 294 336
                                    

Chapter 8

Ignore

Ako pa talaga ang hinamon niya, huh? I'm an expert at ignoring people. Expert din ako mag cut off.

Ngumuso ako habang nag mamaneho. I felt like I was floating as I headed to Laguna. Medyo maliwanag na ng umalis ako kasi ayoko naman talagang umalis pa ngayon. Labag pa sa loob ko 'to.

I wanted to extend for another week, but the people there might starve to death.

Mahigpit ang hawak ko sa manibela nang limang buwan pa ako roon. Five months of enduring the heat, the boring surroundings, and five months of not talking to Sergo. I smirked. That's easy.

Siya ang may gusto nito. I'm the one who's swallowing my pride, yet he still doesn't want to. And then he accuses me of lying. But he's the one with another girl and he even left his cellphone!

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan na halos mag overspeed na iyon.

I'm so fucking annoyed. Nakakainis kasi tumawag pa ako tapos ibang babae lang naman ang sasagot.

Tirik na ang araw nang makarating ako sa tindahan na nasa tabing kalsada. Dahil alam ko na naman ang daan kung saan papuntang lupain ay dumiretso na ako at hindi nag tanong.

Nag expect pa ako na may susundo sa akin. Akala ko ba susunduin ako ni Sergo? He texted me asking if he should pick me up. Ano? Nagalit din at nag tampo?

Magalit na lang siya habang buhay. Akala niya dahil narito na ako susuyuin ko siya? Tsaka na kapag nag lakad na ang isda.

Medyo malayo pa ako pero tanaw ko na ang mga trabahante. Mag kakasunod sila, carrying sheets of metal, wood, and thatch. Nang makalapit ang Toyota ay nag tinginan sila sa akin pero hindi pa naman ako bumababa ng sasakyan.

Kitang-kita ko ang pag kawala ng pagod sa kanilang mata nang makababa ako. Para silang nabuhayan at naisantabi ang pagod dahil finally may sweldo na sila dahil narito na ako.

Bumalik naman ako pero na guilty pa rin ako kasi dapat maaga akong umuwi rito para may sweldo na sila!

"Tawagin n'yo si Mang Artim!" rinig kong sigaw nang isa.

Kinuha ko ang maleta ko sa likod ng sasakyan. Kung noong una kong punta rito, bag lang ang dala ko ngayon maleta. Sinarado ko ang likod ng sasakyan at tumingin sa mga trabahante.

Mabilis na silang kumilos para mahakot na ang lahat ng mga nasa gate ng rancho.

"Ako na, Sir." rinig kong boses ni Aga sa likod ko.

Tumingin ako sa kanya bago binigay ang maleta. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. Siya ang naunang nag lakad kaya sumunod ako. Ibang-iba siya sa mga trabahante rito. Siya siguro ang pinaka maputi na trabahador.

Nakasunod ako kay Aga nang makita ko si Mang Artim na may hawak na palakol at may mga kahoy sa tapat niya.

I approached him immediately.

"Kamusta po?" bati ko.

Nagulat pa siya nang makita ako pero ngumiti rin.

"Ayos lang. Ang tagal mong bumalik, ah? Ayaw mo na yatang pumunta rito." tumawa siya kaya nag hello ang wrinkles niya.

I pursed my lips. "Marami po kasing ginawa sa Manila,"

"Kamusta ang laban mo? Panalo ba?" tanong niya.

"Panalo po,"

"Ah, oo. Nasabi nga ni Sergo sa akin. Ang galing mo raw. Gusto mag paturo ni David ng basketball sa 'yo."

Tune of Rapture (Echoes #2)Where stories live. Discover now