Chapter 15

4.3K 209 150
                                    

Chapter 15

Called

Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Sergo. At gaya ng dati, seyoso ang mata niya nang sabihin iyon. He's willing to work just to buy me a cellphone. What more for the money to be used for my school?

Tiningnan ko siya at napangiti. Akala ko ako ang sugar daddy sa amin?

"Akala ko ako ang sugar daddy? Sino na ngayon?" asar ko.

He smirked. "Ako na yata."

Humalakhak ako at umiling.

He's so genuine. You know? When he speaks, he's so sincere. Walang halong pag bibiro kaya maniwawala ka kaagad. But I don't want to let him spend on me.

Kung mag aaral ako rito, pera ko ang gagamitin ko. Hindi niya kailangang tumulong.

But am I going to study here? I don't know yet. I haven't made a decision. There are many factors holding me back from the actions I might take. I don't want to regret. I don't want to regret what will happen or the outcome.

I want to go back to Manila. Can I just find someone else to own this land?

"Kung iniisip mo na mahihirapan ka mag handle sa pag aalaga ng rancho at pag aaral, tutulungan kita. Ako ang gagawa ng school works mo." Sergo said.

I couldn't help but smile. He looks cute, as if he's trying to convince me to study here as well. Hmm... kaunting pilit pa. Kaunting pacute pa.

Namula ang tainga ni Sergo nang mag tagal ang tingin ko sa kanya.

Napalunok siya at suplado nang tumingin sa akin. Natawa ako at tiningnan ang cellphone na binili niya para sa akin. Napawi ang aking ngiti nang maisip na baka bayaran ko rin ito.

Ipon niya ang ginamit niya rito at baka may pag gagamitan siya.

"Hindi mo kailangang bayaran ang mga nagastos ko. Hindi mo ako pinilit na ibili 'yan, at bukal sa loob ko na regaluhan ka. Please don't insult me by returning the money," tila nabasa niya ang nasa isip ko.

I shook my head. Of course. I won't insult him. Maybe I'll just treat him instead?

"Anong gagawin ko para mabayaran kita? Hindi pera kasi sabi mo ayaw mo no'n." bumuntong hininga ako.

Napatingala siya. Napaiwas ako ng tingin nang makita ang adams apple niya.

"Kahit ano gagawin mo?" tanong niya.

Tumango ako. "Kahit ano."

"Dito ka mag aral kung ganoon." hamon niya.

Bakit ba gustong-gusto niya rito ako mag aral?! Ayoko nga!

"Iba na lang." I joked because his eyes were getting annoyed. I chuckled.

"I thought you said anything? That's what I want. Follow it," he replied sternly.

Oh? Akala mo kung makautos boyfriend, ah?

I smirked at him.

"Mahirap mag aral dito. I have to let go of many things. My life is in Manila. Hindi mo maiintindihan dahil hindi ka naman ako. Mahirap mag simula ulit."

Titig na titig siya sa akin. He licked his lower lip and looked away. He nodded at my words, but his hunter eyes couldn't be deceived.

"I know. I understand you. So if you're not used to it, I'm here. I'll help you," marahan niyang sabi sabay balik ng mata sa akin.

"Baka iwan mo ako." biro ko.

Umiling siya. "Hindi kita iiwan."

Natawa ako at tila may bara sa aking lalamunan. The first time someone said that to me, huh? Someone says it, but then leaves me. Ito kaya? Totoo na? I don't know. Who knows, maybe it's true this time?

Tune of Rapture (Echoes #2)Where stories live. Discover now