This is the Epilogue and the last chapter of this story! Endless thanks to all of you for finishing the story. I have no words because from the beginning, you've been with me throughout this journey! Especially to the readers who consider themselves as an exist. I love you all so much! The ink of my writing won't work without you!
I hope you liked the story of Yael and Sergo! Let's love each other, let's show that there are no barriers for those who love each other! I hope they become a part of your hearts, even in the coming years. Kitakitz sa Echoes #3!
Again, thank you! Enjoy reading! I love you, guys.
Trigger Warning: illicit language.
Epilogue
Him
"Nakikiramay kami, Delia." sabi ni lola bago niyakap ang isang matandang babae na puno ng alahas ang leeg at pulsuhan. Tumulo ang luha ng matanda at bumagsak iyon sa balikat ni lola.
Tahimik ako sa likuran ng dalawa habang dinadama ang katahimikan ng buong paligid.
Walang nakikita ang aking mata kundi ang mga bulaklak na puti. Lahat ng tao ay naka-itim, nakaupo sa mga bangkuan at may hawak na panyo. Ang iba ay humahagulgol nang tahimik, marahil ayaw masira ang burol.
"Hindi ko kakayanin, Flores... wala na ang asawa ko..."
Binalik ko ang tingin kay Delia na umiiyak habang yakap si lola. Lola looked at me and signaled for me to leave so they could talk. Tumango ako at nakapamulsang tumalikod.
I was also in a black t-shirt and pants. Suot ko pa ang bota sa lupain dahil hindi pa ako umuuwi ng bahay. Galing akong trabaho at school. Nag enroll ako ng college, tapos bumalik ako sa rancho, at pag balik ko, maraming tao na ang naroon, sinasabing namatay na daw si Elias.
Ang may-ari ng lupain at... amo ko sa trabaho.
Binuga ko ang bigat ng aking nararamdaman lalo na noong dinala ako ng aking mga paa sa kabaong ng kaisa-isang taong tumulong sa akin hanggang sa mag kaisip ako. Na kahit hindi ko ka-dugo, tinuturing kong tatay.
At sa sobrang bilis ng panahon, narito na siya sa kabaong. Nakasuot ng barong at tila natutulog lang.
Ang mukha ni Elias na nasa kabaong ay parang binabalik ako kung saan nag simula lahat ng pag subok sa aking buhay.
Kahit noong bata pa lang ako, kung paano ako lumangoy sa malalim na dagat para lang makakuha ng isda at maibenta sa palengke.
Bakit ko ginagawa iyon? Para matustusan ang pang araw-araw ng pamilya ko. Tandang-tanda ko na sampung taon gulang pa lang ako, natuto na ako na umakyat sa puno ng niyog at mag buhat ng sako na ang laman ay dayami.
Wala akong pakialam kung anong itsura ang mayroon ako noon. Kung puro putik ba o pawis. Basta kumita ako ng pera at makauwi sa bahay na may dalang kahit anong pagkain.
Sobrang bigat sa dibdib lahat lalo na't nakikita ko ngayon ang isang taong tumulong sa akin. Upang mapagaan ang mahihirap na bagay na ginagawa ko sa edad na sampung taong gulang.
Bumalik sa akin ang una naming pagkikita ni Elias.
Nasa talyer ako noon, tanda ko na suot ko pa ang uniform ko dahil dumiretso lang ako para kumuha ng mga sirang parte ng sasakyan upang ibenta sa kalakal. Naririnig ko kasi na malaki raw ang pera niyon kaysa sa bote at papel.
"Bawal ang bata rito! Masusugatan ka! Alis!" taboy sa akin ng isang binata na may dalang parte ng tricycle.
Parang nasilaw ang aking mata sa hawak niya. Magkano kaya iyan kapag nabenta ko sa kalakal? Siguro nasa isang daan o higit pa? Palagi kasing bote at papel ang nakukuha ko.
YOU ARE READING
Tune of Rapture (Echoes #2)
RomanceThe once joyful tune of their love now feels like a haunting melody, rising with the hope of reconciliation only to fall back into despair and betrayal. In a tight-knit band that has become a second family to him, Yazid Leroy Egamino is the heart an...