Chapter 14
Needs
Ganoon nga ang ginawa ni Sergo. The next day, he wasn't at the ranch because he went to his extra job. I wanted to stop him from saying he would buy me a cellphone.
Even if he said it wouldn't be an iPhone, it didn't matter to me what brand of cellphone it was. Ang akin lang, ayokong gumastos siya para sa akin.
Because I could buy my own cellphone if I wanted to. I had money on my card, at kahit iPhone, mabibili ko pa 'yan. Pero kahit anong tanggi ko at sabihin na huwag na, ayaw niyang pumayag.
Bigla kong naalala ang usapan namin bago matapos ang araw.
"Just accept the cellphone I'll buy as a gift for your birthday. Medyo napaaga lang pero mag reregalo pa rin naman ako sa birthday mo. Iyan na lang muna habang wala pa akong ipon," ngumisi siya sa akin.
I bit my lower lip.
I'm not materialistic. Whatever they give is fine with me. But as Sergo did this, it felt like just because I was wealthy, I needed things.
"I don't need a cellphone, Sergo—"
"Ang sabi mo bored kana rito." Ngumuso siya.
"Bored pero hindi ko kailangan ng cellphone. Ayos lang sa akin na walang gagamitin." sambit ko.
Nag katinginan kaming dalawa. Pinakita ko sa kanya na seryoso ako pero inilingan niya lang ako.
"Regalo ko nga sa 'yo 'yon." pilit niya.
"Pumunta ka sa birthday ko. Ang tagal-tagal pa no'n, eh." natawa ako dahil masyadong advice ang pag iisip niya.
Nag tagal ang tingin ko sa kanya nang hindi siya mag salita. Napaiwas siya ng tingin at sumeryoso ang mata.
Bumuntong hininga siya nang makabawi.
"Matagal pa nga ang birthday mo. Hindi ko na kayang mag hintay kaya mauuna na ako mag bigay ng regalo."
I tilted my head. "Why? Hindi ka makakapunta sa birthday ko?"
My friends are invited to my birthday. He's my friend, so he's invited. I'm just not sure if I'll celebrate in Manila or here.
Why am I even thinking about that? It's still a long way off anyway.
Napangiti siya. "Wala ka na rito no'n. July na ngayon at saktong tapos ng limang buwan ay sa December."
Nalaglag ang panga ko. Binilang niya talaga?
"Wala kang balak pumuntang Maynila?" tanong ko.
"Narito ang buhay ko. Hindi ko yata kayang iwan sila lola." Nag iwas siya ng tingin.
There was a pang in my heart at the thought that if I leave in December, I won't see him anymore. He has no plans to leave this province. I still have a choice, ang manatili rito at mag aral o umalis ng Laguna at iwanan siya.
Napatulala ako saglit.
"You won't be at my birthday then?" nanginig ang boses ko.
Kumunot ang noo niya pero nang makita ang malungkot kong mata ay biglang namungay ang kanya.
"Kaya nga bibilhan na kita ng regalo. You can still text me if you accept the cellphone I'll give you. Makakapag usap pa tayo kapag nasa Maynila ka na." he assured.
Tumango ako at pumayag na.
I'll just think of it as a gift even though I don't really need it. I haven't decided to study here. I really don't want to study here because my experience is in Manila. Starting over at a new school is difficult.
YOU ARE READING
Tune of Rapture (Echoes #2)
RomanceThe once joyful tune of their love now feels like a haunting melody, rising with the hope of reconciliation only to fall back into despair and betrayal. In a tight-knit band that has become a second family to him, Yazid Leroy Egamino is the heart an...