PROLOGUE

132 37 8
                                    

"Kahit saang panahon o mundo, muli at muli kitang makikita upang mahalin aking~"

Nagising ako sa aking pagkakatulog, dama ko ang labis na pawis sa aking katawan kahit malamig ang panahon, dahil panahon ng tag-lamig, mula sa aking bintana tanaw ang mga nyebe na nahuhulog mula sa madilim na kalangitan, napatingin ako sa paligid ng aking silid at tiningnan ang orasan, pasado mga 3:00 am na ng madaling araw at naulit na naman.

Nagsimula ang paulit ulit na panaginip ko noong nakaraang linggo, pagkatapos ng aking ika-18 kaarawan, sa tuwing iniisip ko o sumasagi sa aking isipan ang panaginip na iyon, ako'y kinikilabutan sa mga nakikita ko, tila ba may nais ipahiwatig o tila'y isang alaala na matagal ng naganap.

At sa tuwing ang panaginip na ito ay naaalala ko, tila nasisiraan ako ng bait, dahil ito ang dahilan kong bakit nasira ang buhay ko, samakatuwid ang mga ganitong uri ng panaginip ay nangyari na sa akin magmula noong bata pa ako, ngunit sa hindi ko malamang dahilan muli ko itong napapanaginipan sa halos araw araw, matapos kong tumungtong sa ika-18 na taong gulang at ang panaginip ay laging pareho at hinding hindi nagbabago.

Nabalik ako sa realidad ng may mahulog na isang bagay mula sa madilim na bahagi ng aking silid, agad kong binuksan ang lamp shade sa tabi ng aking kama at ito naman ang nagbigay liwanag sa boung silid, napansin kong isa lang palang libro ang gumawa ng ingay kanina-kanina lang, ngunit bakit nandito ito at sa aking pagkakaalala sinara ko ang bintanang ito kagabi, bago ako matulog. Akmang pupulutin ko ang makapal at maalikabok na libro, muling umihip ang malamig na simoy na hangin.

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagsayaw at pagliliparan ng mahahabang puting curtina at maging mga halaman na natatabunan ng nyebe. Habang nagugumilihanan ako sa mga nangyayari aking naramadaman ang presensya ng kung ano mula sa aking likuran at isang anino ang aking nasulyapan sa likod ng nagsasayawang curtina

"Kahit saang panahon o mundo, muli at muli kitang makikita upang mahalin aking mahal~"
"Sino ka ba?! Ano bang kailangan mo sa akin?! Tigilan nyo na ako!"

Nagising ulit ako sa aking panaginip at sumisigaw na ako sa pagkakataong ito, at dama ko na rin ang aking pagtangis. Ano ito nanaginip ako sa aking sarili kong panaginip, ano ba ang nangyayari sa akin, sino ba ang mga taong iyon......

Patuloy pa rin ang aking paghikbi at narinig ko ang malakas na paglagabog ng pinto sa aking silid, maging ang tinig ng aking kaibigan, na sumisigaw na buksan ko ang pinto at kung anong nangyayari sa akin.

Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito, agad namang iniluwa ng pinto ang nag-aalalang mukha ng aking kaibigan "Anong nangyayari sa iyo? Narinig kong sumigaw ka mula sa kabilang silid kaya agad akong napatakbo rito, may nangyari ba? o wag mong sabihing binabangongot ka na naman?" sunod-sunod niyang tanong sa akin, habang pinupunasan nya ang mga luha ko na patuloy na pumapatak mula sa aking mga mata.

Wala naman akong naisagot sa mga naging katanungan niya, dahil maging ako hindi ko alam ang sagot sa mga kababalaghang nangyayari sa akin. Ang alam ko lang pilit akong hinahabol nito at unti-unting sinisiraan ako ng bait.

Mizpah Where stories live. Discover now