CHAPTER 10

30 15 6
                                    

"Isha! Kanina ka pa nakatulala dyan. May problema ka ba? or iniisip mo yung sinabi nung babaeng doktor about sa old lady" pagtatanong ni Lucy sa akin, kanina nya pa siguro napapansin na wala akong kaimik-imik.

"Yes" walang buhay kong saad sa kanya.

"Anong yes?" napatanong ulit siya, kaya napatingin na ako sa kanya.

"I mean, yes si Lola Dorothy ang iniisip ko" pagkaka-klaro ko sa kanya.

"Teka nga, curious lang ako Isha. Bakit ba sobrang na-iinvolved ka na sa kanya, is she your relative or something?" pagtatanong niya kaya nakuha nito ang atensyon ko.

Napa-isip naman ako kung ano ang idadahilan ko sa kanya, kase nga pagsinabi ko sa kanya ang totoo, baka magkatotoo ang sabi ni Lola Dorothy.

"Kase yung incident namin kanina di ba....naka-concern lang ako and mas lalo akong nabother sa sinabi ng  doktora na mayroon siyang PTSD." pagdadahilan ko sa kanya at mukhang naniwala naman.

"and mas concerning pa is wala siyang relatives na maaring mag-alaga sa kanya.....btw, Isha naalala mo ba yung sinabi ng doktora kanina?"

"Yung alin?" pagtataka kong tanong sa kanya

"Yung sinasabi ng doktora na bawal lumapit sa old lady, which her niece or nephew, ano kayang dahilan non?" pagsasaad nya at napa-isip naman siya ng malalim, maging ako'y napa-isip na rin.

"Bakit hindi mo nalang tanungin si lola Dorothy, for sure mago-open up siya sayo."

"I'll try next time pagbinisita natin ulit siya." saad ko at inaya na syang pumunta para magpaalam muna kay lola Dorothy kase marami din kaming aasikasohin lalo na sa eskwelahan. Dahil halos mag-iisang linggo na kaming liban.

Matapos naming magpaalam kay lola Dorothy at bayaran ang mga naging bills sa hospital, dumiretso na kami sa apartment namin kasama ang kapatid si Kale. Medyo na trauma na nga ako sa nangyari kaya iniiwasan ko talagang makatulog kung saan-saan, baka bigla na naman akong mapadpad sa ibang dimension at mapahamak na naman mga kasama ko. Nangako rin ako kay lola Dorothy na susundin ko ang babala ng kung sino mang naka-usap ko sa katauhan nya.

Bago ako umalis may inibot sa akin si lola Dorothy, isang antique na kwintas? Ang sabi niya gagabayan daw ako nito pansamantala, para maging tahimik naman ang buhay ko kahit papaano.
Hindi ko inaasahan na effective ang kwintas naging payaba ang pamamahinga ko ng gabing iyon.

Tulad ng dati pagkagising ko naghahanda na ako para pumasok kasama si Lucy, at kakaiba nga lang ngayon kase payaba ang tulog ko, walang ano mang masamang panaginip na sumagi sa nahihimbing kong utak.....Thank lola Dorothy!

Matapos naming maghanda para pumunta sa university, naiwan naman ang kapatid ni Lucy sa apartment. Sabi ni Lucy may aasikasohin lang daw kapatid nya......Teka nga ba't nya sa akin sinasabi? Diko naman kailangan mai-update sa pinagkakaabalahan ng kapatid nyan ah!

Hindi nalang ako tumugon sa sinabi nya, baka masagot ko na naman sya ng wala sa oras.


Mag-isa nalang akong napatungo sa building namin, since ibang route din ang building ng mga medical students.
Pumunta muna ako sa cubicle para kausapin ang Professor ko. Naabutan kong iilan palang ang naroroon at buti nalang talaga at maaga pumasok ang professor namin.

"Good morning po Prof." Bati ko sa kanya, napatingin naman siya sa akin at nagsalita

"Ikaw pala yan Miller! Buti naman at ayos kana." saad niya at napangiti naman ako.

"Maraming salamat po sa inyong concern, naririto lang po ako para iaabot ito." saad ko at iniabot sa kanya ang dala-dala kong mga papel

Mizpah Where stories live. Discover now