CHAPTER 15

19 4 12
                                    

"Naniniwala ka ba na ang dalawang taong nagmamahalan ay pinag-uugnay ng isang tali? Mawala man ang ating mga alaala ang taling ito ay patuloy at patuloy tayong paglalapitin upang maibigkis muli"

"Tali na nag-uugnay?" saad ko habang inaalala kung saan at sino ang nagsaad ng wikang iyon.

Memorya ba ito nung bata pa ako? O alaala na naman ng ibang tao?

Habang naguguluhan sa mga naalala ko ang paningin ko naman ay patuloy pa rin sa paglilibot sa paligid ng hospital at hinahanap ang pamilyar na presensya ng kung sino.

"Daisha?" rinig kong saad ng pamilyar na boses sa likod ko habang nahawak sa balikat ko "Are you all right? Why are the fruits scattered here? Are these yours?"
sunod-sunod na tanong ni Kale.

"Ikaw pala yan Kale. Anong ginagawa mo dito?" lutang kong saad.

"I think I'm the one who should ask you that." natatawa nyang saad kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit ka tumatawa?" saad ko at tumataas na nga ang kilay ko.

"Kase naman-" tumawa ulit sya hindi pa man natatapos ang sinasabi ko, kaya mas tinaasan ko sya ng kilay. "Tumatawa ka na naman! Ano nga yun!" naiinis kong saad.

Tumatawa pa rin siya kaya mas naiinis ako at dali-daling pinulot ang natitirang prutas na nagkalat.

Kelan ba titigil sa kakatawa ang lalaking ito akala ko ba nonchalant siya. Tumayo ako at tiningan sya ng masama " Tawa ka ng tawa close ba tayo?" saad ko at umiirap ulit, dahilan para mas matawa pa sya. Nagwalk-out nalang ako at pumunta sa elevator, sumunod naman sya at hanggang makarating kami sa room ni Lucy tawa parin sya ng tawa.

Pagkapasok ko ng room, bumungad ka agad sa akin ang napaka-maligalig na presensiya ni Lucy at yinakap ako ng sobrang higpit.

"Isha! Nandito ka na!" maligalig na sigaw ni Lucy. Imbis na mairita ako napangiti nalang ako ng makita at marinig ko ang boses nya.

"Masaya ako na gising ka na rin sa wakas" saad ko sa kanya.

"Di naman halatang masaya ka eh! Bakit ka nakabusangot dyan at......" sumilip sya sa may bandang likuran ko at nakita ang kapatid nyang tawa ng tawa, pinanliitan nya kami ng mata "Teka nga.....bakit ka tawa ng tawa dyan kuya?"

Naupo ako sa may katabing upuan at inilagay ang prutas sa kalapit na table.

Hindi pa rin ako nagsasalita at masama pa rin ang timpla ng mukha ko. Tanong ng tanong si Lucy sa nangyari pero nawawalan ako ng gana sumagot dahil sa nakakairitang boses ng kapatid niya.

"Teka nga! Kuya tawa ka ng tawa dyan! Ikaw nalang sumagot ng tanong ko kaya!" naiinis na saad ni Lucy, dahil walang sumasagot sa kanya.

Nagsimula na ngang makwentuhan ang dalawa at ako naman ay wala rin namang interest na makigulo pa sa pag-uusap nila kaya hindi nalang ako nagsalita pa.

Napatingin naman ako kay Lucy na sobrang lakas na rin ng tawa habang ikwenikwento ni Kale ang ikinakatawa nya din nya. Hindi naalis sa paningin ko ang benda sa ulo ni Lucy. Kinakain pa rin ako ng konsensiya tuwing iniisip ko ang possibilidad na isa ako sa rason para mapahamak din si Lucy noong mga oras na iyon.

Napapikit nalang ako at isinandal ang ulo ko sa upuan. Pilit na inaalis sa isipan ko ang negatibong pangyayari. Kinakagat ko rin ang ibabang labi ko para mabawasan ang tensyon sa isipan ko, pero parang manhid ako ngayon. Kahit siguro magdurugo ito wala pa rin.

Mizpah Where stories live. Discover now