CHAPTER 14

31 10 19
                                    

Nandito kami ngayon sa hospital at kasama ko si Kian. Tinawagan na rin namin ang mga magulang at kapatid ni Lucy tungkol sa nangyari. Papunta na sila rito.

Sobra pa rin ang pangambang nararamdaman ko at pilit akong pinapakalma ni Kian.

"Don't worry girl! Magiging okay lang si Lucy at kilala mo yun di ba! Malakas at matibay yun. Kaya tahanan na!" saad nya habang hinihimas ang buhok ko, napasandal nalang ako sa balikat nya at patuloy pa rin ang palabas ng mga luha sa mata ko.

Maghapon kaming nandoon ni Kian at buti nalang nakarating na rin si Kale kasama ang kanya ina.

Ang sabi nila baka daw sa makalawa pa daw makarating ang ama ni Lucy kase nasa malayong bansa sya at minadali nyang makapagbooked ng flight. Si kale naman nandito kaagad kase madali nyang natapos ang inaayos nyang mga papeles sa Canada at kahapon lang siya nakabalik sa bahay nila at ngayon nga nakarating sa kanila ang masamang balita about sa pinakamamahal nilang anak.

Nasa loob ngayon ng ICU ang mag-ina at nandito pa rin kami ni Kian sa labas ng ICU room. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kapatid ni Lucy, lumapit siya sa amin at pinasalamatan ang pagbabantay sa kapatid nya. Pinayuhan nya rin kaming umuwi na para makapagpahinga na rin.

Naunang ng umuwi si Kian, pero tumanggi akong umuwi muna. Hihintayin kong gumising si Lucy o kaya naman mailipat lang sya ng room. Okay na sa akin yun, pero kung nasa ICU pa rin siya, hindi ako mapapakali nito.

Halos magmamadaling araw na rin pagtingin ko sa relo ko pasado 1:46 na rin. Nakayuko lang ako sa upuan at pilit na nilalabanan ang antok.

Napansin ko na may nakatayo sa harapan ko at pagtingin sa taas. Nasilayan ko ang mukha ng kapatid ni Lucy. May dala-dala siyang inumin at iniabot nya ito sa akin.

"Do you want coffee?" saad nya saka umupo sa tabi ko.

"Salamat sa pag-aalala mo sa kapatid ko." rinig kong saad nya, habang umiinom ng kape. Medyo malakas yun kase nage-echo iyon sa hallway ng hospital na wala man lang katao-tao.

"Sabihin na nating mahalaga sya sa akin, kase sya lang ang taong unang umintindi at nakaintindi sa sitwasyon ko." saad ko habang tulala pa rin sa pader ng kawalan.

"I guess hindi lang ikaw ang nabago nya, pati na rin sya. Alam mo ba'ng sobrang sama ng ugali nya dati, ayaw na ayaw nyang pumapasok. But nagbago yun nung nasa college na sya, I guess naimpluwensyahan mo sya" saad nya pa.

"Hindi ko aakalaing ganon pala sya dati" saad ko at parang natatawa na rin ako habang naalala ko ang napaka pilya nyang mukha.

"Lagi nyang kinikwento sa akin ang tungkol sayo. Halos lahat pampupuri, lagi ka din nyang binibida sa amin tuwing uuwi sya o bibisita sa bahay ng mga magulang namin" saad nya kaya medyo nawawala na rin ng kaunti ang pag-aalala ko.

Marami pa kaming pinag-usapan ni Kale and I guess hindi naman sya kaseng pilyo ni Lucy. Mas napalapit rin kami sa isa't isa, dahil sa dami ng pagkakatulad namin at maging sa  mga alam namin kay Lucy.

Kinabukasan natanggap namin ang magandang balita na madali daw ang recovery ni Lucy, kaya pwede na siyang mailipat sa regular room.

Ang ama naman nila mamayang gabi na raw ang dating sabi ni Kale, and ang ina naman nila ay natutulog sa loob kasama si Lucy.

Maya-maya pa may lumapit sa amin na mga pulis at kina-usap kami about sa case nila Lucy, tinanong if gusto daw namin maka-usap ang suspect. Napagdesisyon naming pumunta at harapin ang suspect. Pero isesekreto muna namin sa ina niya, para hindi na madagdagan ang alalahanin ng ina niya.

Nagpaalam muna si Kale sa kanyang ina na may bibilhin lang sa labas at hindi naman ito nagtanong pa. Mukhang sobrang stress na nga ang ina nila, dahil wala pa itong tulog simula kagabi.


Nang makarating sa police station, inihatid kami ng isang police sa isang room at doon ko nakita ang mukha ng may kagagawan ng pagkakadala kay Lucy sa hospital. Hindi ko inaasahang isa sa mga kaklase nya ang makikita ko. Si Odette?....pero bakit?

"Odette?" nakayuko sya at napatingin sya sa direksyon ko ng magsalita ako.

"Ikaw ang may gawa nun kay Lucy?....pero bakit? Akala ko ba kaibigan mo sya?" saad ko at nagsisimula ng tumaas ang boses ko, hinawakan naman ni Kale ang balikat ko at sinenyasan akong kumalma.

"Pa-patawad...hindi ko sinasadya, hindi rin siya kasama sa plano ko...pero..!" nanginginig nyang saad.

"Anong sinabi mo? Plano? Anong plano? Planong mong manakit at pumatay?" sigaw ko at napatayo na ako ng upuan ko sa galit. Sinubukan nya ring abutin at hawakan ang kamay ko, kahit nakapusas ito.

"Da-Daisha....makinig ka ha-hayaan mo akong magpaliwanag.. pero please tayong lang! Please!" pagmamaka-awa nya, napaharap naman ako kay Kale at tumango lang sya bago lumabas.

"Hindi ko talaga balak saktan si Lucy, wala yun sa plano ko per-..."
saad nya habang nauutal-utal, dahil sa umiiyak na rin siya.

"Anong plano hah? Anong plano ang pinagsasabi mo? Bakit mo nagawang saktan mga kaklase at kaibigan mo?"

Hindi sya umimik at pagiyak nya lang ang naririnig ko. "Sumagot ka naman, para maintindihan ko ang sitwasyon mo!" saad ko pero pilit pa rin ang pagpapakalma ko sa sarili ko.

"Patawad.....hindi ko naman gustong saktan sila, pero si daddy sinabi nyang itatakwil nya ako paghindi ako ang nanguna sa klase" pagkukwento nya
at pinigilan ko naman ang sarili ko na sumagot pa, para iwasang matrigger sya.

"Kaya plinano kong saktan ang lahat ng hadlang sa akin lalo na sina Shaye, Janine and Louie. Pero hindi ko naman sinasadya na madadamay si Lucy" saad nya kaya napakunot ako ng noo.

"Panong hindi sinasadyang nadamay?" galit kong saad at hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi magsalita.

"Noong araw na itinulak ko si Louie, naghihinala na pala noon sa akin si Lucy kaya sinundan nya ako at nakita nya kung paano ko tinulak si Louie. Nabigla ako ng makita ko sya, lumapit ako para paki-usapan sya, pero hindi siya nakinig kaya nagsimula na akong magalit. Nagsisigaw sya at baba sana papunta kay Louie, pero biglang gumalaw mag-isa ang dalawang kamay ko at tinulak sya pababa. Hindi ako yun!" saad nya kaya napasigaw na ako at nagsimulamang  paghahampasin ang lamesa at pati ang upuan ko ay natumba na.

"Paanong hindi ikaw yun hah? Sabihin mo nga?" sigaw ko sa kanya at nandidilim na ang paningin ko.

"Ayokong idamay si Lucy at tatakbo na lang sana ako paalis, pero ang katawan ko ay gumalaw sa direksyon kong nasaan si Lucy. Tumaas mag-isa ang dalawang kamay ko at may bumulong sa tenga ko at nagsasabing "Patayin mo sya!" saad nya, babae siya at nakasuot ng mahabang dress, may magandang muhka, ngunit ang boses nya ay sa demonyo." Napatingin siya sa direksyon ko "Ibinigkas nya rin ang pangalan mo at biglang nawala kasabay ng malakas na hangin, pagharap ko naman sa baba. Si Lucy duguan katabi si Louie" saad nya kaya kinilabutan ako ng sobra. Imposible hindi kaya ang babaeng tinutukoy nya ay ang babaeng nagpapakita sa akin dati.

Matapos ng naging pag-uusap namin ni Odette. Napagdesisyon ni Kale na iuwi muna ako sa apartment namin ni Lucy, dahil hindi ko kayang pumunta muna sa hospital para harapin sya, pakiramdam ko may kasalanan din ako.

"Iuwi na muna kita sa apartment nyo ni Lucy, dahil kailangan mo na ding makapagpahinga. Kung may kaibigan kang pwede kang samahan muna. Tawagan mo na lang, para sa kaligtasan mo na rin." mahinahon nyang saad habang nagda-drive, pero hindi naman ako sumagot sa kanya at nakatulala pa rin sa labas ng sasakyan.

Ilang araw din ang dumaan at sa wakas gising na rin si Lucy, tinawagan ako ni Kale na gusto daw akong makita nito. Kaya nagmadali na akong mag-ayos at pumunta sa hospital.

Pagdating ko sa hospital maraming tao sa elevator kaya naghintay nalang ako. May mga dala-dala akong prutas, pero may nakasagi sa akin kaya dali-dali ko itong pinulot. May mga napadaan naman ang tumigil saglit at tinulungan ako. Nakayuko ako ngayon at pinupulot ang isang nahulog na prutas ng may maramdaman akong familiar na presensiya. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, kaya sa hindi ko alam na kadahilanan may nag-uudyok sa katawan at puso ko na hanapin ang taong hindi ko naman kilala, ngunit pamilyar ang pusong ito.

Ano ito! Sino ba ang hinahanap ng pusong ito at pilit na inaalala ng isipang ito?

Mizpah Where stories live. Discover now