CHAPTER 16

18 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa cafe shop, malapit sa university kasama si Ryhl.
Nagkasundo kase kami nila Phebe na magme-meet up kami ngayong saturday para matulungan na namin ang dalawang new student. Lalo na dalawang linggo nalang, bago ang midterm exam.

8:30 ng dumating ako sa cafe shop at si Rhyl naman, mukhang mas nauna pa sa akin. Ilang beses ko na ring minemessage si Phebe, pero naka-offline sya at maging si Skye ay wala pa rin.

"Rhyl!" saad ko at napatingin naman sya sa akin na kaninang nakatanaw sa labas ng glass window ng cafe shop.

Hindi naman sya nagsalita at nag-aabang lang ng sasabihin ko.

"Dito ka lang muna, lalabas lang ako para tawagan si Phebe." saad ko at kinuha ang handbag ko.

Aalis na sana ako para lumabas ng cafe ng bigla nya akong pigilan. " I think none of them can make it" saad nya.

"Why?" maikli kong saad.

"Skye messaged me. Last night they were together at a party and I think they both have a hangover"
saad nya at ipinakita sa akin ang phone nya na naglalaman ng conversation nila ni Skye.

"Bakit ngayon pa!" saad ko at napahawak sa bewang ko, habang iniikot ang ulo ko, dahil sa pagkadismaya.

"Kung ganoon, hindi naman magandang sayangin natin ang pagkakataon. If okay lang sayo, gusto mo ba'ng sa town's library nalang tayo?" saad ko at tumango naman sya, bilang pagsang-ayon.

"I have a car! Wanna join a ride?" saad nya habang naglalakad kami palabas ng cafe.

"The library is only a few blocks away, so you can easily walk there. However, if you prefer to drive, I'm fine with it"

"No worries, I'll just leave my car in the parking lot." saad nya at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa library.

Nang makarating kami sa library, wala naman masyadong tao ang nadatnan namin, kaya nakahanap agad kami ng komportableng mauupuan.

Matapos kong makakuha ng ilang libro, inilabas ko na ang dala kong laptop at nagsimula ng ipaliwanag sa kanya ang mga lessons na kailangan nyang mapag-aralan. Habang pinag-aaralan nya ang mga nasa screen ako naman ay binabasa ang mga kinuha kong libro.

Halos limang oras ang itinagal namin sa library, dahil sa dami nga ng ipinakita kong topics. Hindi naman ako nahirapan  dahil madali syang makasabay at madali din siyang matutu.

"Great! I never expected na mapapa-aga tayo ng uwi! Madali kang makasabay sa topic Rhyl" saad ko at nakayuko lang sya.

Napatingin naman ako sa kamay nya na hindi mapakali, kitang-kita ang mga ugat sa malaki nyang kamay. Teka, kinakabahan ba sya or something? saad ko sa isipan ko, pero ipinagsawalang bahala ko nalang.

Palabas na kami ng library at makulimlim din ang kalangitan. Si Rhyl naman ay nauunang naglalakad sa akin, napansin ko ulit ang hindi mapakaling kamay nya. Napatingin naman ako sa likod ng ulo nya at nakita ko ang tenga nyang namumula.

"Rhyl?" saad ko at tumigil sya sa paglalakad "Okay ka lang ba? Namumula ang tenga mo at nanginginig ata ang kamay mo. Nilalamig ka ba?" sunod-sunod kong saad.

"I'm feeling a bit under the weather, probably due to the cold weather."
saad nya at napatango naman ako.

"Gusto mo ba'ng umiinom muna sa cafe na pinuntahan natin, bago tayo umuwi?" saad ko.

"....." Napalibutan kami ng katahimikan at awkwardness, kaya nagsalita ulit ako "Don't worry, libre ko naman." saad ko.

"No-I mean! I don't mind paying-..." pagdedepensa nya pa.

"It's okay, ako na since ako naman nag-aya" saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa cafe. Sumunod naman sya sa aking paglalakad.

Umoorder nga kami ng maiinom na white coffee, pati na rin ng best selling na desert sa cafe nila.

Naging tahimik lang kami sa pagitan ng isa't isa habang iniinom ang mainit kape at kinakain ang malinamnam na desert. Pareho kaming nakatanaw sa glass window ng cafe shop. Mula sa pwesto namin kitang-kita ang makulimlim na kalangitan at batid ang nalalapit na pagbuhos ng ulan.

Naka-uwi na nga ako ng apartment, matapos ang mahabang araw. Nagcommute nga ako papa-uwi. Si Rhyl ay umuwi na rin, bago kami maghiwalay ng landas sinuhestiyon nya na ihatid nalang ako, dahil maulan. Pero tumanggi nalang ako at nagdahilan na may pupuntahan pa. Nakakahiya naman kaseng makisabay at for sure nahihiya din yun, kaya tinanong nya ako if gusto kong magpahatid nalang. Kahit alam nyang tatanggi ako, nagtanong pa rin sya kase nga nahihiya syang iwan ng mag-isa ang isang babae.

Napaka-gentleman for sure mas magugustuhan sya ni Lucy, pagsinabi ko sa kanya ang ugali ni Rhyl. Natutuwa pa naman akong asarin sya, ngayon na alam kona na may crush sya kay Rhyl.

Kakaisip ko sa dalawang yun para na nga akong baliw na ngumi-ngiti na mag-isa rito, habang nagluluto ng makakain.

Napahawak nalang ako sa mukha ko at inalis sa isipan ko ang pinag-iisip kong kalokohan "Focus Daisha!" saad ko at nagfocus na sa ginagawa ko.

Pagkatapos kong kumain at maghilamos, dumiretso na ako sa kwarto ko at naghanda ng matulog. Dahil bukas sesermunan ko ang dalawang yun.





"Hello? Phebe? Nasaan ka na?" saad ko sa kabilang linya, habang naglalakad papunta sa cafe shop.

"Nandito na kasama si Skye" tugon nya.

"Hoy, Phebe yung kahapon talaga kayong dalawa, lalo ka na....-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko, dahil inunahan nya na ako.

"Oo na po Ms. President! Pasensiya na, dahil hindi ako...-"

"Ikaw?" Putol ko sa sinasabi nya.

"Ahahaha...I mean kami si Skye" saad nya.

"Sige na, ibaba ko na malapit na ako." saad ko at inilagay sa bag ang phone, hindi ko man lang namamalayan na may papalapit palang motorcycle sa akin.

Huli na para maka-iwas ako, kase nanigas katawan ko dahil sa pagkabigla.

Hindi ako makagalaw.

Akala ko mababangga na ako ng maramdaman ko ang kamay ng kung sino at hinila ako, dahilan para matumba ako at........hah? Nasaan ako, kanina lang mababangga na ako ng isang motorcycle at ngayon napadpad ako sa mala paraisong lugar.....teka? patay na ba ako....pero may nagligtas sa akin. Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na may mga tao pala sa likod ko. Malabo ang mukha nila, pero mukhang babae at lalaki....

"Emilia......" rinig kong bigkas ng lalaki at wala na akong maintindihan pa. Parang nabibingi ako ng kalikasan.

"Daisha....." rinig kong saad ng kung sino, unti-unting bumalik ang diwa ko at nabalik ako sa reyalidad. Ano yun panaginip? Sino si Emilia? Sino ang mga taong yun?

"Are you okay?" Saad ng kung sino.....Si Rhyl?  Napatingin ako sa kamay ko at hawak-hawak nya ito. Agad ko naman itong binawi.

"Are you okay?" pag-uulit nya.

"Anong nangyari?" saad ko

"I saw you almost get hit by a car, so I pulled you out of the way. Are you alright? Nothing hurts, right?"
hindi ko na nabibigyang pansin ang mga sinasabi nya, dahil may iniisip ako yung kanina.

Nung nahawakan ko ang kamay nya, parang napunta na naman ako sa ibang lugar at may nakita akong mga tao.....I winika rin ng lalaking boses ang ngalang.....Emilia.

Emilia?

Mizpah Where stories live. Discover now