CHAPTER 13

18 9 4
                                    

"Prof. pinapatawag mo daw po kami?"
panimula ko sa prof. namin na abalang-abala sa mga tambak na papeles sa desk nya as usual.

"Nandyang na pala kayo mga bata" saad ni prof. Aminado naman akong may katandaan na siya at matagal na rin siya sa trabaho nyang ito. Kaya natatambakan na siya ng gawain.

"Good morning po!" sunod-sunod nasaad naming lahat ng magsalita na siya.

"Pasensiya na at pinapunta ko kayo kaagad dito, kahit umagang-umaga palang. May gusto lang akong I-discuss
sa inyong apat lalong lalo na sa inyo Ms.
Miller and Kelsey." saad ni prof. at parang kinakabahan ako sa magiging usapang ito, maging si Phebe kinakabahan din, dahil hindi mapakali ang kamay niya.

"Ano naman po iyon Prof.......haha mukhang napakaseryoso po ah" kinakabahang saad ni Phebe.

"Bakit kinakabahan ka ba Ms. Kelsey?" saad ni prof. na obvious namang pang-aasar lang.

"Nah! wala po yan sa vocabulary ko!" bwelta ni Phebe at mukhang nagmamayabang na naman.

"Kung ganoon pala maari na nating simulan ang usapan na dapat nga nating pag-uusapan, since wala namang kinakabahan sa inyo."

"Sige po!" saad namin

"Kaya ko kayo pinatawag dito, dahil napansin kong medyo nahihirapan si Ms. Miller na ihandle ang dalawang ito. Pero kahit ganon hindi naman siya marunong humingi ng tulong lalo na sa ibang officers. Nahihiya ata." ani ni Prof. at ako talaga ay pinapatamaan nya. Humarap siya sa direksyon ko at nagsalita pa " Wag ka sanang mao-offend sa sinabi ko Miller. Alam ko naman na magaling ka, pero minsan kailangan mo ring humingi ng tulong sa iba para gumaan ang pasanin mo lalo na sa buhay mo" dagdag pa niya na parang may gustong ipahiwatig.

"Kaya nagpadesisyonan ko na si Kelsey ang magha-handle isang student para hindi ka mahirapan Miller. Sang-ayon naman kayo di ba?" pagtatanong niya na parang may choice pa kami.

Sumang-ayon naman ang tatlo kaya sumang-ayon na din ako.

"Ngayon naman ia-assign ko na kung sino ang ihahandle nyo. Ikaw Kelsey si Ms. Fitzgerald ang sayo, since mayroon kang boyfriend kaya mas magandang umiwas sa maaring maging gulo at ikaw naman Miller sayo na mapupunta si Mr. Fitzgerald kase no choice ka na. Tsaka wala ka namang boyfriend kaya walang magagalit!" pag-aasar ni Prof. sa amin ni Phebe.

Matapos ng naging usapan pinabalik nya na kami sa classroom. Itong si Phebe naman at Skye ay sobrang ingay. Close na agad sila?

"Ito talagang si Prof. buti nalang alam nya na may boyfriend na ako. Sana hindi kayo ma-offend sa sinabi ko hah! Like they say, frank talaga ako" pagsasaad pa ni Phebe at napasang-ayon naman ang babaeng kausap nya.

"Don't worry! I don't mind naman!" sa tono ng pagsasalita ni Skye, mukhang close na agad sila ni Phebe. Samantalang ang lalaking Fitzgerald naman ay walang imik na naglalakad sa likuran namin.

Sa klase napapansin ko na agad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang ito sa pag-uugali tahimik at napaka misteryo ng lalaki at ang babae naman ay kabaliktaran niya, halos kaibigan na niya ang lahat ng nandito, maging ang mga Professors namin. Kung talino naman ang pagbabasihan masasabi kong mas angat ang lalaking katabi ko, kumpara sa babae nyang pinsan. Ang pagkakatulad naman ng dalawa is the way they attract others. Charismatic and charming masyado.

"Daisha!" rinig kong sigaw ni Astrid sa pangalan ko. Kaya napakunot ako ng noo.

"Ba't ka sumisigaw? Galit ka ba?" saad ko naman sa sarcastic na paraan.

"Panong hindi ako sisigaw eh kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot. Nukaba naglabasan ang lahat tayo nalang nandito." pagpapaliwanag nya kaya napatingin ako sa paligid, wala na ngang mga students, except sa aming dalawa.

Mizpah Where stories live. Discover now