CHAPTER 5

50 20 4
                                    

Matapos kong ikwenento kay Lucy ang mga nakakakilabot na nangyari sa akin, nakita ko ang labis na pag-aalala nito para sa akin, pansin ko din ang gulong-gulong expression nya.

Hindi nya rin siguro alam kung paniniwalaan nya ba mga pinagsasabi ko sa kanya.

Nagtataka din ako kung anong ginawa nya sa building namin...eh may klase din naman sila ngayon.

"Lucy, okay k-"

Hindi na nya natapos ang sinasabi nya, dahil naunahan ko na syang magsalita.

"Nga pala Lucy, bakit ka pala nandito at bakit mo naman ako ginulat kanina?"tanong ko sa kanya upang ibahin ang usapan, kase pati sya nakatulala na rin

"Well...nandito ako kase naiwan mo kase itong phone mo sa inupuan natin sa rooftop, balak ko nalang sanang ibalik mamaya, kaso wala daw prof. namin ngayon, may emergency daw...kaya naisipan ko na puntahan ka nalang ngayon, pero pagpunta ko sa room nyo wala ka pa daw, kaya naghanap-hanap ako tas nakita kita dito nakatulala ka, I tried to call your name, pero dika sumasagot, kaya kinalabit nalang kita." mahaba nyang pagpapaliwanag

"Ganon ba...? Pasensiya na wala talaga, sobra lang talaga akong naguguluhan sa mga nangyari kanina."

"Don't worry about, and yung nangyari kanina, kalimutan mo na yun mas makakasama kung iisipin mo pa yun, baka naguguluhan ka lang or someone is pulling prank on you..."saad niya

Napatango nalang ako sa kanya..balak ko sanang sabihin pa sa kanya yung nangyari pa kagabi sa bathroom, pero nakalimutan ko na nga dahil sumama loob ko sa kanya at ayoko na din sabihin sa kanya kase baka pati sya matakot...kahit alam ko namang walang effect sa kanya ang mga kababalaghan.

Matapos naming magka-usap at iniabot nya na rin iyong naiwan kong phone, inihatid nya na ako sa room namin at nagtaka nga ang prof namin bakit wala ako ng halos isang oras, buti nalang at nagsalita agad si Lucy na dumaan kami sa clinic kase masama ang pakiramdam ko...well hindi naman yun lies kase dumaan talaga kami sa clinic para humingi ng gamot at tubig...ang lies lang don is hindi talaga ako don nag-stay ng halos isang oras. Sana hindi nila malaman na dumaan lang talaga kami don saglit.

Nagpaalam na din si Lucy na babalik na sya sa building nila kase baka pumasok na yung ibang Professors nila, at bilin nya din sa akin na wag akong umuwi mag-isa kase susunduin nya na ako para magkasama kami umuwi....tumango nalang ako sa kanya at nagpaalam na rin.

"Ms. Miller okay na ba ang pakiramdam mo? Baka hindi ka pa okay, ang pagkaka-alam ko nasa clinic ka rin kahapon, you can use my time para magpahinga" saad ni Prof. Hayes

"I'm fine now ma'am, thank you for your consideration and concern" saad ko

"Very well then, you can take your sit now" saad niya at tumango lang ako sa kanya.

Pagkabalik at upo ko hindi pa rin ako mapakali kase naalala ko ulit yung kanina...kaya halos lutang ako sa lahat ng class discussions.

Halos nagdidilim na at wala na din masyong student dito sa building namin...nag-chat naman sa akin si Lucy yung last prof. daw kase nila ay nag-overtime, since kailangan nilang matapos yun presentation nila ngayong araw.

Nag-message nalang ako sa kanya na pupunta nalang ako sa building nila...kase ako nalang natitirang student dito sa building namin, yung mga teacher naman nasa cubicles na nila and malapit na rin dumilim sa labas.

Nandito na ako ngayon sa first floor ng building at naglalakad na ako papalabas ng biglang nagpatay-sindi yung ilaw sa may entrance door at naka-lock na din ito...weird bakit naka-lock ito.....eh may natitira pang-teacher dito sa building, and nandito pa ako kanina pa, wala naman akong nakitang nag-lock nitong entrance.

Naisipan kong magtungo sa cubicle kung nasaan ang mga teacher pero pagtungo ko doon, wala ng mga tao. Pagtungo ko din sa loob nakapatay na din ang ilaw, ngunit kaninang nasa hallway ako papunta dito, nakasindi pa ang mga ilaw dito at naririnig ko din ang boses ng mga teachers.

Naramdaman ko na rin na nagsimula na namang umihip ang malamig na hangin, nagsimula na ring magliparan ang mga papel sa loob ng cubicle

Natulala nalang ako sa kinatatayuan ko at nagmadaling kinuha ang phone ko pero pagtingin ko sa phone ko nasa pasado 3 am, nabitawan ko ito at napatakbo palabas, ngunit paglabas ko ng cubicle mas lalo akong kinilabutan dahil wala na ako sa building namin, kundi nasa isang malapalasyong lugar.

What the hell is going on here.....

Nabalik ako sa kamalayan...what the heck anong lugar ito, inilibot ko ang aking mata sa lahat ng aking madaan, tila ba nasa renaissance period ang desinyo ng mansyong ito, habang naglilibot-libot narinig ko ang boses ng maraming tao doon sa pinaka-dulong bahagi ng mga silid, pagbukas ko ng malaking pinto sa silid, maraming mga tao ang naroroon at sila ay nagkakasiyahan at base sa mga damit nila isa itong piging.

Panaginip lang ba ito o nagtime-travel na ako, kanina lang nandoon pa ako sa cubicle ng mga teacher at ngayon nandito na ako.

Napansin ko din na iba ang kasuotan ng mga tao dito masyadong formal, parang nasa victorian era ang style nila at ako naka uniform lang...wait hindi ba nila ako napapansin dito iba kaya ang kasuotan ko...

Pero pagtingin ko sa suot ko iba na ito, nakasuot na ako ngayong ng napaka-garbong pink dress at puno ng nagkikislapang mga dyamante.

Ano!...ano ito!

Naghanap ako ng isang bagay kong saan pwede kong makita ang reflection ko at buti nalang may salamin doon sa kabilang parte ng malaking silid, dali-dali akong tumakbo papunta doon at sa aking pagkabigla ibang mukha ang nasisilayan ko sa salamin ang mukhang ito ay ang mukhang nakita ko sa bathroom mirror kagabi.

Sobra akong naguguluhan sa mga nangyayari at sobrang bilis na rin ng tibok ng puso.

Sa sobrang pagkabigla ko unti-unti akong napa-atras at hindi ko napansin may nabangga na pala akong tao, pagharap ko nakita kong ang kaninang mga abalang tao ay nakatingin na sa akin.....lahat sila at nakakatakot ang tingin nila sa mga oras na ito, sobra akong natakot at nagsimula ng dumilim ang paligid ko.

Mizpah Where stories live. Discover now