CHAPTER 9

49 15 5
                                    

Ilang araw ang itinagal namin sa hospital at habang naroroon ako parang mas binabalot ako ng konsensiya, dahil kung hindi nila ako kasama nung mga oras na yun hindi sana sila madadamay sa aksidente.

Tama nga si uncle, kahit saan ako pumunta laging kamalasan ang dala ko sa mga taong nakakasalamuha ko.

Ayokong mangyari ulit ang ganito, kaya kailangan ko ng magdesisyon.

Kung sasabihin ko kay Lucy ang lahat para kahit papaano maintindihan nya ang dahilan ko, kung bakit kailangan ko munang magpakalayo-layo at alamin ang dapat kong alamin sa pagkatao ko.

Lumabas ako ng room ko para pumunta sa kabilang kwarto. Kung nasaan si Lucy, pero pagpunta ko doon walang tao roon, sakto namang may napadaang isang nurse at nagtanong ako rito.

"Ah! Nurse pwede ko po'ng maitanong kung nasaan po ang pasyente rito, her name is Lucienne Yvonne McCarthy"

"Si Ms. McCarthy po ba.....Nailipat po siya ng room kani-kani lang po"

"Nailipat?....bakit naman po?"

"Not in a condition na po pala ang room na iyan, kaya nag-request po ang hospital management na lumipat muna ang mga nasa room na ito, buti na nga lang po at hindi apektado ang sa inyo"

"Ganoon po ba...May I ask nalang po kung nasaang room na siya ngayon?"

"Nasa ibaba lang po ng floor na ito, siya inilipat room 64 po."

"Maraming salamat po!"

"Walang anuman"

Nagpatuloy na ako sa paglalakad matapos kong magtanong sa nurse, wala namang masyadong tao ngayon sa hallway, kinikilabutan na naman tuloy ako, parang may mangyayaring hindi ko na naman inaasahan.

Pupunta na sana ako ng elevator para bumaba sa susunod na palapag, pero mukhang may gumagamit nito, kaya kailangan ko pang maghintay.

Naramdaman ko ang pagdampo ng malamig na hangin sa katawan ko...hah may aircon ba dito? Napatingin-tingin ako sa paligid pero wala naman, ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa elevator na ngayon ay bumaba na sa 2nd floor ng building.

Naagaw ulit ang atensyon ko ng mapansin ko mula sa peripheral vision ko ang pagpatay sindi ng ilaw sa pinaka dulong bahagi ng hallway.

Tiningnan kong mabuti ang ilaw at napabulalas ako ng may matandang lumitaw roon. Nakaupo siya sa isang wheelchair at nakasuot ng damit pang hospital din tulad ko.

Sinubukan niyang tumayo, pero nadapa siya agad naman akong napa-tayo para tulongan ang matanda, tumigil na rin ang ilaw sa pagpatay sindi.

"Lola...okay lang po ba kay-!!"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hinawakan nya ang braso ko, sobrang sakit ng pagkakahawak ng matanda, kaya napa-aray ako sa sakit.

"Lola, binatawan nyo po ako!" saad ko at nagpupumiglas...gosh bakit sobrang lakas nya.

"Hija!" saad ng matanda kaya napatingin ako sa mata nya, sobrang seryoso ng mga mata nya habang nakatingin sa akin.

"Makinig ka, walang dapat maka-alam ng mga panaginip mo at lalong lalo hindi ka pwedeng tumakas!" pagalit nitong saad.

"P-po?"

"Kapag tumakas ka ang mga taong iyon lalo na ang kaibigan mong babae ay mas lalong malalagay sa panganib"dagdag pa niya.

"Ano po ba ang nais mong sabihin?"

"Ikaw makinig ka, ang mga ito ay nakatakdang mangyari at kailangan mong sumunod sa nakatakda!"

Mizpah Where stories live. Discover now