CHAPTER 12

28 10 19
                                    

"Di nga?.....katabi mo talaga yung new student?"

"Lucy! Ano ka ba! Ubusin mo muna yang kinakain mo bago ka magsa-salita dyan!" paggalit kong saad sa babaeng nagsasalita habang kumakain ng noodles.

"Tska pwede ba ilayo mo yang laptop mo kapag kumain ka. May sabaw pa naman yang kinakain mo!" saad ko ulit tsaka kinuha ang laptop nya.

"Isha!......ibalik mo yan!" sigaw nya habang parang batang nag-iinarte.

"Ano ba'ng pinaggagawa mo!" napatingin ako sa laptop nya at napakunot ng noo "Teka....anong ginagawa ng pangalan ng new student dito? Stalker ka ba?" Pagkasaad ko nun ay may nagpop-up na message galing sa kapatid nya na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Magsasalita sana ako pero naagaw nya na sa akin yung laptop

"Akala ko ba ayaw mong ini-invade at nang-iinvade ng privacy hah?!"

"Wala akong ini-invade naka-open ang laptop mo kaya nakita ko, mukhang ikaw ang nang-iinvade ng privacy eh! Pano mo nalaman name nung new student? Tska anong ibig sabihin nung message ng kapatid mo?"

"Anong message ka dyan?...Wala!" pagkasaad nya non ay tumakbo sya papasok sa kwarto nya at inilock ito.

"HOY!!! Bumalik ka dito wala kapang nasasagot ni isa sa mga tanong ko!" pasigaw kong saad habang kinakalabog ang pintuan nya.

Mukhang walang balak talagang sumagot itong babae kaya umalis nalang ako at inayos ang pinagkainan naman maging ang nagkalat na mga papel. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko pero biglang tumunog ang phone ko.
Binuksan ko ito at may nagnotif sa akin.

Pagkabukas ko nakita ko agad ang pangalang....'Skye Fitzgerald' nagtaka ako kung bakit siya nagmessage sa akin. Kaya binuksan ko ito.

[Skye Fitzgerald]
Hi Daisha right? Our Professor suggested I reach out to you. Would you mind adding me to the group chat? I also asked the professor for your phone number as I couldn't find your Facebook account. If you happen to see this message, please add both Rhyl and me to the group chat. Thank you!

Huh? nakalimutan ba ni Prof. na wala akong social media accounts. Nag-message nalang ulit ako sa kanya na wala akong account pero hindi na daw nagre-reply si Prof.

Minessage ko nalang ang number ni Phebe para siya nalang ang mag-add sa new students. Sumang-ayon naman sya, pero ilang minuto lang hindi nagmessage ulit sya sa akin na nagsasabing hindi nya daw ma-add ni isa sa dalawang transfer students. Mukhang nakaturn-off daw ang friend request ng mga facebook nila at sila lang ang pwedeng mag-add.

[Phebe  Kelsey]
Sorry Pres. pero diko talaga sila ma-add. Ba't di ka nalang kase gumawa ng facebook account mo for school purposes lang naman. Need mo talaga yan kase nasa student council ka.

Napapikit nalang ako ng mata ko at nagisip-isip. Napabuntong hininga nalang ako at inamin sa sarili ko na may punto naman si Phebe. Wala naman siguro itong masamang idudulot, masyado lang talaga akong pribado at negatibo sa buhay ko.

Matapos kong magkapagisip-isip at kumbinsihin ang sarili. Kinuha ko ang phone ko at nag-install na ng facebook...ilang minuto pa napag-intall na rin ako at nagsimula ng gawin ang account ko. Hindi naman ako natagalan, kaya minessage ko na kaagad sina Phebe at Skye na iadd ako.

Ilang minuto ulit ang hinihintay ko bago magpop-up ang mga notif. hindi lang kina Phebe at Skye pati na rin ang ibang kaklase ko. Pumunta kaagad ako sa group chat at sobrang iingay nila doon. Inadd ko na si Skye at minessage ko ulit sya na sya nalang ang mag-add sa cousin nya.

Nagstay pa ako ng ilang minuto hanggang nabasa ko ang pangalan ko sa group chat.

[Astrid: Kay Daisha ba yang account na walang pic?]
[Daphne: Parang sa kanya nga]
[Felicity: Himala Pres. sinong nakakumbense sayo?]
[Phebe: Ako! Bilib na ba kayo sa skills ko?]
[Astrid: Di nga!]
[Daphne: Ohmygosh inadd nya rin yung new student si Skye....]
[Felicity: Wow! Friends na sila sa facebook]
[Phebe: Dahil kay Skye napilitang gumawa ng facebook si Pres]
[Aceline: Pero nasaan yung Rhyl]
[Daphne: Aba napareply ka Ace ngayon ah, mukhang interesado ka rin sa new student ah]
[Aceline: Pinagsasabi mo dyan Daphne]
[Astrid: Hindi ba kayo nahihiya baka mabasa nila mga message nyo]
[Daphne: Shut up Astrid! Ikaw nga kanina mo pa ako kinukulit about kay Rhyl]
[Astrid: Hey unsend mo yan, pano mo ako nagawang ibuking dito pa talaga]
[Ciane: Si Axel guys...swerte din katabi yung Skye....lol]
[Felicity: Si Pres. seen lang ng seen]
[Axel: Bat nadamay pangalan ko Ciane?]
[Astrid: Di pa kayo nasanay kay Daisha. Nonchalant talaga yan haha]

Napabuntong hininga nalang ako habang sinusubaybayan ang mga taong ito na nagbabangayan at iba-iba pa ang topic. Kahit ganon pa man wala naman akong balak na magreply sa mga taong toh! Napansin ko nalang na may nagnotif sa akin galing sa account nung Skye

@Pricilla.Skye

[Skye: Thank you!]

[Your welcome Ms. Fitzgerald]

[Skye: Skye nalang...]

[Okay then...Skye]


Matapos kong replyan ang babae. Hindi ko na nagawang mahintay pa ang reply nya kase nakatulog na nga ako.

Kinabukasan napaaga ulit ako ng gising dahil sa ingay na nanggagaling sa phone ko. Pagbukas ko nga nito ang daming friend request ulit. Karamihan galing sa kaklase ko at ang iba ay hindi ko naman kilala. Hindi ko nalang ito binigyang pansin at dumiretso na papunta sa banyo para maligo.

Nakabukas na ang ilaw sa banyo at tumutunog na rin ang tubig. Saktong kakatok ako ay bumukas naman ito. Nagkatinginan pa kaming dalawa saka sya yumuko at dali-daling tumakbo papalayo.

Hah! Buti naman alam nyang siya ang may kasalanan at hindi ako. Napairak nalang ako bago pumasok sa banyo.

Pagkalabas ko ng banyo, kumakain na sya at may inihanda na rin syang plato para sa akin. Napailing nalang ako at dumiretso na sa kwarto ko para mag-ayos. Pagkalabas ko kumakain pa rin sya. Anong nangyayari sa kanya. Naging pagong na ba sya?

Nauhanan ko pa syang matapos kumain at nakaupo pa rin siya. Wala na akong nagawa kundi ang mauna ng magsalita.

"Anong nangyayari sayo matapos mo akong takbuhan kagabi? Naging pagong ka na?" napatigil naman siya at napatingin sa akin.

"Anong oras na...male-late na tayo, halos isang oras ka na atang kumakain dyan. Bilisan mo na kase at hihintayin nalang kita sa labas."

Ilang minuto lang ang tinagal at nakalabas na sya, sumakay na kami ng taxi at himala ulit ngayong araw. Hindi lang sya naging pagong, nawala na rin ang kadaldalan nya. Blessing in disguise ba ito?

Hanggang sa makarating kami sa university wala syang kaimik-imik diko alam if magpapasalamat ba ako o maaawa sa kanya.

Pagkapunta ko ng room maraming students na ang nadoon. Napatigil sila sa mga pinagkakaabalahan nila at tinitigan ako. Napakunot naman ako ng noo at maging ang kilay ko ay nagsisitaasan na......ano ito patibayan ba ito sa titigan?

Napairap nalang ako at dumiretso na sa loob. Nakaupo na rin sa may tabi ng upuan ko ang new seatmate ko. Uupo na sana ako pero napansin ko ulit ang tingin ng mga kaklase ko. Kaya nagsimula na akong mainis sa kanila.

"Teka ka nga! Bat ba kayo tingin ng tingin sa akin?" saad ko sa naiinis na tono

Hindi sila sumagot. Nagsitinginan lang sila saka nagtawanan.

"Ano ba'ng mga problema nyo?" saad ko ulit. Aalis na sana ako ng room pero biglang may nagpasabog ng confetti at nagsigawan ng "CONGRATULATIONS!"

"Anong meron? Para saan ito?" pagtatanong ko habang inaalis ang confetti na nagsikalat sa damit ko.

"Gusto ka lang naming icongrats kase nagpustahan itong iba sa mga kaklase natin if makakagawa ka ba ng facebook or any social media accounts before mag end ang year natin. And unexpectedly natupad na nga HAHAHAHA!" ani ni Astrid habang humahalakhak. Mukhang kasali sya sa pustahan kaya nakakatawa sya ngayon.

"Puro kayo kalokohan....ayusin nyo na itong ikinalat nyo baka dumating pa si Prof. mapagalitan na nam-"

"Daisha!" narinig kong sigaw ng kung sino, kaya hindi ko na natapos ang sinasabi ko.

"Bakit?" saad ko naman

"Si Prof. pinapatawag ka kasama ang mga transfer students.....ikaw din Phebe!" saad niya habang hingal na hingal pa rin.

"Teka ba't kasama ako!" angal pa ni Phebe.

"Aba! Malay ko nagpag-utusan lang naman ako. Pumunta nalang kayo sa cubicle dali!" saad pa niya.

Mizpah Where stories live. Discover now