CHAPTER 7

56 20 9
                                    

"Malapit na aking mahal! Malapit na ang ating muling pagkikita, kaunting panahon na lamang!"

Iminulat ko ang aking mga mata at labis ang aking pangamba, nanaginip na naman ako.

Napahawak nalang ako sa aking dibdib na hanggang ngayon ay napakabilis pa rin sa pagtibok.

Sinubukan kong tumayo, ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa, napatingin naman sa akin si Lucy na nakatayo sa harap ko, marahil ay napansin nya na gising na rin ako, kaagad naman itong lumapit sa akin.

"Gising ka na pala Isha, hindi na kita ginising kanina kase alam kong pagod ka at tsaka much better na yun kase mala-late pa daw si Kuya Kale, may abirya daw na nangyari, pero maya-maya nandito na yun" pagpapaliwanag nya sa akin, tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

"No problem!" saad ko at ngumiti naman siya.

"By the way! Nagugutom ka na ba? Kase pati ako nagugutom na din, dito ka muna saglit bibili lang ako ng makakain." saad nya, akmang aalis sya hinawakan ko ang kamay nya at nagsalita.

"I think much better if ako nalang ang bumili ng makakain, since hindi ko kilala kuya mo, baka magkasalisi kami" saad ko at napa-isip naman ito.

"Oo nga noh!" saad niya "Pero okay lang ba talaga sayo na ikaw ang bumili ng foods" saad pa ulit nito at tumango naman ako.

"Ingat ka Isha! If merong Americano and Doughnut yun nalang sa akin!" pasigaw nyang saad kase medyo malayo na ako sa kanya, tinaas ko naman ang kamay ko at nag thumbs-up sa kanya.

Nandito kami ngayon ni Lucy sa airport, kase hinihintay namin ang kuya nga, since may abirya na naman, almost 5 hours na kami ditong naghihintay kaya nagawa ko syang tulogan.

Maraming tao ngayon sa airport parang hindi mahulogang karayom ang paligid at halos lahat sila busy, sa aking paglalakad hindi napansin na dahil sa kakamadali ko kanina,
bukas pala ang handbag ko, kaya agad ko itong isinara habang naglalakad, nagluko pa itong zipper , kaya hindi ko napansin na may tao na akong nakabanggaan.

Nabigla naman ako sa lahat ng nangyari kaya napa-atras ako at nawalan ng balense ang aking katawan, muntikan na sana akong matumba, buti nalang may nakasalo sa akin.

Pagmulat ng aking mga mata nakita ko ang isang lalaki. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, nakasuot siya ng sunglasses kaya hindi ko makita ang mga mata nya, naramdaman ko na rin ang pamumula ng aking pisngi dahil sa...okay hindi ko itatanggi gwapo sya at higit sa lahat nakapulupot ang kamay nya sa bewang ko, agad akong napa-atras kaya nabitawan nya ang bewang ko pero nahawakan nya pa rin ang kamay ko. "Careful beautiful lady! You might fall again!" saad pa nito at mas lalo akong namula sa sinabi nya.

Napatingin naman ako sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak nya pa rin, napatingin din sya sa tinitingan ko, kaya binitawan nya na ito, napasalamat naman ako sa kanya at humingi na rin ng pasensiya dahil naabala ko pa sya dahil hindi ako tumitingin sa dinadaan ko.

Nagtitigan lang kami after namin magpalitan ng salita...gosh! nagsisimula na akong matunaw sa titig nya at higit sa lahat namumula pa rin ang mukha ko. Buti nalang nagdatingan na ang mga tao kaya naka-alis na ako at nakita ko din na nadadala na sya palayo, dahil sa dami ng tao ngayon sa airport.

Hindi ko alam, pero kanina ayaw gumalaw ng katawan ko papalayo sa kanya, hindi naman ako ganito at higit sa lahat hindi naman ako nafall sa kanya para maganon ako kanina.

Ang weird din kase umihip na naman ang kakaibang hanging iyon, kahit nong unang ma-meet ko si Lucy dati, ganito din ang pag-ihip ng hangin. Sobrang nakakapangamba.

Mizpah Where stories live. Discover now