CHAPTER 6

47 17 5
                                    

"Nasaan ako?"

"Buti naman gising ka na!"

Napatingin sa nagsalita nasa tabi ko ngayon si Lucy, agad syang lumabas ng room at may tinawag sa labas.

"Gising na si Isha! Hali kayo!" narinig kong saad niya.

Napahawak naman ako sa ulo ko, dahil sa sobrang sakit....ano ba'ng nangyari sa akin. "Anong ginagawa ko dito?"saad ko habang hinihimas ang ulo ko, dahil sa sobrang sakit.

"Nakita ka ng mga teachers mo na walang malay sa labas ng pinto nila, kaya dinala ka agad nila dito sa hospital at tinawagan nila ako" saad niya at dama ko sa tono ng pananalita nya ang pagka-irita.

Napansin kong nakatingin sa amin ang ibang bisita, kaya sinenyasan ko muna si Lucy na palabasin muna sila, tumango naman siya kaagad.

Nang lumabas at maisara na ang pinto, lumabas na ang totoong ugali nya.

"My God! Daisha ano ba ang pinag-gagawa mo sa buhay mo, lagi nalang problema ang dala mo sa amin kahit saan ka ipadala, alam mo ba'ng may urgent meeting ako ngayon at ang eskwelhan mo hindi ako tinigilan hanggang hindi ako pumupunta dito" galit nyang saad sa akin habang napapahilamos sa mukha nya.

"Malas ka'ng bata ka!" saad nya mismo sa pagmumukha ko.

Nakatingin lang ako sa kanya ng walang buhay at dahil don napatawa sya.

"Walang takot na bata! Siguro tama nga ang kapatid ko pinatay mo sya" pasigaw ulit nyang saad sa akin at umalis na ng room.

Pano nyo ba nasasabi na pinatay ko ang sarili kong kadugo. Kailan nyo ba ako paniniwalaan...at kailan nyo ba ako matatanggap.

Pagbukas ng lalaki ng pinto...nasulyapan ko ang inosenteng mukha ni Lucy at siya tumatangis, hindi naman sya pinansin ng lalaki at lumabas na ng hindi man lang lumilingon.

Agad ko namang inilahad ang kamay ko para kanyang yakapin...narinig nya pala ang mga salitang binitawan ng lalaking yun.

"S-siya ba ang uncle m-mo?" pautal-utal nyang saad

Tumango lang ako at mas lumakas ang hikbi nya.

"P-pano mo nagagawang tanggapin nalang ang mga masasama nyang salita...akala ko ba p-palaban ka?" saad nya pa ulit.

"Sanay na ako sa kanya, at kahit ganoon sya pa rin ang uncle ko na nagpapa-aral sa akin, kaya kailangan kong irespeto sya" saad ko at hinahaplos ko na ngayon ang napaganda nyang itim na buhok.

"Ang sama nya...dapat pinigilan ko sya at ako nalang sumagot-sagot sa kanya.." saad nya pa habang pinupunas ang mga luha sa mukha nya...napatawa nalang ako at tumingin sya sa akin.

"Hindi mo kailangang gawin iyon at hindi mo din kailangang ma-involved pa sa family affairs ko, lalo na kung ikakasama mo ito" mahinahong saad ko sa kanya.

"Pero kaibigan mo ako..at kaibigan kita... don't worry next time hindi na ako papayag na sabihin ka pa nya ng masama" saad nya at ngumiti nalang ako.

Halos dalawang araw na pala akong walang malay, sabi sa akin ni Lucy...kaya nagawa nilang mapapunta ang Uncle ko dito.

2 days...huh!
Ano ngang nangyari sa akin, naalala ko na panaginip lang ba iyon o totoo na, halos makalimutan ko na iyon kase nasurprise ako sa pagpunta ng Uncle ko dito...na sobraaaang bait.

Maniniwala kaya si Lucy kung sabihin ko sa kanya...o baka nga gawa-gawa lang ng isip ko since nandito nga ako at walang malay for almost 2 days.

Nakita kong bumukas ang pinto at pumasok si Lucy, dala-dala ang mga prutas maging mga favourite foods ko. Napatingin lang ako sa kanya at ng balinggan nya ako ng tingin ngumiti ito at kumaway na parang ewan...

"Isha okay ka na talaga?" tanong sa akin ni Lucy habang inaayos ang mga pagkain sa table

"Opo!"saad ko naman sa kanya

"Okay! Since okay ka na pala may good and bad news ako sayo...ano gusto mong unahin ko?" tanong nya sa akin, habang abala pa rin sa pag-aayos ng pagkain.

"Ano naman kayang news yan" tipid kong saad

"Kaya nga pinapapili kita kung ano uunahin ko...eh" saad nya pa.

"Got it! unahin na natin yung bad news...para at least may good pa rin" saad ko sa kanya at humarap naman sya sa akin, habang may pagesture-gesture pa ng kamay nya.

"Okay then...the bad news is made-delayed ang punta ni kuya dito, kase mags-stay pa siya sa house nila mommy and daddy" saad nya at natulala lang ako sa kanya.

"and the good news?"saad ko pa

"well the thing is wala naman talagang good news...trip ko lang talagang papiliin ka, since alam kong uunahin mo yung bad news" saad nya at napabuntong hininga nalang ako ng sobrang lakas...ito talagang babaeng ito may sapi din eh, baka ikaw talaga ang napo-possessed sa ating dalawa at hindi ako.

Halos 3 araw na ang lumipas na nandito ako sa hospital at sa wakas makaka-uwi na rin ako mamaya.

Inaayos na ni Lucy ang mga gamit ko, kaya ito ako at mag-isa sa room ko...nakatanaw lang sa kawalan at nakita ko na naman sya ulit ang babae sa panaginip at ang nagpapakita sa akin. Nakatingin din sya sa akin, tulad ko wala ring expression ang mukha nya.

Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lucy dala-dala ang gamit ko at ang ibang binayarang bills.

"Mamaya mga 1 pm, pwede kanang lumabas sabi ng doktor" saad niya

"Buti naman" saad ako

"Lucy, pwede ka ba'ng lumapit dito?" malumay kong saad

"Okay! Bakit?"saad niya, pero hindi ako kumibo

"Sabihin mo may nakikita ka ba'ng babae na naka-tingin sa atin ngayon?"saad ko ulit sa malumanay na tono

"Wala naman" saad niya

"Ganoon ba." ako lang pala ang nakakakita sa babae, dahil hanggang ngayon nakatingin pa rin ang babae sa amin, na hindi ni Lucy nakikita

"Bakit mo na itanong may problema ba?" tanong niya

"Wala naman..gusto lang kitang pagtripan din" saad ko... it's a lie

Napakunot lang ang noo nya at pinagsermunan na na naman ako.

Bago kamo umuwi....napadaan muna kami sa mall, pinilit nya ako kase may bibilhin din sya na regalo para sa akin at kuya nya, wala naman akong nagawa pa, dahil sobrang kulit nya.

"Isha! Ano magandang iregalo kay kuya?" tanong niya sa akin, pero wala naman akong alam kaya nagtanong nalang kami sa sale's lady

"Magugustuhan kaya ito ni kuya?" saad nya

"Oo, naman basta galing sayo...by the way salamat sa gift"saad ko at ngumiti naman sya sa akin pabalik.

"Always welcome!"
"By the way, bukas na ang dating ni kuya, susunduin natin sya okay lang ba? Since weekend naman bukas kaya wala tayong pasok" tanong niya sa akin.

"Okay lang sa akin" saad ko habang nakatanaw sa labas ng sasakyan at ang pag-ihip ng hangin ay nadama ko na sa pagkakatoong ito.

Mizpah Where stories live. Discover now