CHAPTER 3

55 23 5
                                    

Nasa classroom ako ngayon at wala ngayon ang prof. namin, at dahil nga sa walang teacher ngayon parang nasa party na naman ang mga kaklase ko.

Tsk! Parang hindi mga college ang asta ng mga ito, kaya heto ako ngayon sumusuway na naman, since ako ang class president ng aming section.

"Everyone! Go back to your proper sit" saad ko habang nasa mahinahon at kalmadong tono pa rin ang boses ko

"Hoy! Galit na si President"-student 1
"Guys! Respeto naman"-student 2
"Oo nga alam nyo namang masama pakiramdam, wag nyo ng painitin pa ulo"-student 3
"Sinong umaway kay president!"
In the midst of the crowd, hindi talaga mawawala ang mga lalaking to! Pinandilatan lang sila ni Phebe na nasa tabi ko, sya kase ang vice president ng aming room.
"BOYS AT THE BACK!" saad pa niya
"Mga immature!"-student 4
"Pres. okay lang yan, hayaan mo na sila"-student 5

Mukha ba'ng okay lang na pabayaan ko sila, pano kong may maglibut na naman na isang teacher o kaya yung masungit namin Den, edi problema ko na naman. Napahawak na lang ako sa noo ko at pinaki-usapan ulit sila, ngunit nasisimula ng tumaas ang boses ko ngayon.

Nagsitigil naman sila at nagtinginan muna bago bumalik sa mga upuan nila at nagpatuloy ulit ako sa pagsasalita.

"And also a friendly remainder sa inyo, since ako ang class president, gusto ko lang sabihin na baka magkaroon ng surprise quiz mamaya si Prof. Brown, narinig ko kanina habang sinu-submit ko yung mga compilations."

Narinig ko ang pagkadismaya ng mga kaninang maiingay kong kaklase na ngayon ay nagsisikuhaan na ng mga notes nila para mag-review.

"And also please, wag nyong ipagsabi ang nalaman ko, baka malintikan na naman ako"

"Yes Pres!"
"You can count on us"

Lumalakas na naman ulit ang boses nila kaya sinuway ko ulit sila at pagkatapos bumalik na ako sa upuan ko para mag-review na rin.

Sa wakas peace of mind na rin-

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nilapitan na ako ni Amber at kinuha ang isang bakanteng upuan at pumwesto sa harapan ng desk ko.

This bitch! Ano naman gusto nito ngayon.

"Nagre-review ka pa? no need for that di ba matalino ka naman" she said sarcastically

Ngumiti lang ako sa kanya at sa iskartastikong paraan din ngunit mahinahon ko pa rin syang kina-usap "You know what Amber, alam ko namang matalino ako, but it doesn't mean alam ko na ang lahat, and you imbis na makipag-lokohan ka sa akin, bakit di ka nalang mag-review" saad ko at nag-smirk ako ng kaunti "or like you said earlier ang mga matalinong tulad mo ay hindi na kailangang mag-review, kaya manahimik ka nalang sa upuan mo"

Narinig kong tumawa at humalakhak ang iba naming kaklase, kanina pa pala sila nakikinig sa bangayan namin ni Amber

"Boooo!"
"Tama! makinig ka nalang sa class president natin Amber"
"Palaban si President!"

Tumingin ito ng masama sa iba naming kaklase at ibinalik niya ulit akin ang mapangsindak nyang mga mata "You bitch! I hate you!" pasigaw nyang saad at umalis papalabas ng room.

"Hayaan mo na yun si Amber, sadyang inggit lang yun sayo" saad ni Phebe.

Napatitig lang ako sa mga mata nitong kulay asul at tumango sa kanya bilang pagsang-ayon.

"Don't worry , sanay na ako sa attitude nya ever since" saad ko naman

"I think hindi pa rin siya maka-move on na natalo mo sya as a class president, kase from what I know ever since nasa primary and middle school sya, laging sya ang class president at queen bee and I guess hindi nya matanggap na natalo mo sya of all people" mahabang pagpapaliwag ni Phebe

"Bakit kase?.... hindi ako mayaman like her and other students here"saad ko

"To be frank, Yes that's probably one of her reasons, but don't think this in a bad way, ina-idolized nga kita kase sobrang galing mo even hindi ka nagmula sa mga wealthy families like us" saad nya, pero hindi ako na-offend don, gustong gusto ko nga ang pagiging honest nya e

"That's a compliment right Phebe"saad ko naman at tumango lang sya

"By the way, okay na ba ang pakiramdam mo, napansin ko rin kahapon pagkapasok mo nakatulala ka na at sobrang lalim ng iniisip mo, I tried to talk to you, pero hindi mo ako pinapansin, tas dumating na nga si Prof. non pero tulala ka pa rin, and then tinawag ka nya pero hindi ka sumasagot kaya nilapitan ka nya at hindi ka pa rin sumasagot kaya sya nagalit" saad niya at napa-isip ako ulit, yun pala ang nangyari.

"And pwede ba kitang matanong kung anong iniisip mo kahapon para mawala ka sa sarili mong kamalayan" saad niya

"Well, kahit ako hindi ko alam kung bakit ako nagka-ganon" saad ko naman

"Ganoon ba, baka nga dahil lang yun sa masama ang pakiramdam mo"saad pa niya

Tumagal pa ang usapan namin at hindi namin napansin ang oras na malapit na palang matapos at for sure susunod na si Prof. Brown at as expected nandyan na nga si Prof. Brown kasunod si Amber.

"Ohmygosh! Nakalimutan ko mag-review, at ikaw din pala.. sorry nakipag-kwentuhan pa kase ako sayo"saad niya

"It's fine!" saad ko naman

Nagsibalikan na nga ang lahat sa mga upuan nila at si Amber naman, bago umupo tumingin muna sa akin at umirap, ang taray talaga.

"Okay student, magkakaroon tayo ng quiz ngayon, kaya humanda na kayo, I hope nakinig kayo at pinag-aralan ang mga discussion..............so now let's begin" mahabang pagsasalaysay ni Prof. sa aming klase.

Naging madali para sa akin ang naging quiz, since nag-review ako at nakikinig sa mga lessons ng professors namin, habang ang iba naman pansin ko kanina na kabado at ang iba nga ay nagawa pang mangopya sa mga katabi nila.

"Hay! Sa wakas natapos na din, ang exams at quizzes ay parang torture para sa akin, totoo nga ang kasabihan, school is hell" saad ng isa naming kaklase

"Kung nag-review ka sana at hindi puro chismis, edi sana may alam ka" banat pa ng isa naming kaklase

Nagtawanan naman ang boung kaklase at ang dalawa ay nagsisimula ng magkainitan.

"Pinaparinggan mo ba ako?"saad ulit niya

"Tinamaan ka ba?" Iskartastikong saad ulit ng isa naming kaklase.

"Tama na yan!" suway ko sa kanila, pero hindi nagpaawat ang mga ito at patuloy pa rin sila, wala na akong nagawa kundi ang tumayo ulit, at pumunta sa unahan, para lecturan sila isa-isa, makaraan ang ilang minuto nagsitigil din ang mga ito sa bangayan nila, since napaki-usapan ko ang dalawa na tumigil na or else dun sila sa detention maghaharap kasama ang Den.

Sa wakas natapos na rin ang morning session namin at makakapagpahinga na rin ako, ako na lang ang naiwan sa room ngayon since ang iba ay nasa cafeteria para kumain.

Napag-isipan ko munang magpag-isa dito sa room, at since hindi ako nagugutom hindi ko na kailangang makipag-siksikan pa sa cafeteria, napansin kong may pumasok sa aming silid kaya na-agaw nito ang aking atensyon, si Susannah lang pala isa sa mga kaklase ko, lumapit ito sa akin at may iniabot na liham sa akin.

"Pinapa-abot sayo ng isang babae sa labas, sabi nya wag ko daw sabihin ang pangalan nya, kaya alamin mo nalang kung kanino galing yan" saad niya at nagpaalam na dahil may pupuntahan pa daw sya, idinamay pa talaga ng babaeng iyon ang mga kaklase ko sa kalokohan nya.

Tiningnan ko ang liham at binuksan ito

To: My beloved and dear Isha

"Meet me sa rooftop ng building namin"

P/S: Lucy

Sinasabi ko na nga ba, galing na naman ito sa babaeng yun

Mizpah Where stories live. Discover now