CHAPTER 1

97 28 12
                                    

"Naniniwala ba kayo sa reincarnation o muling pagkabuhay, ngunit nasa ibang katawan, panahon at mundo na... Maraming mga pilosopo ang naniniwala na ang reincarnation ay totoo at ang iba naman ay nagpapatotoo dito sa pamamagitan ng pagsasabi nila na naalala daw nila ang dating buhay nila, ngunit kung ang bibliya naman ang pagbabasihan, there is no such thing as reincarnation."

"So student what is your opinion about this theory?
Anyone?
Oh! Ms. Miller, can you share your opinion with us?
Ms. Miller?
Ms. Miller are you with us?

"Daisha!" nabigla ako ng marinig ko ang malakas ng pagkakasabi ng aking pangalan, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ng aming professor, nakatitig din sa akin ang mga kaklase ko.

"P-po?!"

"Ms. Miller, napansin ko na hindi mo binibigyang atensyon ang aking klase, alam mo at lahat ng naririto na isa itong hindi magandang pag-uugali lalo na sa mga katulad mong philosophy student, papalampasin ko ito sa ngayon, dahil kanina ko pa pansin na parang hindi maganda ang iyong pakiramdam. Kung maari pumunta ka na muna sa clinic dahil pansin ko na rin ang iyong pamumutla, mas magandang magpahinga ka na muna" mahabang pagpapaliwag ng aming professor sa akin, walang imik naman akong lumabas ng silid at tumango lang sa kanya.

Wala masyadong tao ngayon sa hallway ng aming department, marahil dahil oras ngayon ng klase, umuulan pa rin ng nyebe kaya wala ring masyadong tao sa labas.

Malapit na ako sa clinic, habang papalapit ako may naaninag akong presensya ng kung ano at pinagmanasdan ako nito mula sa isang sulok. Lakas loob akong lumapit doon, hindi ako nakadama ng takot, kundi koryusedad ang nangibabaw sa akin.

Papalapit na sana ako ng may biglang humawak sa aking balikat, paglingon ko isang nurse ang bumungad sa akin, medyo may katandaan na rin ito.

"Hija? ayos ka lang ba, anong ginagawa mo dito sa isang sulok?"tanong nito sa akin.
Umiling lang ako sa kanya "Wala po, pinapunta po ako ng prof. dito, dahil po medyo po hindi maayos ang pakiramdam ko po"tugon ko sa nurse
"Ganoon ba, sige sumunod ka na sa akin sa loob at magpahinga ka muna doon, kukuha lang ako ng gamot"

Tumango na lang ako sa nurse at ipinagsawalang bahala ang napansin ko kanina.

Pinagpahinga ako ng nurse at binigyan ng gamot, may iilang mga students din dito sa clinic room, siguro dahil na rin sa lamig ng panahon kaya maraming nagkakasakit ngayon.

"Ikaw ang pumatay sa kanya! Kasalanan mo itong lahat!~"

Nagising ako sa pagkakahimbing ko, napanaginipan ko nanaman iyon, hindi iyon yong panaginip ko kagabi, ngunit isang alaala ko noong bata pa ako, bakit kaya nagsisibalikan ang mga alaalang matagal ko ng pilit kinakalimutan at maging ang mga alaalang hindi naman akin.

Tumayo ako sa pagkakahiga at lumapit sa may bintana, umuulan pa rin ng nyebe at makulimlim pa rin ang kalangitan, ang tag-lamig ay parang bangongot para sa akin, para akong sinasakal kapag dumarating ang panahon ng tag-lamig.

Napansin kong nasisilabasan na ang mga freshmen at sophomores sa mula aming department, mukhang uwian na, tatawagan ko sana ang roommate kong si Lucy para makisuyo na dalhin ang gamit ko dito, pero nakalimutan ko pala ang phone ko sa aking desk.

Buti na lang at nandyan na siya sa may pintuan at dala-dala ang mga gamit ko, lumapit ito sa akin at kinamusta ang pakiramdam ko.

"Susunduin sana kita kanina para yayain, kaso pagdating ko doon sabi ng isa mong kaklase, pinadala ka daw ng prof. mo kanina dito during class, kase masama daw pakiramdam mo...so tell me what happened?" saad niya, umiling lang ako, parang wala ako sa mood magsalita ngayon, narinig ko ang pagbuntong hininga niya "Okay! So you won't tell me, then I will guess it, is it because of what happened last night?"saad niya, tumango lang ako at ininanda na ang aking mga gamit, para umuwi. " Let's go" tanging naging tugon ko sa babae. Sumunod naman ito sa akin papalabas ng clinic.

Mula sa hallway rinig na rinig ang boses niya "Bakit ba, wala ka sa mood ngayon, aayain pa naman kitang pumunta doon sa bagong bukas na cafe, malapit dito sa university" hindi ko pinansin ang babae at nagpatuloy sa paglalakad.

"Daisha!" malakas nitong saad sa aking ngalan, ano ba yan ang dami pa namang tao sa hallway ngayon, tumakbo ito papalapit sa akin at hinawakan ako sa braso "Isha, sige na ngayon lang toh, pretty please." humarap ako sa kanya, na ngayon ay naka-puppy eyes na, napabuntong hininga nalang ako at napa-irap, may choice ba ako?

Sabay kaming lumabas ng building at pumunta muna sa sinasabi nyang bagong bukas na cafe, malapit sa university namin, maraming nakapila ngayon, mukhang matatagalan pa kami rito. Pina-upo ako ng babae sa isang bakanteng upuan at sya na ang umorder ng makakain.

Inaabot ng 15 minutes bago sya nakabalik, dala-dala ang inorder naming pagkain at inumin. Umorder sya ng dalawang chocolate cake at cappuccino , tumingin lang ako sa kanya, coffee lang naman inorder ko ah, tumingin din sya sa akin "Don't worry girl, treat ko yan, kase nagpadala na si dad ng allowance ko" saad niya, sabay labas ng credit card at kindat sa akin.

"Tsk! spoiled ka talaga ng father mo"
mahina kong saad "What!!! How could you say that to me, hindi ka pa nasanay sa bff mo, hashtag cute roommate" pabiro saad ni Lucy, tumawa na lang ako at nagpasalamat sa treat nya "Don't worry next time ako naman ulit"saad ko "Okie! I can't wait!" nagpa-pacute nyang saad sa akin.

Matapos naming maubos ang inorder namin, inaya nya akong pumunta sa mall, pero dumidilim na rin at mas kumakapal na ang nyebe, baka ma-traffic kami papa-uwi kaya sinuhestiyon kong sa weekend na lang kami pumunta sa mall at mas mabuting umuwi na lang.

Nang makauwi, nauna na akong pumunta sa bathroom, para maligo, sya naman dumiretso muna sa sala at kumain ulit habang nanonood ng TV.

Matapos kong maligo, kinuha ko ang blower at humarap sa salamin, habang nakatingin sa salamin, napapansin ko ang pag-iiba ng mukha ko, agad kong nabitawan ang hawak kong blower at nabigla sa aking nakita, kaya muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin, ngunit sa pagkakataong ito, mukha ko na ulit ang nasilayan ko.

Namalik-mata lang ba ako, habang paulit-ulit kong sinusuri ang aking sarili sa salamin, narinig ko ang malakas na pagtili ni Lucy mula sa labas, agad naman akong tumakbo palabas ng bathroom.

Pagkalabas ko ng pinto nakita ko syang nagtatatalon sa taas ng sofa.

"Lucy! What happened?" humarap siya sa akin at sumigaw na....

"He's back! Kuya Kale is back, naka-uwi na siya sa USA!"

Kasabay ng pagkakasambit niya sa ngalan ng taong iyon, umihip ang malamig na hangin at nagliparan ang mga papeles malapit sa bukas na bintana.

Ano ito?!

Mizpah Where stories live. Discover now