CHAPTER 17

9 4 4
                                    

"So? You are telling me, you almost got into an accident  and Rhyl save you?" Kinikilig nyang saad at tanong sa akin, saka napatili ng sobrang lakas.

"Yes........" saad ko at mas nagtitili siya.

"Ohmygosh! Based sa pagkakakwento mo para syang prince charming" saad nya at tumili " mas lalo akong nafa-fall sa kanya....ack!" dagdag nya pa.

"As expected.." saad ko at napa-ikot nalang ng mata "Don't worry Lucienne Yvonne, tanggap kita" saad ko ng mapang-asar at tinap ang balikat nya.

Napataas sya ng kilay at nagsalita "Teka! Anong pinapalabas mo rito ah" saad nya at pinagbabato ako ng maliit na unan sa tabi nya. Napahalakhak nalang ako at tumakbo papalayo sa bruha.

Gaganti din sana ako at pinulot ang unan malapit sa akin, pero biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Binalaan nya kami na wag maingay, dahil may mga nagpapahingang pasyente sa katabing kwarto. Wala naman kaming nagawa at sumunod nalang.

Pagkalabas ng nurse sa room, pinulot ko ang mga nagkalat na unan at inilagay sa sofa.

"By the way, binabalak ko itong sabihin sayo Isha noong nakaraan pa pero nakakalimutan ko lagi." saad nya at napatingin ako sa direksyon nya.

"About?" curious kong tanong sa kanya.

"Gusto ko sanang magbakasyon sa house namin sa country side after midterm and if you want to go with me. I would be thrilled to be with you there." saad nya at napangiti naman ako.

"Walang problema sa akin, masaya akong makasama ka after midterm" nakangiti kong saad at "Yay!" napatili siya, sabay yakap sa akin.

"Dalawang linggo nalang bago ang midterm" saad ko at napatigil sya sa pagtitili nya na parang bata. "Anong sabi ng school? Hindi pwedeng, hindi ka magtake ng midterm exam, malaking problema yun pag-nagkataon." saad ko at napa-isip lang sya, bago magsalita ngumiti lang sya sa akin " Marami pa'ng pagkakataon para bumawi at wag kang mag-alala, may pananagutan ang school kase limang student nila ang napahamak sa loob ng paaralan nila, kaya gagawa sila ng paraan para makahabol kami" saad nya at gumaan ang pakiramdam ko.

"Mabuti naman kung ganoon" Nasisiyahan kong saad. Napaka-positibo nya talaga sa buhay, sana ganyan din ako.

"Anong mukha yan Isha? Bakit nakatulala ka sa akin? Stop that baka mag-assume ako!" saad nya at napataas naman ako ng kilay "By the way, since nandito ka na, bisitahin natin si lola Dorothy, baka mag-isa lang sya ngayon" saad nya at naalala ko ulit yung nangyari kahapon. Yung mga tao sa vision ko, baka may alam si lola Dorothy, kailangan ko syang maka-usap ngayon.

"Sige!" maikli kong saad at inalalayan syang maka-upo sa wheelchair nya.

Matapos kong isara ang pinto ng kwarto, naghanda na akong itulak ang wheelchair ni Lucy, pero pinigilan ulit kami nung nurse kanina.

"Hindi pa po pwedeng lumabas ang pasyente sa room na iyan. Saan mo siya dadalhin?" mataray na saad nung nurse at nagsisimula na rin akong mainis sa kanya. Problema nito?

"May bibisitahin lang po" pilit at kalmado kong saad.

"Hindi nga po pwed-"

"Don't worry po, bibisitahin lang naman namin ang lola nya, na sobrang napalapit na rin ako" putol ni Lucy sa sinasabi ng mataray na nurse. Napataas nalang ako ng kilay sa sinabi nya. Teka ano daw? Lola ko? Napalapit sya? Kelan? Di pa nga sila nagkikita eh. Pasaway na Lucy.

Napatingin nalang ako sa mataray na nurse, na wala namang nagawa kundi ang mag-walk out nalang. Napaka-unprofessional naman ng nurse na yun. Nagpasawalang bahala nalang ako at sinarili ang mga sama ng loob ko.

Mizpah Where stories live. Discover now