CHAPTER 8

51 17 5
                                    

"And your answer?...."

"I'll think about it, if may reason ba ako para mag-stay dito, aside from you"

Napatingin sila sa akin, kaya nagsalita na ako dahil medyo naiinis na ako sa attitude nitong magkapatid na ito.

"Anong tinitingin-tingin nyo sa akin?" saad ko at tinaas ko pa ang isa kong kilay, para magtaray.

Napatawa lang si Lucy, habang ang kapatid nya ay naka-poker face pa rin.

"Didn't you hear what he said, he is going to stay here if he have a-"

"Ano namang connect ko don?" putol ko sa sinasabi nya, dahil ayokong marinig ang sunod na salita niya.

"-reason to stay....which is Y-O-U!" aba hindi pa nagpa-awat ang babae, pinagpatuloy pa talaga, at sinabi nya pa ng diretsahan kahit katabi lang namin ang kuya nya.

"Alam mo Lucienne! madalas talaga pasmado yang bibig mo" saad ko at mas napatawa pa sya ng malakas at nagsalita pa "Hey, Isha naman don't call me by that not name...ugh! so old fashioned."

Nakipagtalo pa kami sa isa't isa at ngayon naman dahil sa pangalan namin, habang ang kapatid nga naman ay nakatingin lang sa amin.

"Why don't we eat first, before you two fight again" napatigil naman kaming dalawa at nauna na syang kumain.

Kinuha ko na rin ang kutsara at nagsimula na ring kumain ng tahimik,   si Lucy naman panay pa rin ang kaka-daldal, kahit hina na sya pinapansin ng kapatid nya.




Papa-uwi na kami ngayon sa apartment namin at nakasakay kami sa taxi, katabi ko si Lucy sa passenger seat, habang ang kuya nya naman ay nasa front passenger seat, hindi pa rin talaga nawawalan ng kwento ang babaeng ito, kase magpahanggang sa ngayon sobrang daldal nya pa rin.

Wala akong maintindihan sa sinasabi nya kase, papalit-palit sya ng kina-kausap pati driver nadamay pa.

Napasandal nalang ako sa upuan ng sasakyan at napapikit ng kunti, hindi naman mao-offend si Lucy sa attitude ko kase ganito kami lagi... clingy sya at ako naman nonchalant lang.

"Nanaginip na naman ba ako? Nasaang dimension naman kaya ako ngayon napadpad, at bakit ba sobrang dilim dit-AHHHH....aray nasaan ako at anong lugar to?"

Dahan-dahan akong tumayo...napahawak ako sa isang puno malapit sa kung saan ako nahulog, gawa ng madulas ako kanina, mukhang nasa gubat ako ngayon at umuulan pa.

Ano naman kaya ang ginagawa ko ngayon dito, wala na ba talaga akong karapatang matulog ng mapayapa, yung tipong hindi nanaginip ng sobrang realistic na aakalain ko ng nagti-time travel ako tuwing pinipikit ko ang mata ko.

Sinubukan kong maglakad-lakad sa lugar na kinaroroonan ko ngayon, pero parang paikot-ikot lang ako, lumalakas na rin ang pagpatak ng ulan.

Narealize kong sobrang familiar ng lugar na ito saan ko nga ba ito nakita?....habang iniisip ko ng iniisip kung saan ko ito nakita, narinig ko ang boses ng isang lalaki, nagsisigaw ito at sinundan ko naman kung saan nanggagaling ang boses.

Sinundan ko lang ng sinundan ang boses nito, hanggang sa matagpuan ko na nga ang taong kanino pa nagsisigaw at mukhang may hinahanap nga siya. Tumakbo ako papalapit sa tao iyon at dahan-dahan naman itong humarap sa likod niya,  sa mismong kinaroroonan ko.

Nanghumarap ang taong iyon biglang lumabas ang bilugang buwan na kanina pa natatakpan ng mga ulap at natamaan ng liwanag ang mukha ng taong iyon.

Napahawak nalang ako sa aking bibig, dahil sa pagkabigla dahil ang taong iyon ay ang Papa ko...si papa anong ginagawa nya rito.

Impossible ito matagal ng patay si Papa ano ito. Nakahawak pa rin ako sa bibig ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Si Papa ko

Papa ko!...papa ko!

Tumakbo ako papalapit sa kanya, para yakapin sya.....wala akong pake-alam kong patay na sya o panaginip lang ito, ang gusto ko lang ay ang mahagkan syang muli.

Pero hindi ko magawang makalapit sa kanya kase kahit anong takbo ko ay hindi ako maka-alis sa kinaroroonan ko...ano ito!

Parang may humihila sa akin papalayo, napatingin ako sa likuran ko ng may humawak sa kamay ko at bumulong sa akin "Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang katotohanan bata!" rinig kong sambit nito. Hindi ko rin magawang makapagsalita o makapalag sa kung sino man at pagharap ko sa kinaroroonan ni papa wala na siya roon....narinig ko nalang ang paghalakhak ng isang munting tinig, kaya pumunta ako sa kinaroroonan ng tinig at laking gulat ko ng makita ko ang isang bata....ang batang ako, humalakhak siya ito na parang baliw habang nakatingin sa ibaba, dali-dali akong tumakbo sa tinitinginan niya at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Papa na walang buhay, dahil sa pagkahulog sa bangin.....Oh! Diyos ko!

Napasigaw ako ng sobrang lakas at napa-iyak.

Hindi ito totoo!.....

Naghahabol na ako ng hininga sa mga nasaksihan ko. Totoo nga ang sinasabi nila na ako ang kumitil sa buhay ng aking sarili kong ama.

Habang umiiyak ako at nakaluhod sa lupa, patuloy pa rin ang pagsisisi ko sa  sarili ko biglang may humawak sa balikat ko...pagharap ko ang batang ako ang nasumpungan ko, nagsalita ito, pero hindi ko maintindihan dahil parang ibang lenggwahe ang kanyang ibinibigkas.

Kumuha ito ng isang bagay at inihampas sa mukha ko, dahilan para tuluyang dumilim ang paningin ko.

Paggising ko nasa ibang lugar na ako at tumatama sa mata ko ang liwanag mula sa liwanag ng ilaw.....nakakasilaw.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking hinihigaan at pumunta ako papalapit sa pinto para lumabas...mukhang nasa hospital ako ngayon.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero naunahan na ako ng kung sino, bumungad sa akin ang kapatid ni Lucy, nakasuot din sya ng damit pang-hospital.

"Anong nangyari sa atin? Bakit tayo nasa hospital? At nasaan si Lucy?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Nasa kabilang kwarto nagpapahinga ang si Lucy, sumunod ka sa akin at ipapaliwanag ko ang nangyari." saad nya at sumunod naman ako sa kanya.

Pumunta kami sa isang room, kung saan nakita kong mahimbing na natutulog ang kaibigan kong si Lucy, may mga bandage ang kamay nya, kaya lumapit ako sa kanya, napatingin naman ako sa kapatid nya.

Nagpaalam muna sya saglit na lalabas, ako naman binabantayan ko lang si Lucy na ngayon ay nahihimbing pa rin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago nakabalik ang kapatid niya, ng bumukas ang pinto sinenyasan nya akong lumabas, agad naman akong tumayo sa kina-uupuan ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, pinaupo nya ako at iniabot sa akin ang isang baso ng inumin, ilang minuto rin ang ginugul namin bago sya magsalita.

"Kung wala kang maalala sa nangyari, 2 days ago nasa taxi tayo ng magka-aksidente, dahil sa humaharorot na sasakyan kung saan nakabanggaan ng sinasakyan natin" nabigla ako sa sinabi nya at napatigil sa pag-inom.

"Ang alam ko tulog ka ng mga oras na yun, kaya wala ka talagang maalala, minor injuries lang naman ang nakuha namin nung driver, pero kayong dalawa ni Lucy na nasa backseat, mas malala ang injury nyo kase hindi kayo naka-seatbelt, nakuha  ni Lucy ang mga sugat nya, dahil sa iniharang nya ang sarili nya para maprotektahan ka, pero ang nasa kaliwang pisngi mo ay nasugatan pa rin, kaya may bandage ka diyan." Napahawak naman ako sa kaliwang bahagi ng pisngi ko at may sugat nga, at naalala ko rin ang nangyari sa panaginip ko, hinampas rin ako sa kanang pisngi ko ng batang ako sa aking panaginip.

Ibinaba ko ang hawak kong inumin at tumakbo papasok ng kwarto ni Lucy, hinawakan ko ang kamay nya at napaiyak....kasalanan ko kung bakit sila naaksidente kasama ko, totoo nga sinasabi ni Tito na kamalasan lang ang dulot ko sa mga taong nilalapitan ko.

"Pa-patawad Lucy, kasalanan ko ito."

Mizpah Where stories live. Discover now