CHAPTER 4

51 22 8
                                    

Nandito ako ngayon sa building ng medical students at hinihintay ang babae na dumating.

Grabe nagawa pa akong paghintayin dito, ang lamig-lamig kaya dito...seryoso ba talaga sya, balak ko na sanang umalis pero nakasalubong ko sya pababa ng hagdan, kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kinaroroonan ko kanina.

"I'm glad dumating ka Isha!" saad ng babae

"Yes...di ba nagpadala ka ng liham sa akin at sabi mo pumunta ako rito." saad ko naman pero hindi ako nakaharap sa kanya kundi sa baba ng building kung saan tanaw na tanaw mo ang boung university.

"So...what do you want to say?" diretso kong tanong sa kanya, hindi naman sya nagpaligoy-ligoy pa at sumagot din ka agad.

"Well for what happened last night, I know I am the one to be blamed, kase mali naman talaga ang ginawa ko, so I want to apologize to you and I hope you'll forgive me" saad ng babae na ngayon ay nakayuko na sa harap ko.

"Please Lucy! Hindi mo kailangang yumuko sa akin ng ganyan kaya please ayusin mo na tindig mo" saad ko sa kanya

"Well....hangga't hindi mo sinasabing pinapatawad mo na ako, hindi-"

"Okay! Pinapatawad na kita" hindi na nga nya natapos ang sinasabi nya, dahil nagsalita na ako at nanlaki ang mata nya sabag yumakap sa akin.

"Thank you! Thank you my beloved Isha! I'm very sorry talaga sa nagawa ko, I promise hindi na ma-uulit" saad niya sa napaka-sayang tono

She is so much a childlike, so innocent yet very bold.

Nakapagpatawaran na kami at bumalik sa normal at napag-kwentuhan din namin yung niluto nyang sunog na hotdog at itlog, and unexpectedly expected nagkaroon na naman kami ng argument, pero masaya ako pagganito lang kami.

"Kinain mo ba niluto ko kanina?"
"Hindi ka marunong magluto"
"What?!"
"Sinong kakain non, eh kamag-anak na siguro non yung uling sa chime natin"
"Grabe ka naman, pinaghirapan ko yun"
"Alam mo kahit langgam, hindi yun kakainin"
"Ang sama mo, bullying ka isusumbong kita kay kuya, pagdating nya dito"
"Kailan nga ulit ang punta dito ng kuya mo?"
"Ah! Si Kuya Kale ba, sabi nya baka bukas daw"
"Ganoon ba...so paano mo aayusin kalokohang ginawa mo for sure kilalang-kilala na ako ng kuya mo"
"What?!"
"What..what ka dyan, ayusin mo ginawa mong kalukuhan, tsaka malapit na mag-time kaya aalis na ako"
"Bye"
"Ayusin mo yun, kung hindi kakalbuhin ko yang maganda mong buhok"
"What?!....no way...."

Nauna na akong bumaba, sabi nya ihahatid nya na daw ako, pero tumanggi na ako, kase alam ko male-late na din sya, since medical student sya at ang haba nga ng naging kwentuhan naming dalawa, since nasa building ako ng medical students, medyo malayo pa ang lalakarin ko nito papunta sa building namin. Kaya for sure male-late na ako.

Habang naglalakad ako pabalik sa building namin, na mula sa kinaroroonan ko ngayon ay matatanaw na, napatingala ako sandali sa pinaka-mataas na parte ng building, kung nasaan ang room namin, wala na ngang mga tao doon...gosh! late na talaga ako.

Napatingala ulit ako doon, ngunit sa pagkakataong ito naagaw ang aking atensyon ng isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng white dress, nakaramdam ako ng pangingilabot dahil nakatingin ito sa kinaroroonan ko ngayon.

Kasabay non ang pag-ihip ng malakas na hangin at nagsisayawan na nga ang mga halaman at puno sa paligid ko, maging ang aking nakalugay na buhok, kaya naman nawala saglit ang paningin ko sa itaas, inayos ko ang buhok ko at muli tumingala sa building namin, ngunit pagtingala ko wala na ang babae sa itaas at hindi ko na iyon nasulyapan pa.

Nasaan na yun...

Dali-dali akong tumakbo papunta sa building namin, nagbabakasakaling makita ko muli ang babae kanina, nasa ika-apat na palapag ang room namin, kaya medyo natagalan ako makapunta sa taas, hindi muna ako tumuloy sa room namin at tumakbo sa direksyon nakinaroroonan ng babaeng nakita ko kanina.

Ngunit wala akong napala, walang katao-tao doon...sino ba kase ang taong yun at bakit sya nakatingin sa akin kanina, maging ang kasuotan nya ay hindi akma sa kasuotan ng mga estudyante ng universidad na ito, hindi din naman pwedeng isa iyon sa mga guro namin, kase halos puro matatanda na ang guro namin dito.

Nawe-weirduhan at kinikilabutan talaga ako pati ba naman sa paaralan, naalala ko tuloy yung nangyari din malapit sa clinic room, may napansin din ako doon na parang sinusundan at pinagmamasdan ako.

Aalis na sana ako para bumalik sa room, pero may biglang kumalabit sa likod ko, ngunit pag-harap ko wala namang tao roon at wala din naman pwedeng takbuhan paalis yung kumalabit sa likod ko kase nasa close area ako ngayon, maliban nalang kung nagtago ito sa bahaging iyon kung saan kasya ang tao, nagsimula na akong kilabutan ulit sa mga nangyayari, ngunit lakas loob akong humakbang papalapit doon sa sulok, dama ko na ang pagpatak ng pawis ko habang mas papalapit ako....ngunit pagtingin ko wala namang tao o kahit anong nandoon, napabuntong hininga nalang ako at mas lalo pang napa-isip.

Napatulala lang ako doon ng bigla nalang may kumalabit ulit sa likod ko, at sa pagkakataong ito sobrang bilis na ang bawat pagtibok ng puso ko, at dahan-dahan kong iniharap ang ulo ko sa likurang bahagi ko. Laking gulat ko si Lucy lang pala, agad akong napayakap sa kanya at nabigla naman ito.

"Isha anong nangyayari sayo, okay ka lang ba? at bakit nandidito ka, diba may kaklase kayo?" sunod-sunod niyang tanong

Nakatulala pa rin ako at kinakalma na ako ni Lucy, inaya nya akong umupo muna doon sa bakanteng upuan at nong kumalma na ako ako ikwenento ko sa kanya ang lahat nangyari tungkol doon sa babae na nakatingin sa akin kanina, at yung kumalabit sa akin ngayon-ngayon lang, maging yung incident doon sa clinic.

Mizpah Where stories live. Discover now