CHAPTER 2

75 27 13
                                    

"He's back!

"Kuya Kale is back, naka-uwi na siya sa USA!"saad nya, habang lumulundag pa rin sa couch.

"Who?"pagtatanong ko

"Si kuya, my big brother, have you already forgotten, I told you a lot about him, lola ka na talaga Isha" saad niya

May kuya ba sya, wala naman syang nabanggit sa akin o nalimutan ko lang talaga

"Huh! Bakit nagliparan yung mga papers, binuksan mo ba yung windows, Isha?" pagtatanong niya, ng mapansin din niya na nagliliparan ang mga papeles sa lamesa, malapit sa may bintana kanina.

"Nope! Dumiretso agad ako sa bathroom kanina, akala ko nga ikaw ang nagbukas eh" pabalik ko namang tanong sa kanya.

"Huh! hindi ako kase, dumiretso na ako dito sa living room para manood ng television, kaya nope! not me"saad pa nito.

"So...sino?"sabay naming sambit.

"Haynaku! Tinatakot lang natin sarili natin,baka kanina nalimutan ng isa sa atin na iclose yang window"saad nito habang pinupulot yung ibang nagliliparang mga papers.

But ang weird kase naalala ko ako nagsara nitong mga window kanina, tska pag-uwi namin kanina, nakita ko naka-sara ito. And mostly mas na we-weirduhan ako kase after sabihin ni Lucy kanina name ng Kuya nya, biglang nag-iba ihip ng hangin, ang weird talaga-

"Anyway, sa makalawa daw bibisita dito si Kuya, kaya I'm really happy, kilala ka na non ni kuya, kase pag nag-uusap kami, lagi kitang ikinikwento." saad niya at napaka-aliwalas ng mukha nya habang nagbibitaw ng mga salita, kaya nabaling ang atensyon ko sa sinabi nya at kumunot na nga ang noo ko at nagtaasan ang kilay ko.

"WHAT!"bigla kong sambit

"Bakit biglang-bigla ka?"tanong pa nito, habang unti-unti ko ng nasisilayan ang mapang-asar nyang ngiti sa mapula niyang labi.

"What di you say again?"

"That I told him a lot about you and alam mo ba sabi nya cu-"saad nito

"Why did you do that, so kilala ako ng kuya mo?" saad ko habang unti-unti ng tumataas ang boses ko at hindi na rin natapos ang sinasabi nya, nakatingin lang ako sa kanya ngayon.

"Eh si Kuya lang naman yun" saad pa niya.

"Kahit na! For me he is a complete stranger pa rin, kaya...-"

"Sabi nya cute ka daw"saad niya at napatigil naman ako sa pagsasalita ko.

"What! So nakita nya na ako?" saad ko pa sa babae at grabe na talaga ang pamumula ng mukha ko.

"Yes!" saad nito at tumango

"But how!!!"saad ko naman

"Hello! nasa modern world na po tayo Lola, nage-exist po ang salitang picture!" pabalik nitong saad at mas lalo akong inaasar nito.

"Hello din! Isip-bata modern world na tayo tas di ka pa rin natuto mag-ask muna if okay para sa akin na ipakita mo mukha ko, kahit kanino-kanino lang"saad ko at naiinis na rin ako dahil sa kalukuhan ng babae.

"Hey! Hindi naman kung sino-sino lang siya eh, Kuya ko yun" saad pa nito.

"You know what Lucy, masama talaga ang ginawa mo, dahil sa lahat ng kakilala ko dito ikaw lang ang nakaka-alam ng mga ayaw at gusto and above all alam mo na ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay pinapaki-alaman ang privacy ko, lalo na sa hindi ko kilala." mahaba kong pagsasalaysay sa babae

"You know what, you're invading my privacy and I hate it" saad ko at tumalikod pa-alis.

Hindi ko na rin narinig pa siyang nagsalita, alam nya naman kaseng ayaw ko sa lahat ay ang publicity, wala nga akong social media's and also pictures sa gallery.

Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko, pumunta na lang ako sa study table ko at kinuha yung mga libro at pinag-aralan yung mga lessons kanina, napansin ko ang topic pala namin kanina is about life after death, and na-involved don ang mga theory about reincarnation ng mga philosophers.

Ayon sa libro maraming mga philosopher ang naniwala sa theory na ito at marami rin ang hindi. Si Pythagoras ay isang philosopher, na naniniwala sa afterlife and reincarnation ayun sa kanya, pagkatapos mamatay ng tao ang kanyang kaluluwa ay muling nabubuhay at nare-reincarnate sa ibang may buhay, maaaring tao ulit, hayop, halaman or any living things.

Ang mga Early-Pythagoreans naman ay naniniwala din na pagkatapos mamatay ng katawan, ang kaluluwa natin ay either mapaparusahan o mabibiyayaan. Ngunit ang reincarnation sa ating mundo ay masasabing isang parusa.

On the other hand, meron din namang philosopher ang hindi sang-ayon tulad nila Aristolte. Ayon kay Aristolte kanyang iginigiit ang theory na ito at hindi pinaniniwalaan.

So...kapag na-reincarnate ang isang soul, it means ba non pinaparusahan sila ng kung sinong may-gawa like God.

Huh! Nonsense sino naman ang makakapagpatunay na totoo ang reincanation, kung totoo ang reincarnation sana hindi nagbabago ang bilang ng tao sa mundo, since mamatay ang katawan nila at mabubuhay ulit sila sa ibang katawan.

Tumayo na ako ng study table at bumalik sa kama ko, bakit ko ba kase naisip kunin ang course na ito, hindi ko na maalala kung bakit.

Na-punish din siguro ako kaya ganito kasama ang araw ko

First napagalitan ng prof, then maghapon sa clinic, and then nakipag-sagutan sa roommate ko at ngayon masama na loob namin sa isa't isa, and ngayon naman pati ba naman ang nonsense na topic na yan!

May isasama pa ba ang araw na ito

Ahhhhh! Bakit ba sobrang malas ko sa buhay. Napasabunot na lang ako sa ulo ko at hindi ko na malayan at nakatulog na pala ako.

.....

Napanaginipan ko na naman ang mga taong laging nasa panaginip ko. Kailan ba ako makakatulog o makakapanaginip man lang ng normal, kase kung hindi yung mga taong yun ang nasa panaginip ko, tragic past ko na naman ang pinapanaginipan ko. Kainis talaga

Narinig kong tumunog ang alarm sa tabi ng kama ko, nabalik naman ako sa realidad....Oh! Great dream or I guess nightmare, nauunahan ko na ngayon ang alarm ko sa pag-gising dahil sa mga panaginip na yan!

Lumabas ako ng kwarto ko at napansin ko na walang ingay ng tao ngayon dito sa apartment namin, mukhang nauna ng umalis yung babae.

Dumeretso na lang ako sa cr, para maligo at pagkatapos pinatuyo ko naman ang buhok ko gamit ang blower, naalala ko bigla yung nakita ko kagabi dito sa salamin habang nagbo-blower din ako, kaya pinagmasdan ko ulit mukha ko, pero mukhang namalik-mata lang talaga ako, ipinagwalang bahala ko na lang ulit yun, since malapit ng mag 6 am, di dapat ako malate.

Agad akong nagbihis at dumeretso sa kitchen para kumuha ng sandwich at napansin ko nga na may iniwan na pagkain ang babae at may letter doon.

To: My beloved Isha

I'm sorry for what I've done, I hope you'll forgive me, I know that you are very sensitive especially if personal information mo na, and here's your breakfast ako nagluto nyan, I hope magustuhan mo, pinaghirapan ko yan- tiningnan ko saglit yung nakatakip na pagkain...at ano toh! sunog na hotdog at itlog -and also may kasalanan ka din, pina-iral mo pride mo, alam mong ayaw ko sa lahat inaaway mo ako.

P/s Lucy。⁠◕⁠‿⁠◕⁠。

Aba! sinisi pa ako, so...ano kwits kami, sya nga ang mapride sa aming dalawa tas ang yabang pa, hotdog at itlog na nga lang sunog pa, dinaig pa uling eh.

Mizpah Where stories live. Discover now