CHAPTER 20

8 2 6
                                    

"Pumunta ba si kuya sa apartment natin kagabi?" tanong sa akin ni Lucy, habang kinakain ang mga dala kong prutas.

"Yes. He did." Maikli kong tugon sa katanungan niya at nagpatuloy na ako sa ginagawa kong pagsusulat.

"Alam mo. Something is off between you too. Did something happen?" Nagtataka nyang saad, kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Bago ko ulit sinagot ang isa nya pang katanungan.

"Anyway, bakit parang abala ka ngayong araw. Para saan ba iyang isinisulat mo?" pagtatanong nya at buti naman naiwasan ko yung unang tanong niya.

"Portfolio lang ito, pinapatingnan ni Prof." saad ko at napatango naman siya

"Favourite ka talaga ng Professor nyo." komento nya at nagtaray pa.

"For your information, nasa student council ako. Kaya it's my job naman." pataray ko ring tugon sa kanya.

"Wala akong naririnig." saad ng nag-iisip bata na naman, habang tinatakpan ang tenga.

"Isip-bata ka na naman, porket tama yung sinabi ko." pang-aasar ko pa.

"Kelan ka ba nagkamali?" saad nya pa at inirapan ko nalang ang babae.

"Mag-aalasais na pala, kailangan ko ng umalis" saad ko habang nakatingin ng oras sa phone ko.

"Nagmamadali ka ba? Kung hindi naman, kahit hintayin mo nalang si kuya para maihatid ka, pa-uwi sa apartment natin." suhestiyon niya, pero tumanggi ako. Kung alam mo lang na si Kale ang dahilan kung bakit ako nagmamadaling maka-alis.

Sa ibang direksyon ako dumaan papalabas, para masigurado kong hindi kami magkikita ni Kale. Mukhang success naman kase nandito na ako sa first floor. Lalabas na sana ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Humarap ako sa direksyon ng pinagmulan ng tawag at hindi ko inaasahan ang taong iyon.

S-si Skye? at.....Rhyl? Teka anong ginagawa nila dito.

"Skye?"

"Yes, it me!" natatawa nyang saad, kaya nakitawa din ako.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila at ngumiti naman siya bago magsalita.

"I developed skin allergy. So, I consulted with a doctor who recommended I go to the hospital after school for them to monitor my condition and to determine if the allergy is caused by food or something else." mahabang pagpapaliwanag niya at kinimusta ko naman ang kalagayan nya.

"Wala namang ibang effect sa health mo, aside from skin allergy?"

"Wala naman, nandito lang naman ako kase ayokong masira ang porcelain kong skin." saad nya at tumawa pa ng mag-isa. Nang mapansin niyang hindi kami tumawa, tumigil na rin siya at iniba ang usapan.

"Anyway, bakit ka pala nandito Daisha?" tanong niya sa akin na parang walang nangyaring awkwardness sa pagitan naming tatlo.

"Binibisita ko lang ang kaibigan." tugon ko sa kanya.

"Oh! I know her!" napatigil siya at nag-isip sandali "Lucy! Lucy, right?"

"Pano mo nalaman ang pangalan nya?"

"Narinig ko ang pangalang nya nung sinabi nung male friend mo, habang ibinabalita nya sayo, yung incident." Pagpapaliwanag niya at mukhang si Kian ang tinutukoy niyang male friend ko.

"Okay na ba siya ngayon?" pagtatanong niya at napatingin ulit ako sa kanya.

"Ah...yes! Kailangan nya lang magpahinga pa ng ilang araw, bago sya payagang lumabas ulit."

"Good for her." saad nya at napangiti naman ako bilang pagtugon.

"Bukas, nandito ulit ako. I mean kami ni Rhyl, if okay sa inyo. We could go see and visit her. She seems like a really close friend of yours. So, I want to meet her at least." saad niya at mas napangiti naman ako.

"Talaga! Siguradong matutuwa si Lucy pagnalaman nyang bibisitahin nyo sya." masaya kong saad at sa isip ko naman na-iimagine ko na ang magiging reaksyon ni Lucy, pagnakita nya ang dalawang ito. Lalong-lalo na itong si Rhyl.





After nga ng encounter namin nila Skye sa hospital. Nagkasundo kaming isurpresa si Lucy at tulad nga ng inaasahan ko ng sumunod na araw. Hindi makapaniwala si Lucy ng makita nya ang dalawa, lalong lalo na si Rhyl.

Naging close agad ang dalawang babae at kaming dalawa naman ni Rhyl nandito lang sa gilid. Naisipan kong kamustahin kung ano na ang development nung mga reviewers na ibinigay ko sa kanya at masaya akong naiindihan nya naman kaagad. Halata naman kase sa ugali nya na may pagka-genius sya.

Hindi rin nagtagal at nag-umpisa na kaming maging casual sa isa't isa pero ang topic pa rin ay iyong sa school.

Narinig ko din siyang tumawa ng mahina at napakalalim ng boses nya. Napansin kong nakatingin sa amin si Lucy at nakakunot ang noo niya, habang si Skye naman kwento pa rin ng kwento.

Mukhang may nagse-selos. Tumingin ako kay Lucy at ngumiti ng mapang-asar, kaya mas lalong napakunot ang noo niya.

Nakakatuwa talaga syang asarin.




Kanina pa nga umalis sila Skye at Rhyl. Kaya kami nalang ni Lucy ang nandito sa room. Ang bigat ng pakiramdam ko, parang kinakarma ata ako sa pang-aasar ko kanina kay Lucy.

"Isha!"

"Hmm...?"

"Ano yong kanina?" saad nya at alam ko na ang tinutukoy nya, kaya nagmaang-maangan pa ako.

"Yung alin?" pinanliitan nya ako ng mata at nagsalita

"Umamin ka nga! Do you like him noh?" saad nya pa. "Sabagay, hindi naman iyon imposible kase nga sobrang charismatic nya.....ehhhh hindi pa rin iyon pwede! Nandyan naman si Kuya eh!" dagdag nya pa, kaya medyo nainis ako sa sinabi nya. Bakit ba pinipilit nya ako kay Kale.

Nagpatuloy lang sya sa pagsasalita. Hindi ko nalang sya binibigyan ng pansin at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.

Hindi ko nalang namalayan na kina-usap ko na pala sya kalaunan, dahil sa sinabing nyang nagpa-intriga sa akin.

"Ano ulit yung sinabi mo?" saad ko at napatingin siya sa akin.

"Nakikinig ka pala!" saad nya pa, bago ako sagutin ng maayos.

"Ano nga kase iyong sinabi mo kanina. About kila Skye at Rhyl?" pag-uulit ko pa

"Napagdesisyonan kong ayain silang magbakasyon kasama natin after ng midterm exam sa bahay namin sa country side." saad nya at napakunot ako ng noo.

"Seryoso ka? Kakilala nyo palang ah? Nakumbense mo ba talaga?" saad ko sa kanya ng sobrang nagtataka.

"Hindi pa!" maikli nyang saad, kaya napataas ako ng kilay.

"Hindi pa pala eh. So, bakit-"

"Kaya nga kailangan ko ng tulong mo eh." saad nya at napakunot ulit ako ng noo.

"Woah! Woah! Wag ako, Lucy! May social media naman, kausapin mo nalang sya doon o kaya naman pagbumalik sya dito!" saad ko at lumayo sa kanya.

"Pero nahihiya ako-"

"So, anong akala mo sa akin? Walang hiya o hindi nahihiya?" saad ko pa, pero ayaw patalo ng babae.

"Ito naman, parang hindi tayo magkaibigan ah....di mo na ako love." saad nya at nagsimula na namang mag-inarte.

Bago pa sya makapagsalita pumunta na ako sa may pinto at dali-daling nagpaalam "Bye, Lucy! Magre-review pa ako para sa midterm exam. Bye, love yah!" saad ko at dali-daling sinara ang pinto. Pakiramdam ko napa-cringe ko na talaga nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ako ganito dati ah

Mizpah Where stories live. Discover now