CHAPTER 11

24 10 5
                                    

Monday na ngayon kaya on the way na ako sa classroom namin. Napa-isip ako kung sino ang transfer student na yun. Pero I consider myself lucky pa naman kase mukhang hindi naman si Kale ang taong yun. Kahapon kase lumipad na pabalik ng Canada ang kapatid ni Lucy, dahil nga daw may aasikasohin siyang mga papeles doon.

Mukhang napa-aga ako ng dating kase wala pa rin masyadong tao sa hallway, maging sa mga classrooms. Sabagay ugali dapat ito ng mga nasa student councils.

Pagdating ko sa classroom naabutan kong nagkaupo at nagbabasa ang isa sa mga kaklase kong si Astrid. Narinig nya ang pagbukas ng pinto kaya napatingin siya sa direksyon ko.

"Ikaw pala yan Daisha. Good morning!"
pagbati niya sa akin.

"Good morning Astrid! Napaaga ka ngayon ah!" saad ko at binitawan nya ang hawak nyang libro para lumapit sa akin.

"Aba! Oo naman, hindi lang ikaw ang maagang gumising pati na ako, maswerte lang ako kase naunahan kita ngayon. I'm so proud of myself na!" pagmamayabang nya pa, habang pinupuri ang sarili. Napatawa nalang ako sa kalokohan nya.

"By the way, alam mo na ba?" pagtatanong pa niya sa akin

"Ang alin?" naging tugon ko habang abalang inaayos ang gamit sa desk ko.

"May transfer student daw sa section natin! Ack nacu-curious na ako!" saad nya habang parang batang nagkukwento.

"Ah! Oo alam ko na last friday pa!" saad ko naman kaya napataas sya ng kilay.

"Teka nga Daisha pano mo nalaman eh hindi ka nga nagse-seen sa group chat?" pagtatanong nya habang nakapamewang.

"Sabi sa akin ni Prof!" saad ko pa

"Wut????....si prof. mismo ay grabe may favouritism talaga si Prof. sa mga student nya!" saad nya at naka-cross hand na sya ngayon.

"Nakalimutan mo na ba ako ang class president and also student council, kaya ipapaalam nya sa akin kase ako ang expected ni Prof. na aasikaso doon sa transfer student." pagpapaliwanag ko sa nagtataray na babae.

"Ah....oo nga pala Ms. Class president!" saad nya habang may pahand gesture pa. Tinawanan ko nalang siya at napatanong ulit siya "Teka so....kilala mo na yung transfer student?"

"Hindi!" tipid kong saad

"Huh! Panong hindi akala ko ba favourite ka ni Prof." pang-aasar nya pa.

"Hahaha!" tinawanan ko nalang siya para asarin din.

"Hey! Bakit kayong dalawa tumatawa dyan!" rinig naming saad ng kung sino kaya napatingin kami.

"Hey Ivy! I miss you so much!" saad ni Astrid saka napatakbo papalapit at akmang yayakap kay Ivy, pero nakatakbo ito papalayo. Kaya naghabulan ang dalawa sa loob ng room.

"Hey Astrid. Are you crazy bat mo naman ako aabahan ng yakap. Mukha ba tayong close?" pag-aasar ni Ivy kay Astrid na ngayon ay naka pout na ng lips, at mukhang nagtatampo.

"Grabe ka! After all this years na friendship natin kakalimutan mo nalang ako. Ayoko na sayo!" saad ni Astrid at napa walk out ng classroom.

"Aba! Ikaw pa may lakas ng loob na magalit pagkatapos nyo akong pagkaisahan......sige umalis ka! Wag ka ng humingi ng tawad di din naman kita papatawarin!" bweltang saad naman ni Ivy sa babaeng natakbo papalabas.

"Teka nag-aaway ba kayo ni Astrid?" pagtatanong ko kay Ivy, pagkalabas ni Astrid sa room.

"Ikaw pala yan Daisha. Good morning!" pagbati nya bago ikwento ang nangyari sa kanilang dalawa.

Mizpah Where stories live. Discover now