Hei-En's POV
"Nay, Fel. Alis na po ako." Paalam ko kay Nanay Fel na nasa salas at naglilinis ng mga gamit namin.
Ganyan ang lagi niyang ginagawa, gigising nang maaga tsaka maglilinis kahit hindi pa kumakain. Masinop kase siya sa mga gamit at ayaw ng marumi.
Alas Singko palang ay nagising na ako tsaka nagsimulang magbihis para sa pagpasok ko sa University namin. Alas sais ang pasok namin pero gusto kong pumasok ngayon ng maaga.
Dumiretso muna ako sa lamesa namin tsaka kumuha ng tinapay at agad itong isinakmal sa aking bunganga.
"Ay, aba'y kumain ka muna bago ka pumasok." Sabi niya sa'kin tsaka ito tumingin sa wall clock namin bago ulit ibinaling ang tingin sa akin.
"5:30am palang naman, oh. Sobrang aga pa para pumasok." Dagdag nito sa kanyang sinabi bago niya ako lapitan.
"Huwag na po, Nay. Sa school nalang ako kakain." Sagot ko naman dito na ikinasama ng templa ng kanyang mukha.
Dumiretso siya sa kusina namin at nakasunod lang naman ako ng tingin dito. Nagtataka. Galit ba siya sa akin dahil ayaw kong kumain?
Iniwaglit ko nalang ang isipin sa aking utak tsaka ako nagpatuloy sa pagnguya ng tinapay na ngayon ay nakatakmal pa rin sa aking bunganga. Nang maubos ko ito ay kumuha ulit ako ng isa.
"Oh, edi kung ayaw mong kumain, dalhin mo nalang ang mga ito para kainin mo doon sa paaralan ninyo. Dagdag sa baon mo." Tapatingin ako kay nanay Fel at ganoon na lamang ang pagkalaglag ng aking panga kasabay nang panlalaki ng aking mga mata.
Ang daming mga pagkain. Mauubos ko ba ang lahat ng iyan? Parang pang isang linggong grocery na iyan, eh.
Nakahawak lang naman siya ng isang plastic bag na may laman na mga tinapay sa loob, dalawang juice na nakabottle at mga kung ano ano pang pagkain.
Dali dali kong nginuya ang tinapay na kinakain ko tsaka ko ito madalian din na linunok.
"Nay naman. Sobrang dami naman niyan. Hindi ko yan kayang ubusin." Pagmamaktol ko dito.
Lumapit siya sa aking kinaroroonan tsaka niya inilapag ang plastic bag sa lamesa namin. Namewang pa siya sa harapan ko.
"Edi kumain ka dito kung ayaw mo yan dahil lahat. Hala, sige! At ipaghahanda kita ng makakain ng pang-umagahan." Napatanga ulit ako.
Wala akong choice kundi ang maupo nalang sa upuan namin tsaka bagot na hinintay ang mga pagkain na ihahain niya.
Matapos niyang maihain lahat ng mga ito sa hapagkainan ay sakto namang dumating si Tatay Inu. Tumayo ako para magmano dito.
Tahimik kaming kumain na tatlo habang paminsan minsan ay nag-uusap ng mga bagay na hindi naman gaanong importante.
AZRAEL UNIVERSITY.
6:04 na. Tahimik lang akong nakaupo sa armchair ko habang hinihintay ang propesor namin para sa unang subject namin.
Maingay ang paligid. Ang mga kaklase kong maligalig ay may kanya-kanyang mga pinagkakaabalahan habang wala pa ang propesor namin.
Ang ibang mga babae ay kasalukuyan na naglalagay ng makeup sa kanilang mukha, ang ibang magkakasamang mga babae naman ay bahagyang nagti-tsismisan habang ang iba ay humahagikgik pa na parang may nilalait na isang tao, at shempre, hindi mawawala ang mga kaklase naming lalake na kasalukuyang nasa isang sulok at naglalaro ng mobile games sa kanilang mga cellphone.
Napatingin ako sa katabi kong upuan. Wala pa siya. Kahapon wala na naman. Papasok kaya siya ngayon? Bakit madalas na siyang lumiban sa klase? Anong problema niya? May problema kaya siya?
YOU ARE READING
School Of Murders [✓]
Mystery / ThrillerAzrael University, a known institution where students from wealthy families can only enter. However, little did they know this school is full of hidden secrets. So you better leave, or else, you could be the next target. There's so many questions t...