Chapter 30

205 34 1
                                    

Crixtal's POV

"Yes, I am. People made me change. They made me to became a devil! A devil that will hunt them until death..."

Pigil hininga lang ako habang hindi makatingin nang deretso sa kanyang mga mata. Natatakot akong tumingin sa kanya dahil sa kakaiba nitong ekspresyon na nakapaskil sa kanyang mukha.

Kahit takot na takot na ako at anytime ay hindi alam kung mamamatay na ba ako o babarilin niya ako sa mukha, nanatili pa rin ako sa harapan ni HeyN. Maybe i'm willing to sacrifice my life just for her.

"Tigil mo na ito, please. You're just hurting us. Huwag mo namang itapon ang mga pinagsamahan natin. We are almost siblings. Ang turingan natin ay parang magkakapatid na dahil sa tagal nating magkakasama, but why are you doing this to us?"

I tried to convince him, hoping na sana pakinggan niya ako. Pero mas humigpit lang ang kapit niya sa kanyang baril kasabay ng pag-igting ng kanyang panga.

Walang nagbago sa kanyang ekspresyon.

"Babalik lang tayo sa dati kung mawawala na ang babaeng ito! And ow, we will never come back to our old group again dahil paniguradong pagkatapos ng gagawin kong ito ay hindi niyo na ako lalapitan pa. Itatakwil niyo na akong kaibigan," umiling-iling ako nanh paulit-ulit matapos niya itong isagot sa akin. Ano bang kailangan kong gawin para makumbinsi siyang hindi namin siya iiwanan?

I bit my lower lip and closed my eyes to think something that i'm going to tell him, to convince him na totoo ang sinasabi ko.

"Itigil mo 'yan, Oliver! Napakagago mo talaga! Nagagawa mong saktan ang mga babae! Sa akin ka humarap at tayo ang magtuusan! Don't use your gun to scare someone!" iminulat ko bigla ang aking mga mata dahil sa narinig.

At laking pasasalamat ko nang biglang ibinaba ni Oliver ang baril na nakatutok sa aking sentido.

Unti-unti siyang tumalikod at lumayo sa akin. Dumiretso siya kung saan naroon si Seb. Sina Lindsay at Liam ay nasa malapit na rin ni Sebastian para alalayan ito.

"Ah, so all of you are all here! How sweet," tumawa pa siya nang pagak na parang may pait sa kanyang boses.

Hindi ko na sila pinansin pa at agad na lumapit kay HeyN. Agad akong lumuhod para alalayan siyang bumangon. Pinaupo ko siya tsaka ipinasandal sa pader.

"Are you okay?" I worriedly asked at her but she just gave me a forced smile.

I can't help but to hug her again. Napadaing pa siya dahil sa aking ginawa pero humingi rin naman ako ng paumanhin.

"Don't worry, ilalabas ka namin dito nang buhay," I gave her an assurance na ikinatango naman niya.

"Ano bang pumasok sa utak mo at nagkakaganyan ka?! Where's the old Oliver that we met and know for a long time!" rinig kong sigaw ni Liam.

Umupo rin ako sa tabi ni HeyN at pinanood silang apat na naghaharap-harap. Hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha ni Oliver dahil nakatalikod siya sa amin pero alam kong madilim na naman ang mga mata nito.

"Wala na ang dating kilala niyong Oliver! Naglaho na! The new Oliver is now here infront of you all,  standing! Lahat ng mga nakita niyo noong ugali ko ay kalimutan niyo na dahil lahat ng iyon ay kasinungalingan at pakitang tao lang! Forget everything na pinagsamahan natin!" he shouted full of anger and bitterness in his voice.

School Of Murders [✓]Where stories live. Discover now