Hei-En's POV
Nang makababa na ako sa building namin ay namamalayan ko nalang na sa garden ako dinadala ng mga paa ko. Hindi ko na rin namamalayan pa na nandito na pala ako at kasalukuyang nakatayo sa gitna ng garden.
Naupo ako sa isang bleacher ng school garden namin. Sobrang tahimik pa ng paligid at ang aliwalas ng hangin na humahampas sa aking mukha.
Hindi ko maiwasang mapapikit at mapalanghap ng hangin kasabay ng pagdama ko sa sariwang hangin na humahampas sa aking mukha at katawan.
Inimulat ko ang aking mga mata tsaka ko inilibot ang aking paningin sa paligid ko. Ang daming mga bulaklak na magaganda, ang mga kulay nito'y sobrang tingkad at makikita mo rin na sobra silang naaalagaan dahil sa sobrang healthy nilang tignan. Sana all inaalagaan.
I was busy unwinding myself by letting myself feel the fresh air of the garden when I suddenly heard someone talking.
Inilinga ko ang aking ulo tsaka ko inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng may kalakihang garden.
Nangunot ang aking noo nang wala akong makitang kahit na sinong tao dito sa garden namin. Napatayo nalang ako sa aking kinauupuan at banayad na naglakad upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay.
Lumapit ako sa likuran kung saan ay may pader, mag isang kwarto rin ditong ginawang tambakan. Habang papalapit pa ako ay mas lalong lumalakas ang boses ng nagsasalita.
Nangunot pa lalo ang aking noo dahil sa kuryusidad.
"Yeah, very good. Yes, i'm impressed. Happy?" Rinig ko sa nagsasalita pero wala naman ata siyang kasamang ibang tao upang kausapin niyo.
But wait, I think his voice is familiar with me. Sebastian? No, hindi ganoon ang boses niya dahil malalim ang kanyan boses. Liam? Definitely no, malakas yun kung magsalita, hindi ganito na sobrang hina at lamig kung magsalita. Oliver? Wait, Parang...
Lumakad pa ako ng tatlong hakbang.
Malapit na'ko sa kwarto, tatlong hakbang pa ulit.
Banayad lang akong lumapit sa pintuan ng kwarto na ngayon ay may kunting siwang, sakto para masilip ko kung sino ang nasa loob niyon.
Lumapit ako dito st tahimik na sumilip sa loob nito pero ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata dahil sa nadatnan.
Siya nga! I'm not mistaken. It was Oliver but what is he doing here?! Bakit nandito siya sa tambakan ng mga sirang upuan at mga bagay-bagay?
Banayad lang ang bawat galaw ko upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay upang hindi siya makahalata na may ibang tao dito maliban sa kanya.
He was holding a phone and I think he is talking with someone over his mobile phone. I'm just listening to their convo kahit hindi naman dapat dahil privacy niya iyun but something is pushing and bothering me na dapat akong makinig sa pinag-uusapan nila.
"Matutuwa na ba ako niyan sayo? Huwag kang pakampante diyan dahil hindi pa tayo tapos. I know. So who's next?" Nagtataka ako kung ano ang pinag-uusapan niya at hindi ko nalang malaman na dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Nagsisimula na ring pagpawisan ang aking noo.
He smirked then he let a devish laugh as if he received a very good news. Punong puno nang kasiyahan ang kanyang mga mata.
"I know. Okay. Sure." Matapos ng pag-uusap nila ay ibinaba na rin niya ang tawag. Pero ang ngiti sa kanyang mga labi ay hindi pa rin napapalis.
Nagulat ako at nataranta nang magsimula siyang lumakad papunta dito sa pintuan. Agad nanlaki ang aking mga mata at walang nagawa kundi ang tumayo nang tuwid at hintayin siyang lumabas.
YOU ARE READING
School Of Murders [✓]
Mystery / ThrillerAzrael University, a known institution where students from wealthy families can only enter. However, little did they know this school is full of hidden secrets. So you better leave, or else, you could be the next target. There's so many questions t...