Chapter 21

207 50 1
                                    


Hei-En's POV

Matapos ng pag-uusap naming magkakaibigan ay napagpasiyahan na rin nilang bumaba sa second floor namin kung saan ay siyang floor ng cr kung saan pinatay si Josh.

Bakit nga ba nalaman kong siya iyun kahit hindi ko naman nakikita ang kanyang mukha?

Simple lang dahil sa paghablot ko kanina sa kanyang palapuksuhan ay siya namang pagpapakita ng kanyang tattoo.

Tattoo sa kanyang palapulsuhan, ang tattoo wings nito na hindi ko naman alam kung ano nga ba ang ibig sabihin. Pero teka, bakit nga ba siya pumapatay? 'Yan ang kanina pang katanungan na bumabagabag sa akin. Of all people, siya pa talaga.

Napakatanga ko sa parteng hindi ko siya pinagsuspetsahan kahit paulit-ulit naman na talaga siyang gunawa ng mga bagay na kahina-hinala.

Napabuga nalang ako ng hangin tsaka tumayo sa aking kinauupuan at nagsimulang naglakad papunta sa second floor kung saan naroroon lahat ng mga tao.

Wala nang bago, palagi nalang ganito. Nakakasawa na rin, halos sunod-sunod.

Nang makababa ako ay naisalpa na rin si Josh sa stretcher habang nababalot ng itim na tela para hindi na makita pa ang kanyang mukha at katawan na nababalot ng malapot na dugo na nanggaling din sa kanya.

As usual, students are everywhere again talking about his crime. Some students are planning to transfer from another school.

Nakatayo lang ako dito sa gilid kung saan ay malayo kong pinapanood ang mga kumpulan ng estudyante, propesor at mga propesora kasama ang mga otoridad na kasalukuyang ine-enterview sila ngayon.

Wala naman akong magawa kundi ang panoorin lang sila nang tahimik at tanging pananahimik lamang ang pwedeng gawin.

Maya-maya lang ay napag-pasiyahan ko na ring umalis at pumunta sa lugar kung saan ay tahimik. Mabibigat pa ang bawat hakbang ko papaalis sa second floor. Hindi ko nalang namamalayan na kumukuyom na pala ang aking mga kamao dahil sa matinding galit. Wala akong ibang nararamdan ngayon kundi ang pait at galit.

Ang dami nang namatay dito pero wala pa rin ni isang krimen ang nasolba nila dahil pilit silang gumagawa ng paraan para lamang hindi mailabas ang baho ng paaralang ito, upang hindi magreklamo ang mga magulang ng mga namatay na estudyante at higit sa lahat ay nagbubulagbulagan pa rin sila.

Hindi ko namamalayang nadala pala ako ng mga paa ko sa school garden namin. Kung saan ay walang ibang tao kundi ako lang. Umupo ako sa bleacher tsaka nagpakawala ng buntong-hininga kasabay ng pagpikit ko ng aking mga mata.

Nakakapagod na, this is the worst year of my life.

Yung akala kong dream University, but turns out to be the nightmare of my life. Worst nightmare that I can't escape.

---/---

"Fuck! She saw me!! She saw me killed that freaking bastard man!" I shouted from the top my lungs because of too much anger.

My hands are itching to break the fucking things inside this room. Argg! Kung hindi lang sana niya ako nakita. Panira kase ang lalakeng iyun.

I just coudn't help but to punch the wall. I'm bursting out of anger because she saw me! Ngayon, alam na niya kung ano nga ba ang sekreto ko. Alam na niya kung sino ang pumapatay sa paaralang ito.

Akala ba niya hindi ko alam na palihim siyang gumagalaw at nag-i-imbestiga? Fuck that woman! Mas matalino pa rin ako sa kanya.

Bakit pa kase siya dumating sa University na ito? Hindi naman siya taga rito, bakit pa siya nag-aral dito? She's ruining everything that I planned! Ayokong dumating sa punto na mapupunta lang ang lahat ng pinaghirapan ko sa wala.

School Of Murders [✓]Where stories live. Discover now