Chapter 19

209 50 1
                                    

Hei-En's POV

Kinabukasan ay ginawa ko lang din ang morning routine ko bago ako pumasok sa Azrael University. Nagpahatid lang ako kay tatay Inu gamit ang itim na kotseng binigay ni daddy pang service namin, lalong-lalo na sa akin dahil nag-aaral pa ako at kailangang-kailangan ko talaga ng service para pumasok.

"Salamat po, Tay," pagpapasalamat ko kay Tatay Inu matapos niya akong ibaba sa harapan ng gate sa Azrael. Tinanguan lang naman niya ako saka siya ngumiti sa akin nang tipid bago niya ulit paharurutin ang kotse namin. Pinanood ko lang itong lumayo hanggang sa hindi ko na mahagilap pa.

Naglakad ako papasok at agad ding dumiretso sa classroom namin. Halos kakaunti palang ang mga kaklase ko pero para nang palengke dahil sa sobrang ingay nila mag-usap. Inilapag ko lang ang bag ko sa armchair ko tsaka ako tahimik na naupo.

Maya-maya lang ay unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga kaklase namin, pero may isang tao akong gustong makita. Kating-kati na akong kausapin siya pero naghahanap lang ako ng magandang tyempo.

Malapit na rin ang first class namin at pumasok na nga si Propesor Eyolandro kasunod si Josh na tahimik lang din na naupo sa tabi ko. Sinundan ko siya ng tingin pero humarap din ako sa harapan nang magsimula ng mag-discuss ang propesor.

Maya-maya lang, matapos ang maikling diskusyon niya ay napagpasiyahan niya ngang pasagutan kami tungkol sa inaral namin ngayon sa klase niya.

Umangal pa ang ibang mga kaklase namin lalong-lalo na ang mga lalakeng kaklase ko na ubod ng kakulitan at kaligaligan.

Nandito lang naman ako sa aking upuan at pinapanood ang bawat mga galaw nila habang hinihintay ang susunod pang instruction ng propesor.

"Kayo nalang magturo dito. Ako diyan sa upuan ninyo," saad ng propesor dahil na rin sa pagkainis. Kanina pa kase umaangal at nagrereklamo ang mga kaklase ko tungkol sa ipinapasagot niyang mga iilang katanungan lamang.

"Sir naman. Hindi ba pwedeng bukas nalang?" reklamo pa ng isang kaklase namin at napailing nalang ako.

Hindi ko alam kung tinatamad ba silang mag-isip, magsulat o sadyang hindi lang nila naintindihan ang itinuro ng propesor kahit sa totoo naman talaga ay analization lang ang kailangan para masagutan ang mga katanungan.

"Quiet! Mamili nalang kayo, sasagutin niyo 'yan o magpapa long quiz ako bukas?!" At doon na nga natahimik ang mga kaklase ko kahit ang iba naman talaga ay bumubulong-bulong pa.

I rollingly rolled my eyes because of what they are acting. Such a childish students. Bakit hindi nalang sila magsagot kesa magreklamo at umangal pa.

The final decision was to answer the few questions. Kasalukuyan pa akong nagsasagot sa aking papel nang biglang may tumawag sa aking pangalan.

Napaangat ako ng tingin at nagtama naman ang mga mata namin ni Sir Eyolandro, ang propesor namin.

"Ms. HeyN. Are you done answering the activity?" he asked me.

Tinitigan ko pa muna ang papel ko bago ulit ako nag-angat ng tingin.

"Almost done, sir," I mumbled, he gave me a smile then spoke again.

"Great. Pwede bang pakikuha ng mga notebooks ninyo sa lamesa ko? In the faculty room," aniya at tumango lang naman ako tsaka lumabas na ng pintuan.

Narinig ko pang may nagpaalam kay Sir para mag-cr pero hindi ko na inalintana kung sino ba iyun. Ano ba kaseng pake ko kung sino ang magpapaalam na magc-cr?

Tahimik lang ako naglakad sa corridor papunta sa faculty room at paminsa-minsan pa akong sumisilip sa mga nadaraanan kong classrooms. Halos busy lahat ng mga estudyante sa pakikinig ng nile-lecture ng mga propesor at propesora nila.

School Of Murders [✓]Where stories live. Discover now